31 - Him Again

100 3 0
                                    

"Woah! Grabe pala kapag nasa Royal Airplane!" sinamaan ko ng tingin si Gio na kanina pa nagiingay sa eroplano.

Ang basketball team kasi ang nakasama ko sa eroplano at ang iba ay nasa iba pang Royal Airplane na pinagamit ng hari. Kailangan ng mga players ngayon day 1 na maagang makapunta sa Knestiana para makapagpractice pa at pwede naman akong balikan para mag-isa lang ako sa eroplano pero ayokong mag-intay dito no! Ngayon ko lang din nalaman na may kasama pala ako sa eroplano!

"Ay, galit na ang Prinsesa" sadyang pinarinig nya sakin iyon pero hindi ko nalang pinansin.

Humiga ako sa upuan at pumikit. Wala si Gio kahapon sa training dahil may inasikaso raw kaya tahimik ang pagtuturo ko sa kanila kahapon.


Ilang sandali lang ay nakarating na kami sa Knestiana. Pinauna ko na silang lumabas at pumila ang lahat ng kasama saka ako inantay.


Ako ang nauna sa paglalakad habang silang lahat ay nasa likod ko. Nagulat pa ang lahat nang makita ako dahil hindi nila alam na kasama ako sa maglalaro.


Sumakay ako sa limousine na nagaantay sakin habang sila ay sa bus sumakay. Dumiretsyo kami sa Royal hotel ng Knestiana na sponsored ng Knestiana.


Mag-isa lang ako sa kwarto habang ang iba naman ay may mga kasama.


6 am na nang makarating kami sa Knestiana pero natulog muna ako dahil mamayang 2 pm pa ang laro at wala naman akong balak manood.


Hockey, Volleyball at Basketball ang maglalaro ngayong araw. Pagkagising ko ay 11 am na kaya tinignan ko ang phone at nakita ko ang mga text ni Pierre.

Pierre:
I bet you're still sleeping and you don't have plans to watch their games. By the way, good morning, baby.

Natawa ako at umupo sa kama saka nagreply.

Astrid:

Morning, love! And yes, I'm too lazy to watch their game.

Tumayo na ako para maligo at magayos. Nakasimpleng white side button track pants, red velvet cropped cami tank top, chuncky sneakers at maliit na back pack.

Nakahigh ponytail ako at nakalight make up saka lumabas ng kwarto para kumain.

Dumiretsyo ako sa restaurant na para lang sa mga maglalaro. Napalingon pa ang mga taga Knestiana na nagsstay din sa hotel kung nasaan kami.

"Princess Astrid" bulong pa nila pero hindi ko sila pinansin at umupo na para kumain.

Lumapit agad ang waiter sakin at binigay ang menu. Umorder ako at ilang sandali lang ay nasakin na ang inorder ko.

Tahimik lang akong kumain habang sila ay nagbubulong bulungan dahil sinasamaan ko sila ng tingin kapag umiingay sila.

Tumayo na ako nang matapos kumain at bumalik sa kwarto. Inaral ko ang mission na gagawin ko mamayang 11 pm.


Kinidnapp kahapon ang anak ng Presidente ng isang bansa at dinala rito sa Knestiana kaya kailangan ko syang kunin at iligtas bago pa sya mamatay o bago pa ako maunahan ng hinire ni Ms.X.

Nagplano at kinabisado ko ang lugar bago lumabas ng kwarto. Dahil bored ako ay umupo ako para manood ng laro ng basketball.

Umupo ako sa nakahiwalay na upuan para sa mga VIP. Tinignan ko ang score at mas lamang ang Royal University. Napanood ko kung paano nila ginamit ang tinuro ko at napangisi nang manalo sila.

Nang matapos ang laro ay umakyat ako sa kwarto para kunin ang ilang gamit saka dumaan sa back door papunta sa Ducati at nagdrive papunta sa Headquarters ng Lions dito sa Knestiana.


Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon