BLAKE POV
*FLASHBACK*
“Bantayan mo siya ng maayos, Blake.” Sabi ko na nga ba't eto talaga ang pinunta niya dito.
“ Ginagawa ko naman---” malumanay na sabi ko. Pinutol niya agad ang gusto kong ipaliwanag.
“Pero sinaktan siya ng gano'n lang? Tsss, hanggang ngayon ba naman lampa ka? P'wede bang ipakita mo naman ang pagiging kuya mo, tsk!” Never ka talagang nakinig sa paliwanag ko, Kreus.
“I-I'm sorry,” ayan na lang ang nasabi ko sabay napayuko. Wala naman akong laban kay Kreus kasi kahit anong paliwanag ko hindi niya talaga ako pakikinggan.
“H'wag kang lampa. H'wag mo namang ipakita sa akin na hanggang ngayon you can't stand alone, hindi mo kayang tumayo gamit 'yang sarili mong mga paa at kailangan mo pa talaga ako para alalayan ka,” tumaas ang kilay niya sa akin. “You are more professional than me tapos hindi mo magamit 'yang utak mo for our sister? How stupid you are!” Narinig ko pa ang pagbuga ng hininga niya.
Wala akong maisagot sa dami ng sinabi niya, bakit? Hindi pa ako pinakinggan ni Kreus. Hanggang ngayon nakatatak pa rin sa isip niya na pinabayaan namin sila ni Zyria. Ang totoo nagpa-opera ako no'n at kaya matagal ang balik namin dahil muntik ng mag-failed ang operation sa akin. Limang buwan akong comatose tapos two months akong naging under observation.
Para makauwi kami ng Pilipinas kailangan pa ni daddy mag-trabaho. Sa operasyon ko pa lang halos maubos na 'yong pera ng mga magulang ko. Iyon lahat ang gusto kong ipaliwanag kay Kreus, if only I have a chance. Wala akong maisagot sa mga binabato niyang salita dahil alam kong bugso ng galit lang lahat ng iyon kaya sinasabi niya ako ng gan'yan. We use to be best buddies before. We shared in everything, we laughed together, we played together, we enjoyed every moments together, but now? Wala na.
Lahat ng nangyari, kasalanan ko 'yon.
*FLASHBACK END*
Napasandal na lang ako sa inu-upuan ko ngayon. Ano nga bang magagawa ko para sa kapatid namin? I should take a revenge for my sister too dahil nakikita kong pinaglalaruan na si Shane ni Kreus ngayon. I know Kreus, iba siya makipaglaro s kahit na sinong gagalaw sa kapatid namin. He keep messing their lives until sila na lang ang sumuko tapos umalis.
“Kuya, may problema ka ba?” Tanong sa akin ni Zyria. Yes, nasa kwarto ako ngayon ni Zyria.
Umiling ako sabay ngumiti. “Wala, napaisip lang si kuya na siguro masyado na akong mabait. Maybe we should turn our self to a demon para hindi na masaktan ang princess ko,” maybe I should?
“Kuya, hindi mo naman po kailangang gawin 'yon. Iwasan na lang natin sila,” may pakiusap na sabi ni Zyria habang nakatingin sa akin.
Tumikhim ako sandali. Hinawakan ko ang isang kamay niya habang nakatitig sa mga mata niya. “Look, princess, we're trying our best na umiwas sa kanila at the very beginning pero hindi nila tayo iniiwasan. Sila na mismo ang lumalapit sa atin. Ngayon naman, it's our turn para lumapit sa kanila.”
“Pero, kuya---” I cut her off.
“Ipapakita mo ba sa kanila na ang isang Zuarex dapat kinakaya-kaya lang ng babaeng malandi?” Makahulugang tanong ko sa kan'ya.
Ngumiti siya sa akin. “Syempre naman hindi, kuya!” Good.
“Let's make that girl suffer from what she did,” bigla na lang akong napangisi sa sinabi ko. Damn this smile!
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
RomancePAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...