CHAPTER 6

883 28 2
                                    

JELLYCA'S POV

Inis akong nakatayo sa gilid ng kalsada habang nag-aabang ng masasakyan papasok ng school. Kanina pa ako dito hanggang ngayon nandito pa rin ako. Malapit na ako ma-late, oh! Grabe ang panget ng simula ng umaga ko. Tapos may pupuntahan pa ako mamayang gabi.

Pinadyak-padyak ko ang paa ko sa inis. Talagang malapit na akong ma-late tapos puro punong jeep pa ang dumadaan. Bawal naman akong sumabit, babae ako. Kung minamalas ka nga naman, umagang-umaga ganito ang mangyayari. Kung p'wede lang sumabay sa mga may sasakyan dito ginawa ko na. Ayoko namang maglakad, sobrang layo. Baka mamaya niyan kakalakad ko tapos na 'yong isang subject pagkarating ko.

"Oh, kanina ka pa diyan, ah!" Bati sa akin ng landlord namin na may hawak na walis at daspan. Mukhang magwa-walis siya sa harap ngayon.

"Oo nga po, eh wala akong masakyan. Naiinis na nga po ako kasi malapit na akong ma-late," nakasimangot na sagot ko sa kan'ya.

"Nako, mahirap talaga sumakay sa ganitong oras. Madami kasing napasok sa trabaho saka sa school kaya punuan ang jeep. Siguro sa susunod mas agahan mo pa ang gising," siguro nga 'yon ang kailangan kong gawin. Masasabon ako ng prof ko kapag na-late ako huhu.

"Hays, siguro nga po gano'n na lang," badtrip naman, oh!

"Oh, ayan pala si Kreus sumabay ka na lang sa kan'ya may motor siya," napalingon ako sa binanggit niyang pangalan. Si Kreus nga kalalabas lang, mukhang may pupuntahang lakad.

Wait? Ano daw? Sasabay ako sa kan'ya? H'wag na! Halos mamatay na nga ako no'ng sumakay ako sa motor niya, hindi ko na uulitin 'yon. Bahala siya diyan magt-tyaga na lang ako.

"Ah... H-Hindi na po, salamat na lang!" Mabilis na sagot ko. Ayoko ng mawalan ng kaluluwa ulit.

"Asus, nahiya ka pa! Mabait naman 'tong si Kreus," hindi po kayo sure, ehe. Tumingin sa akin si Kreus ng taas ang kilay. Gan'yan ba 'yong mabait?

"Ah, h'wag na po. Okay naman na ako dito. Maghihintay na lang po ako." H'wag na po kayong mapilit, please lang.

"Ay nako! Hindi!" Hinila niya si Kreus palapit sa akin. "Sumabay ka na kay Kreus. Kanina ka pa nagre-reklamo na malapit ka ng ma-late tapos tatanggihan mo pa 'yong offer ko?" Luh, desisyon ka po?

"It's fine with me." Fine with you, amp. Papatayin mo lang ulit ako, eh.

"Hala, hindi nga po okay lang naman ako kahit h'wag na," ayoko pang mamatay.

"Isabay mo na 'to at baka ma-late pa," utos nanaman niya kay Kreus.

Paladesisyon!

Hindi na ako naka-angal dahil inabot na sa'kin ni Kreus 'yong helmet niya. Akala ko ba wala siyang ibang babae na pinapasakay sa motor niya, bakit ako pinapasakay niya? Siguro hindi babae ang tingin sa'kin ng lalaking 'to. Ang sama talaga ng ugali kahit kailan. Kung hindi lang talaga krimen ang pagpatay baka pinatay ko na siya.

"Humawak ka ng mabuti," kasi patatakbuhin mo ng mabilis? Epal ka!

"H'wag mo naman masyadong bilisan hehe."

"Why not? Akala ko ba male-late ka?" Ay wow parang concern.

"Mamamatay naman ako sa sobrang bilis!" Totoo lang.

"Tss..." nice reply sarap mong ibigti.

Walang anu-ano'y bigla na lang niyang pina-andar 'yong motor niya. Napayakap nanaman ako sa kan'ya dahil sa pagkabigla. Tangina, sabi ko h'wag bilisan, nang-bigla naman! Ang lakas talaga ng sapak ng lalaking 'to sa utak! Argh, kainis!

"H'WAG MO BILISAN!" Sigaw ko sa may tainga niya.

"Isa pang sigaw mo ilalaglag kita!" Okay, sabi ko nga behave na lang ako.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon