CHAPTER 24

589 13 0
                                    

JELLYCA'S POV

Nakatingin lang ako sa mga taong nag-aayos ngayon ng tent. Malaki ang camp site na kinuha nila. Ang sabi nila sa amin sampung eskwelahan daw ang in-invite nila. Gusto ko sanang tumulong sa pag-aayos ng tent ang kaso h'wag na raw sabi ni Miss principal. Hanggang ngayon napapaisip pa rin ako paano siya nagawang pasamahin ni Kreus.

“BUENAVENTURA!” Na-agaw ng sigaw na iyon ang atensyon ko. Pamilyar sa akin ang boses niya.

Tumingin ako sa gawi nila. Nakita ko ang lalaking g'wapo na nakangisi sa babaeng nakatalikod sa akin. Kilala ko talaga siya. Parang nakita ko na.

“Umayos ka nga, Aldrake!” Inis na sabi nito sa lalaki na Aldrake ang pangalan. Pinaghahampas niya pa ito sa balikat.

“Awww! Stop hurting me!” Reklamo naman no'ng Aldrake. Ang cute nila mukha silang couple.

Parang si Kreus lang din 'yong lalaking hinahampas ng babae. May pagka-badboy ang look at mukhang hindi gagawa ng matino. Bagay na bagay talaga silang dalawa. Sa tingin ko nga may relasyon sila. Matangkad na maputi iyong lalaki. Matangos din ang ilong. P'wede siyang maging modelo, built din ang katawan. Talagang nakikita ko sa kaniya ng kaunti si Kreus. Mas malaki lang ang katawan ng lalaking 'yon at mas g'wapo, charr.

“Ate... ano nga ulit name mo?” Ako ba ang tinatanong niya?

“A-Ako? Jellyca. Wait, ikaw si... Zyria, right?” Tumango siya ng nakangiti. Ang ganda talaga ng batang 'to.

“Wahhh! I'm so happy na may makaka-chikahan pala ako dito, hihi!” Shems, why so cute naman ng girl na 'to.

“Akala ko nga rin wala akong makakasundo dito,” nahihiyang sabi ko. Ang ganda niya kasi sino ba namang hindi mahihiya?

Natigilan ako ng umakbay sa kaniya ang lalaking tinawag niya na Aldrake. Nakatingin ito sa akin ng seryoso. Just like how Kreus look at me. Tinignan siya ni Zyria at sinamaan ng tingin. Inalis din nito ang pagkaka-akbay pero binalik niya pa rin. Mag-jowa na may LQ siguro 'to.

“Alisin mo nga!” Inis na utos sa kaniya ni Zyria. Tinaasan niya lang ito ng kilay.

Shit, bakit nakikita ko sa kaniya si Kreus?

“Is she your friend?” Tanong niya nang nakaturo sa akin ang kamay pero nakatingin kay Zyria. Cute ng couple na 'to nakaka-bitter.

“Wala kang pake!”

“Mag-jowa kayo?” Hindi ko na talaga napigilan ang sarili ko.

“Hindi!” Mabilis na tanggi ni Zyria. Nangisi naman ang lalaking nasa tabi niya.

“Ang sweet niyo kasi.”

“I told you, dear, sweet talaga tayo,” pang-aasar ng lalaki sa kaniya. Siniko naman agad siya ni Zyria.

“H'wag mo na lang siyang pansinin, ate. Hindi ko lang po napakain 'tong isang 'to kaya kung anu-ano na lang ang pinagsasabi.” Natawa naman ako sa kaniya. Halatang ilang na ilang na siya.

“Kung hindi kayo mag-jowa, eh 'di may past kayo?” Masyado na akong chismosa pero wala akong pake. Curious ako.

“Wala!”

“Yes we have.”

Sabay pero magkaiba, amp. Ang isa natanggi, ang isa naman aminado. Sino bang paniniwalaan ko da dalawang 'to? Sarap pagsa-sampalin.

“Ano ba talaga? Nalilito na ako sa inyong dalawa.” P'wede paki linaw? Nahihirapan akong chumismis kapag ganiyan, eh.

“May past kami. We have past, dear. Dini-deny mo ba 'yon? We used to sleep in—” tinakpan ni Zyria ang bibig niya.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon