25 - Confused

88 3 0
                                    

short UD. Kindly put your questions for Q&A after ng story. Idededicate ko po yung next chapters sa mga magaask ng questions, mas marami mas maganda po. Thank you :)))



....

"Geez!" inis kong tinakpan ang eyebags ko at bumaba na.

Nagdrive ako papunta sa school pero late na ako dahil late akong nagising. It is because of Aiden! Kung ano anong sinasabi! I know that he's giving me a courage! Ngayon pa? Ngayon pa na pinapahinto ko na? At bakit? Anong rason?

"Mahal na Prinsesa" agad akong pinagbuksan ng guard ng gate ng makita ako.

"Huy! Sakto pa!" napataas ang kilay ko nang pumasok si Gio.


"Mahal na Prinsesa" bati nya at tinaasan ko lang sya ng kilay.


"Sungit" bulong nya pero narinig ko.

"Hey!" tawag ko sa kanya at dahan dahan syang lumingon.

"Wala ho akong sinabi!" pagtatangol nya sa sarili nya.

"I heard you but have you seen... Pierre?" tanong ko at napakunot naman ang noo nya.

"Malelate raw ho, pinauna nya ho ako kasi mamamasahe lang daw ho sya. Hindi ho makapagdrive kasi ng isang kamay kasi left handed sya e diba 'yun ho yung injured sa kanya" tumango ako sa umalis na sya.


Napailing nalang ako at pumasok sa classroom. Pagkapasok ko ay nagsisimula na ang klase pero syempre hindi ako pinagalitan. 

"Geez? Why am I even here?" bulong ko sa sarili ng makitang nasa classroom ako ni Pierre.

Mukhang hindi naman sya makakapasok sa subject na 'to kaya nagstay nalang ako pero nasa kalahating oras na nang may kumatok sa pinto.


"Mr. Acker, you're late! You shouldn't come in my class-- Yes. Princess Astrid?" tawag nya ng nagtaas ako ng kamay.


"I'm also late earlier and why you didn't scold me?" agad syang napahawak sa batok nya.

"Come inside Mr. Acker" saad nya nalang at umupo na sa right side ko si Pierre.


Nakita kong bagong benda na ang nasa kamay nya ngayon. Napairap nalang ako at tumingin sa board.

Napalingon ako nang bumuntong hininga sya. Sinusubukan nyang magsulat gamit ang kanang kamay nya pero hindi nya kaya.


DON'T MIND HIM ASTRID! STAY AWAY FROM HIM! YOU'RE JUST GUILTY!

Napabuntong hininga nalang ako at kinuha ang notebook at ballpen nya saka pinunit yung page na sinusulatan nya.

"W-what" nilingon ko sya at shinoot sa basurahan yung pinunit kong papel saka ako na ang nagsulat ng notes nya.

"Its--"

"I won't mind your business when your wound is healed" saad ko at nagsulat ng notes.

Cursive ang pagsulat ko at ngayon nalang ulit ako nakapagsulat dahil hindi naman talaga ako nagsusulat ng notes.


"Here" saad ko ng matapos ang isang buong klase at tapos na rin ang pagsusulat ko.

"T-thanks" saad nya at napataas ang kilay ko.

Hindi ko na sya inantay katulad ng pag-aantay ko sa kanya kapag lunch break. Hindi na rin ako pumila dahil ayokong mag-antay ng matagal.

Napatingin ako sa kanya nang umupo sya sa harap ko. Nginitian nya ako at kumain ng pagkain nya. Tahimik lang kami hanggang sa nagtanong sya.

Lucresia: We All LieTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon