CHAPTER 33

612 17 0
                                    

KREUS' POV

“MAGANDANG UMAGAAAAA!” Halos tumalsik ang tutuli ko sa sobrang lakas na sigaw ni Zyria. Kabu-bukas ko lang ng pinto at bunganga niya agad ang bumungad.

“Damn! Can you please lower your voice?!” Angal ko. Tinignan ko ang pinto kung saan natutulog si Jellyca. Magdamag ko siyang binantayan dahil baka umalis siya. So, technically wala akong tulog.

Mabilis na sumilip sa loob si Zyria. “Nandiyan ba ang future wife mo, kuya?”

“Dalawa ang future wife niya, linawin mo,” sabat ni Blake. Nandito ba 'tong dalawang 'to to tease me? Kasi kung ko, mapa-palayas ko 'to ng wala sa oras.

“Iyong buntis, nandiyan ba siya, kuya?” Tanong nitong muli. Nakasilip siya sa pinto na animo'y may hinahanap talaga.

“Are you guys here just to tease me?” Walang emosyong tanong ko sa kanilang dalawa.

Sabay silang umiling.

Oh, come on! This two makes my head ache. Puyat na nga ako dadagdag pa ang kakulitan ng dalawang 'to.

“Ayaw mo ba kami papasukin, kuya?”

“Oo nga naman, bro. Ang dami naming dala, oh.” Turo niya sa karton-kartong hindi ko mawari kung anong laman sa loob.

Nangunot ang noo ko. “Anong pina-plano niyong dalawa?” Wala sa sariling tanong ko. I know there's something up with this two na hindi sinasabi sa akin.

Ngumiti ng malapad si Zyria. “Isang magandang show na sigurado akong ma-i-enjoy mo! Promise, kuya, hindi ka magsisisi kapag pinanood mo ang show naming dalawa mamaya!” Excited na sabi nito nang hindi nawawala ang ngiti sa kaniyang labi.

Napa-iling na lang ako. Nagda-dalawang isip ako kung papa-pasukin ko ba ang dalawang 'to o hahayaan ko na lang sila sa labas dahil baka manggulo lang sila sa loob. Habang nagti-titigan kami ni Blake, bigla akong tinulak ni Zyria sabay pumasok ng walang pakundangan.

“Ria!” Inis na tawag ko rito.

Blake's chuckled. “Hindi mo mapipigilan ang princess natin sa lahat ng kalokohan niya. Just go with the flow and help me to bring all of this inside. Darating na rin mamaya si Aldrake may pinabili lang si Zyria,” ani nito.

“Kailan pa naging maayos ang samahan ni Aldrake at Zyria?”

Kumibit-balikat si Blake. “Hindi ko alam. Basta ang alam ko lang hindi ko sila mapipigilan. I know there's something that Aldrake's want to tell with our princess but she always refused to listen. Nagmana talaga siya pagdating sa tigas sa ulo,” natatawag sabi nito habang umiiling.

Yeah, and that's my girl. Tinulungan ko na siyang ipasok lahat ng karton. Bali lima at sobrang bibigat pa ng mga laman. Nilagay namin iyon sa kusina at saka binuksan. May party ba? Bakit para sa handaan yata ang binili ng dalawang ito. May spaghetti na lutuin, pancit, mga rekado, mga sauce, may gulay at karne. Ngayon pa lang naguguluhan na ako sa balak ng dalawang 'to. I have to keep an eye to my Jellyca. Baka magulat na lang ako wala na siya. Ang hirap kaya pumunta ng ibang lugar para hanapin siya.

Malawak ang probinsya nila at baka abutin pa ako ng half year bago ko makita kung saan sila. Nagtataka rin ako ngayon kung bakit wala ang buntis na babaeng malakas manakot. Mabuti na rin na wala siya dahil hindi maganda ang pakiramdam ko tuwing nandito siya. Parang gusto kong pumatay ng babae kung hindi talaga talaga masama. Kung hindi lang illegal ang pagpa-palaglag ng anak baka ginawa ko.

“Tangina!” Bungad na mura ni Aldrake ng makapasok siya. Sabay kaming tatlong tumingin sa kaniya.

“Anong nangyari sa'yo?” Tanong ni Zyria. Ako nama'y nakatingin lang sa busangot na mukha niya.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon