CHAPTER 8

803 25 2
                                    

JELLYCA'S POV

May jowa ba si Kreus o sadyang nag-o-overthink lang ako? Bakit naman ako mag-o-overthink? Ano bang pake ko kung may jowa na siya, dzuh! Kasi naman 'yong narinig ko hindi ako maka-move on. Narinig ko pa na sinabi ng kausap niya na about daw sa prinsesa niya 'yong pag-uusapan nila.

Sana all prinsesa.

Grabe pa nga 'yong sigaw niya na may kasamang pag-aalala no'ng narinig niyo 'yon, eh. Siguro jowa niya 'yon, ano? Bakit ko ba kasi iniisip 'yon? Hindi ko naman dapat iniisip 'yong tungkol sa naging usapan nila no'ng lalaking nasa call kahapon ng umaga. Dapat ang ginagawa ko is nagf-focus ako ngayon dito sa putanginang activity namin na nakakabaliw. Kanina pa ako dito hindi ko pa rin gets.

Hanggang ngayon hindi pa rin ako nakakapag-decide about doon sa alok sa akin. Gusto ko sana kaso ayoko namang may mawawala sa akin lalo na 'yong pag-aaral ko. Maganda 'yong offer, mababago niya talaga buhay ko pero hindi maganda 'yong rules. Mina-manipulate ka nila, hawak na rin nila ang oras mo at kapag gusto nilang ipatawag ka dapat darating ka. Kapag nag-home study naman ako magbabayad ako sa teacher na magtuturo sa akin at saka naalala ko na scholar din pala ako at bawal kong pabayaan ang grades ko. Minsan talaga kahit pera na kailangan mong gawing bato kasi hindi talaga siya para sayo.

Sayang sana kasi isang sahuran lang mababayaran na namin 'yong lupa doon sa probinsya. Ay nako! Nakakalito, ang dami ko na ngang iniisip dumagdag pa 'to! Sobrang nakakapagod mag-isip, ha. Isa na lang ang braincell ko, nangingisay pa. Malapit na siyang mapagod.

“Take a rest kapag hindi na kaya,” napalingon ako sa nag-salita. Si Kreus, nasa may likuran ko pala habang tinitignan 'yong ginagawa ko.

“H-Ha? H-Hindi, okay lang ako. Kaya ko pa 'to,” kahit ang totoo hindi na.

“Mag-grocery ka,” ano daw?

“A-Ako?” Ako talaga inutusan niya, ha?

“May iba pa ba akong kasama dito?” Sungit, amp!

“M-May gawa pa kasi ako.”

“Mamaya na 'yan. Wala kang kakainin kapag hindi ka nag-grocery ngayon.” Okay lang, char.

“Pero...” Tinaasan na niya ako ng kilay kaya hindi ko na tinuloy 'yong sasabihin ko.

Nakasimangot akong tumayo. “Wait lang, ililigpit ko muna 'tong mga gamit ko.”

“Pabayaan mo 'yan diyan para hindi mo makalimutan na may ginagawa ka,” may point siya, ha. In fairness minsan naman pala may nasasabing maganda 'to.

“Oo nga 'no, sige. Wait lang magpapalit lang ako ng damit,” sabi ko sabay pumasok sa kwarto.

Pumili ako ng medyo maayos na damit. I'm not that kind of woman na masyadong mapili sa mga susuotin kahit sa labas lang ang punta. Okay na ako sa jeans tapos t-shirt, gano'n lang. Minsan leggings gano'n. Marami ngang nagsasabi na ang ganda ko naman daw, morena daw ako kaso wala akong taste of fashion. Buti pa sino nalalasahan 'yong fashion 'no? Ako kasi nakikita ko lang, ehe.

Lumabas na agad ako pagtapos ko magbihis. Nakita ko pa 'yong tingin sa akin na Kreus na parang sinusuri kung tama ba 'yong suot ko o para akong tanga. Bigla tuloy akong nahiya sa kan'ya. Sino ba namang hindi mahihiya, eh ang porma ni Kreus kahit nandito lang sa loob ng bahay. Siya 'yong tipo ng lalaking akala mo palaging may pupuntahan kung pumorma. Thankful pa nga ako kasi kahit fuck boy siya saka tarantado hindi niya nagagawang mag-suot ng boxer lang. Nararamdaman kong kahit maliit may respeto pa siya.

Maliban na lang no'ng pinaramdam niya sa'kin 'yon 'ano' niya.

“May problema ba sa suot ko?” Hindi maiwasang tanong ko.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon