CHAPTER 29

528 10 0
                                    

JELLYCA'S POV

“Opo, balak ko na po munang huminto ng pag-aaral,” mangiyak-ngiyak na sabi ko habang kausap ang nanay ko sa kabilang linya.

“Hindi ka ba nabi-bigla sa desisyon mong 'yan, anak? Alam kong mahirap da maynila pero sayang naman, malapit ka ng matapos, oh.”

Umiling ako. “Hindi po. Mas mahalaga sa akin na maka-uwi para makatulong sa inyo ni tatay.”

Narinig ko ang malakas na buntong hininga ni nanay mula sa kabilang linya. Alam ko ang nasa isip niya. Sigurado akong nahihirapan din siya dahil na-iipit ako sa sitwasyon namin ngayon. Isang linggo na lang ang binigay sa amin na palugit ng bumili ng lupa. Kapag hindi kami umalis sa lupang iyon, sila mismo ang magpapalayas sa magulang ko at pinagbantaan pa kaming baka may hindi raw silang magandang magawa sa amin.

“Pasensya na kung pati ikaw kailangang magdusa sa nangyayari ngayon,” ani ni inay at sa boses pa lamang nito ay halata mo na ang lungkot.

“Nay, alam niyo namang wala ng ibang mas mahalaga sa akin kung 'di kayo lang ni tatay. H'wag niyo na po sabihin 'yan.”

“Kailan ba ang uwi mo?”

“Sa ikatlong araw po.” Muli na naman akong naluha. Hindi ko alam pero labag talaga sa loob ko ang umalis. Ayaw ko lang mag-stay pa rito dahil nga magkakaroon na ng pamilya si Kreus.

My first love, as well as my first heartbreak.

Nag-usap pa kami ni nanay ng ilang minuto pa bago ako mag-paalam sa kaniya. Lalabas ako para bumili ng ticket ng bus. Kailangang may naka-reserve na ako dahil sobrang hirap kung sa mismong alis ko pa ako bibili.

Hanggang ngayon hindi ko pa kayang harapin si Kreus. Galit ako sa kaniya. Nag-uumapaw ang galit ko sa kaniya. Nanghihingi ako ng paliwanag noong mga oras na nasa harap ko siya. Baka sakaling mapatawad ko siya pero mas pinili niyang maglihim sa akin. Ang mas masaklap pa sa ginawa niya, hindi manlang niya sinabi sa akin na magka-kilala pala sila ng Athena na 'yon.

“Aalis ka na pala, buti naman. Ayaw ko rin kasi na may kahati sa atensyon ni Kreus. Alam mo na, buntis ako at maselan ang bata, ayaw kong kapag lumaki 'to, sabihin niya sa mga friends niya na may kabet ang tatay niya.”

“Wala akong balak makipag-agawan ng atensyon ni Kreus, kahit hindi ko naman agawin sa'yo 'yon ibibigay niya sa akin. Pero, syempre, bakit naman ako lalaban sa buntis na gaya mo?” Huling pakikipag-away ko naman na 'to susulitin ko na.

Nabigla ako ng sampalin niya ako ng malakas. As in sobrang lakas. Feeling ko nga muntik tumalsik ang panga ko dahil sa sampal niya. Pasalamat ka talagang babae ka at buntis ka. Hindi rin naman ako pinanganak para apihin lang pero hindi rin ako lalaban sa buntis na gaya mo. Kapag nakunan ka baka makulong pa ako. Kayo pa namang mayayaman basta gusto niyo, nagagawa niyo.

“Ang kapal ng mukha mong pagsalitaan ako! Tama lang na umalis ka!” Bulyaw nito sa akin habang dinuduro ako.

“Sinong aalis?” Sabay kaming napalingon kay Kreus na kararating lang. Halata ang pagkataranta sa mukha nito.

Agad siyang lumapit sa akin at tumingin sa mga mata ko. Umiwas naman ako dahil hindi ko siya kayang tignan ng matagal. Tama nga ako noong una pa lang. Wala akong kasiguraduhan kay Kreus kahit sabihin pa nating ang laki ng pinagbago niya simula ng makilala niya ako.

“Jellyca, sinong aalis?” Damn, Jellyca?!

Tumingin ako sa kaniya habang pinipigilan ang pag-agos ng luha ko. “Ako, ako ang aalis.” Lakas loob na sabi ko.

Hinawakan niya ang magkabilaang braso ko. “Sweetie, p'wede naman nating pag-usapan 'to. Let me explain, please. Let me clear everything, I want to explain, please,” may panunuyong sabi nito sa akin.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon