CHAPTER 2

1.2K 40 3
                                    

JELLYCA'S POV

After no'ng rules na 'yon wala na kaming pake-alaman sa isat-isa. Pinababayaan ko siya sa kung anong gusto niyang gawin, 'yon naman ang sabi sa rules niya. Bakit ko naman siya pakeke-alaman kung magagalit siya? Ayoko naman ng may nagagalit sa akin. Masyado din kasi akong gold.

Isa pa, nagsimula na din ang pasukan namin kaya hindi na kami masyadong nagkikita. Hindi ko nga siya naabutan sa loob ng bahay. Siguro nang-babae 'yon? Tingin niyo? Masyado din kasi siyang misteryoso, ang hirap niya basahin. Hindi ko nga alam kung anong pangalan niya, bawal ko din naman kasing itanong.

Minsan, kumakain ako ng mga luto niya. Ang sarap nga ng luto niya, e. P'wede na siyang mag-asawa. Gaya din ng sabi niya h'wag ko daw pakeke-alaman 'yong mga kikiam niya. Hindi ko alam na ang isang gwapong nilalang na fuck boy ay sobrang hilig sa kikiam. Natatawa na lang ako minsan kapag binubuksan ko 'yong refrigerator tapos maalala ko siya. Ewan ko ba, basta natatawa ako.

“Uy, nakangiti ka ah!” nakangising sabi sa akin ni Azi. Hinampas pa talaga ang balikat ko, amp.

“May naalala lang ako,” nakangiting sagot ko.

Tumingin siya sa akin ng naniningkit ang mga mata. “Jowa ba 'yan?” taas kilay na tanong niya.

Umiling ako. “Hindi, nakakatawa lang talaga kaya bigla akong napangiti.”

“Oh, naks naman! Sana all may nagpapatawa na haha!”

“Ay nako! Tigilan mo nga akong babae ka!”

“Suss, ang pinsan ko naglilihim na!” yes po, opo! Pinsan ko po siya at gusto ko na siyang ibitin. Masyado siyang paladesisyon sa buhay niya.

Inerapan ko lang siya at saka tinuloy ang ginagawa kong pag-aayos ng gamit ko. Uwian na kami, de-deretso naman ako ngayon sa trabaho ko. Ngayon pa lang ang simula ko kaya aagahan ko na. Kailangan hindi late kapag unang pasok para walang masabi ang manager namin. Isa pa, kakain din muna ako sa loob bago mag-start ang work. Sobrang pagti-tipid ko kanina hindi na ako nag-lunch.

Matapos kong ayusin ang gamit ko, na-una na ako kay Azi. Naghanap agad ako ng jeep na masasakyan ang kaso mukhang wala. 6pm na kasi ng gabi at sa ganitong oras wala ng jeep sa lugar na 'to. Ang mahal naman kasi kapag tricycle, doble ang pamasahe kaysa sa jeep.

Hindi naman ako minamalas 'no?

Tila sampung minuto na akong nakatayo pero wala pa din akong masakyan. Gusto ko ng umiyak kasi male-late ako. Nagpaikot-ikot na lang ako sa pwesto ko sa pagbabakasaling may dumaan na jeep. Bakit kasi may policy pa ang mga jeep dito? Hindi ba p'wedeng 24 hours na lang din silang bumiyahe? Tsk!

“Waiting for someone?” tanong ng kaklase kong mayaman, si Hedzel. Lalaki po siya.

Umiling ako. “Naghihintay ako ng masasakyan ko,” sagot ko sa kan'ya.

“Oh, perfect timing. Sumabay ka na lang sa akin.”

Napatingin ako sa kan'ya. Nakatingin din siya sa akin. Tatanggapin ko ba 'yong offer niya? Pero, hindi ko pa siya masyadong kilala at saka hindi din kami close. Isa nga siya sa mga famous na kaklase ko, e.

“Ano?” tanong niya.

“Ah... eh.... Hindi ba nakakahiya 'yon?” alanganing tanong ko.

“Woah, sa 'kin kapa mahihiya? We're classmate so let's normalize helping each other. What do you think?” tama nga naman.

“Ah, sige!” grab the chance na lang.

“Yown, tara na!” yaya niya.

Sumunod lang ako sa kan'ya papuntang parking lot. Nang naandon na kami pinagbuksan niya pa ako ng pinto para pumasok sa loob ng kotse niya. Ang gentleman naman, may ganito pa pa lang mayaman ngayon? Hindi lang kasi ako inform, e.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon