CHAPTER 34

591 20 2
                                    

KREUS' POV

Nalaglag ang panga ko ng makitang hila-hila ni Zyria ang buhok ni Athena. I saw Blake's smirk. So this is their plan of they are just starting? Napatakip si Jellyca ng kaniyang bibig dahil sa paraan ng paghila ni Zyria. Hawak-hawak niya ang buhok sa may batok ni Athena ng paangat. Masakit iyon!

"Z-Zyria,"

"Don't worry, ate, gentle pa ako sa part na 'to." Nag-peace sign siya. That's my girl. Baka kapatid ko 'yan.

Mukhang mag-i-enjoy nga ako sa plano ng dalawang ito. Sumandal ako sa sandalan ng upuan habang nakatingin kay Jellyca na hindi ko maintindihan ang reaction. Naawa siya na parang ewan kay Athena. That girl, never niyang naging deserve ang awa, tsss.

Mas lalong nanlaki ang mata ni Jellyca ng biglang itulak ni Zyria si Athena na naging dahilan upang mapaluhod ito. Ngumisi lang ako at gano'n din naman si Aldrake. Gusto ko sana mag-cheer kaso baka mabatukan ako ni Jellyca kaya mananahimik na lang ako at manonood.

"First of all, hayaan niyo munang magsalita ang ating MGA bisita bago kayo magsabi ng mga sasabihin niyo, okay ba?" Is she commanding us?

"Be gentle to her, Zyria, dala niya ang anak ng kuya mo." Oh come on, sweetie. Mas masarap sana pakinggan kung ikaw ang may dala ng anak ko.

Nag-sign ng 'stop' si Zyria. "Hayaan mo muna ako, ate Jellyca. Hindi magiging maganda ang show kung magiging gentle ka sa mga kontrabida," sabi nito. Pumalakpak siya ng dalawang beses. "IPASOK NA ANG IKALAWANG BISITA NATIN!" Malakas na sigaw niya at masakit din sa tainga.

Lumalabas na talaga ang pagiging bungangera ng kapatid ko. Teka? May pangalawang bisita? Sino naman kaya iyon? Tumingin ako ng nagtatanong kay Blake pero tinuro niya lang ako sa harap na parang sinasabi niyang tignan ko na lang. Parang hindi ako kasama sa plano nila. Akala ko ba magka-kapatid kami? Bakit parang hindi yata ako belong?

"Bitawan niyo nga ako! Sino ba kayo?!"

"Uy, pagkain!" Kahit kailan talaga itong si Flich.

Binatukan siya ni Clarah. "Ito muna asikasuhin natin bago 'yang sikmura mo!" Sermon nito sa kaniya.

He pout his lips. Parang puwet ng manok, ampota! Hindi ko talaga alam paano ko naging kaibigan ang lalaking ito.

"Grabe ka naman, baby. Gutom na ako, ih! Gumising tayo ng maaga para sa bwiset na 'to, hindi manlang tayo kumain!" Maktol niya habang hawak ng madiin ang balikat ng lalaking may taklob na sako sa ulo.

Tinulak niya ito gaya ng ginawa ni Zyria. Nang nakaluhod na ito tinanggal nila ang sakto na nakataklob sa ulo nito. Maging ako ay nagulat sa nakita ko. Kilalang-kilala siya ni Jellyca kaya naman napatayo si Jellyca ng makita niya ang mukha nito. Is she concern? Kasi kung oo, papatayin ko ang lalaking 'yan.

"Bryle?!" May halong gulat na tawag sa kaniya ni Jellyca.

"Jellyca, sino ba 'tong mga gagong 'to?! Bakit kailangan nila kami ganituhin?!" Acting like a victim si tanga.

"Kami lang naman 'yong mga gagong hindi palalagpasin lahat ng kalokohan niyo!" Matapang na ani ni Zyria. Talagang kapatid ko ang bida sa kalokohan na 'to.

"At kakain na kami 'pag tapos nito!" Malakas din na sabi ni Flich. Muli na naman siyang binatukan ni Clarah.

"Baby, nakakarami ka na, ha! Kailangan may kapalit 'yan mamayang gabi." What the heck?!

"Zyria, ano ba talaga 'to?" Tanong ni Jellyca. Tumingin siya sa akin. "Kreus, ano bang inu-utos mo sa kapatid mo?"

"Na-ah! Hindi inutos ni kuya sa amin na gawin 'to. Actually, kailangan mo lang manahimik, ate, for at least 30 minutes para malaman mo ang buong detalye ng k'wento, okay?" Tumaas ang isang kilay ni Zyria. Sinenyasan niyang umupo si Jellyca at dahil walang choice ang mas matanda, umupo na lang.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon