....
"YOUR WHAT?!" natulak ko sya dahil sa gulat pero napahawak sya sa dibdib nya dahil napalakas yung tulak ko.
"Ouch, baby" napakagat ako ng ibabang labi at lumapit sa kanya pero niyakap nya ulit ako.
"She's my mom" saad nya at napakunot ang noo ko.
"She looks like my age! Don't fool me, Pierre Ashton Acker!" nakasalubong ang kilay ko at umiling sya.
"I'm not baby" naramdaman ko ang mga paro-paro sa tiyan ko...
Him calling me baby is aaaaargh!
"Let's go. I'll introduce you to her" hinila ang kamay ko pero hindi ako nagpahila.
"What?" natatawang tanong nya at napanguso ako.
"Am I too rude earlier?" tanong ko nang maalala ang ginawa ko at mas lalo syang tumawa saka tumango kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Then, no! I can't face your mom, okay!" saad ko pero pumunta sya sa likod ko at hinawakan ang magkabilang balikat saka tinulak papunta sa restaurant.
"Come on babe, my mom won't eat you" saad nya kaya napabuntong hininga ako at tumayo ng tuwid saka sya nilingon.
Napatitig pa ako sa kanya. Buti nalang at wala akong ibang ginawa sa mama nya kanina! Nakakahiya, Astrid!
"I can do it" saad ko at tumango sya.
"Yes, you can do it" pangaasar nya kaya sinamaan ko sya ng tingin.
"Stop teasing me!" saad ko pa at humingang malalim saka naglakad.
Napatingin pa ako sa bewang ko dahil hinawakan ako ni Pierre doon.
Habang palapit nang palapit ay kinakabahan ako. Lumalakas din ang tibok ng puso ko. Mas gusto ko nalang sumabak sa giyera kesa harapin yung mama ni Pierre! Ang pangit ng first impression ko sa kanya!
"Mom" tawag ni Pierre kaya napatayo ako ng tuwid. Seryosong lumingon ang mama nya at napakagat ako ng ibabang labi dahil sobrang ganda ng mama nya at mukhang magkasing edad lang kami!
"Ma, this is Astrid, my girlfriend" pagpapakilala ni Pierre at awkward akong napangiti.
"G-good evening po" bati ko at seryoso parin ang tingin nya.
"Have a sit hija" tumango ako at nginuso nya yung upuan sa harap nya kung saan nakaupo si Pierre kanina.
"Pierre, get my bag in my hotel room" inabot nya kay Pierre ang keycard ng hotel kung saan sya nakacheck in.
Two hotels from where we are!
"Mom" may pagbabantang saad ni Pierre at ngumiti lang ang mama nya at mas lalong nakita ang ganda nya.
"Come on, I won't eat your girlfriend" saad pa nya at tumingin ako kay Pierre na parang humihingi ng tulong sa kanya. Bumuntong hininga si Pierre at hinalikan ako sa gilid ng noo.
"I'll be back" saad nya at tumango ako.
"Faster" bulong ko kaya natawa sya at pagkaalis nya ay tumikhim agad ang mama nya kaya napalingon ako sa kanya. Napangisi sya habang umiinom ng tsaa.
"Do you want something, hija? Or should I call you Princess Astrid?" agad akong umiling.
"No, h-hija is fine po" napakagat ako ng ibabang labi at natawa sya.
BINABASA MO ANG
Lucresia: We All Lie
General FictionRepublished: February 9, 2022 | January 18, 2024 End: March 18, 2022 Taglish Story of Astrid and Pierre. Astrid, the meanest and rudest Princess who loves privileges and authority but don't want to be outweigh by others. While Pierre, the kinda n...