CHAPTER 18

661 19 1
                                    

JELLYCA'S POV

Sobrang na-iilang ako kanina sa nangyari. Ang daming estudyanteng nagtatanong sa akin kung may kapatid daw ba si Kreus na lalaki, kanila na lang daw. Ano bang malay ko? Wala nga akong alam sa pagkatao ni Kreus. Ang alam ko lang talaga siya is, tao siya tapos humihinga siya. Isa pang alam ko sa kan'ya nang-aangkin siya akala mo naman pumayag na ako sa gusto niya.

Pero kilig na kilig ka?

Arghh, sobrang kontrabida mo talagang utak ka. Kasalanan ko bang kinikilig ako sa mga ginagawa niya?! Alam niyo ba kagabi na yakap ko magdamag 'yong bear na binila niya para sa akin? Ewan ko pero feeling ko talaga si Kreus 'yong kayakap ko. Ang pangit ng ganitong pakiramdam. In love na ba ako sa kan'ya? Oo yata, in love na talaga ako sa kan'ya. Wala akong ideya kung paano nangyari iyon. Tinitignan ko lang naman siya no'ng una tapos ganito bigla ang nangyari sa akin. Kinikilig ako kada sinasabi niyang girlfriend niya ako. Kinikilig ako sa simpleng ginagawa niya para sa akin kahit sobrang corny niya.

Pero, natatakot pa rin ako. Maraming babae ang may gusto kay Kreus kaya alam kong maraming babae ang magagalit sa akin. Kung kay Bryle wala masyado, ibahin natin si Kreus. May mga naka-sex na siya at alam kong 'yon ang mga babaeng maghahabol sa kan'ya. Hindi ko dapat ikampanti ang sarili ko sa kan'ya dahil one day, iiwan niya rin ako lalo na't hindi ko maibibigay sa kan'ya itong katawan ko. Bumuntong hininga ako at tinuon na lang ang pansin ko pagkain na kinakain ko.

“Kanina ka pa tulala,” sabi ni Cherry. Siguro napansin niyang ang lalim ng iniisip ko.

“Anong tingin mo kay Kreus?” Tanong ko. Kumunot naman ang noo niya.

“Sino si Kreus?” Tanong niya rin.

“Ay, hindi mo nga pala kilala,” sinubo ko ang burger na hawak ko.

“Ah, 'yong boyfriend mo?” Tumango ako. Kinikilig nanaman ako, ehe. “Mabait siya kahit mukha siyang gago. Feeling ko lang, ha. Ewan ko kung mali ako pero, 'yong boyfriend mo hindi mo na siya dapat pakawalan. The way he look at you, the way she defend you at kung paano ka niya ituring sobrang swerte mo na sa kan'ya. Madalang na ang lalaking gano'n. Sinasabi ko sa'yo girl, h'wag ka ba diyan kay Bryle. Walang kwentang lalaki 'yan!” Simula pa lang talaga ayaw na niya kay Bryle. Hindi ko alam kung bakit.

“Akala mo lang mabait si Kreus. Saka maraming naging babae 'yon before kaya paano ako nagti-tiwala sa kan'ya?” Iyon ang problema ko. Natatakot ako kasi marami siyang naging babae.

“Lahat naman p'wedeng magbago, lahat p'wedeng baguhin. Give him some chance tapos tignan mo kung ano siya before sa kung ano siya ngayon na nandiyan na ka.” Tama siya. Ngumiti ako sa kan'ya after I heard those words.

Wala naman sigurong masama kung pagbibigyan ko nga muna si Kreus. Ngayong araw pa lang na 'to ang dami na niyang nagawa sa akin. Pinagluto niya ako ng agahan, ginising niya ako, hinatid niya ako sa school tapos pinagtanggol pa ako kay Bryle at kay Irish. Not because nay utang na loob ako sa kan'ya kaya pagbibigyan ko siya sa nararamdaman niya. We are mutual at gusto ko pa siyang makilala. Although, hindi talaga maganda 'yong sinabi niyang gusto niyang manligaw ngayon tapos bukas kami na, still deserve niyang patunayan ang sarili niya.

Ayoko rin namang pagsisihan lahat pagdating ng wala na. Huminga ulit ako ng malalim at malakas itong pinakawalan. Sana lang hindi masayang ang chance na binigay ko kay Kreus. Sana walang masayang na chance.

----------

“Sasabay ka ba sa akin pauwi?” Tanong ni Cherry.

Umiling ako. “Hindi na. Dadaan pa kasi ako kay Sir. Munzon ibibigay ko 'tong mga activity ko na hindi ko naipasa.”

Tinanguan niya ako. “Sige, ingat ka, ha. Malay mo sunduin ka ng BOYFRIEND mo,” panunukso niya sa akin. Napangiti naman ako dahil doon.

“Gaga ka talaga!” Tanging nasabi ko. Kinikilig kasi ako.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon