CHAPTER 1

1.5K 46 23
                                    

JELLYCA POV

Abot langit ang ngiti ko ng lumabas sa loob ng isang coffee shop na in-applyan ko. Sa wakas, after 3 days na paghahanap ng trabaho nakakuha din ako. Hindi madali para sa college student na gaya ko ang humanap sa trabaho. Ako din mismo ang tumatanggi kapag alam kong magiging hasel sa time ko. It's not all about money, its all about pursuing my dreams at ayokong may mapabayaan ako.

Mahirap daw ang buhay dito sa Manila kaya kailangang practical ka. Kung sabagay, ang mahal nga ng renta doon tinutuluyan ko ngayon. May kasama pa akong malibog na pervert. Ang maganda lang sa kan'ya hindi siya pala-salita at saka wala siyang pake sa ginagawa ko. Naalala ko pa kung paano niya ako pinagbataan, as if naman matakot ako?

Hindi nga ba dapat matakot ako? Ang laki kaya ng alaga niya, ay mali! Shit! Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Dapat matakot ako kasi nakakatakot naman talaga siya. Ang badboy niya at parang handa siyang manakit ng kahit na sino. I swear, aalis na lang ako ng Manila hinding-hindi ko makakasundo 'yong lalaking 'yon.

"Kuya, pabili nga po nito," turo ko sa fish ball. Nakakagutom din kaya maglakad. Nagtitipid ako kaya kapag kaya ko naman lakarin 'yong lugar nilalakad ko.

"Ilan po, ma'am?" tanong ni kuya.

"Sampung piso po," nakangiting sagot ko.

Nakakita ako ng isang grupo ng magka-kaibigan. Ang ganda no'ng isang babae. Hindi siya pala-ayos pero ang ganda niya, sana all. May apat na lalaki silang kasama at 'yong dalawa mukhang mag-asawa pa. Masaya silang nagkukulitan habang papalapit sa kinatatayuan ko, mukhang bibili din sila. Sana all nga may kaibigan. Ako kasi kinakaibigan nalang kapag may kailangan.

"Pabili po nito kuya!" masiglang sabi ng babaeng nakalugay ang buhok. 'Yong sinasabi ko na simple lang pero maganda.

"Wow, Ria! Energetic mo nanaman ha!" sabi ng isang babae.

"Ganyan talaga kapag naka-moved on na," tumatawang sabi ng isang babae na pang-model ang height.

Bigla akong napa-usod ng mabangga ako no'ng Ria. Tumingin siya sa akin, "hala! Sorry, ate! Hindi ko po sinasadyan!" shit bakit naman ang galang niya.

"Hehe okay lang," nahihiyang tugon ko. Ang ganda niya kasi saka parang pamilyar 'yong mukha niya.

"Ikaw? Anong gusto mo?" tanong ng lalaki sa buntis niyang asawa. Ilang taon na kaya 'tong mga 'to? Bakit ang aga naman ata maging mag-asawa.

"Kahit ano nalang, ikaw naman gagastos." mapapa-sana all ka nalang talaga sa landi nila.

"Flich, ang tahimik mo." puna ng matangkad na lalaki sa chinito na mukhang seryoso ang mukha.

"Pa-epal kasi 'yong isa diyan," parinig niya habang nakatingin sa babaeng matangkad.

"Inaano kita?" taas kilay na tanong nito.

"Shhh.... Tama na 'yan! Bawal maingay ngayon!" saway sa kanila ni Ria.

Napatulala nalang ako sa ingay nila. Sila 'yong tinatawag na perfect barkada. Kung titignan mo sila, lahat sila magaganda't gwapo. Sana all talaga biniyayaan ng ganda. Hanggang sa umalis ako nandoon padin sila. Balak na yata nilang ubusin lahat ng panindan ni manong. Mukha din silang mayayaman na tao dahil sa pormahan nila. Sabi nga nila ang mayaman, para lang sa mayaman siguro himala nalang kapag may naging kaibigan akong mayaman.

Umuwi nalang ako dahil napapagod na din ako sa ginawa kong paglalakad. Tahimik kong dinatnan ang bahay, mukhang wala yata si Mr. Manyak.

“Hay, salamat!” may pagbutong hiningang sabi ko.

“At last you're here,” malalim na boses ang biglang nagsalita.

Napa-igtad ako bigla. “A-Ah, h-hello!” shit, kinakabahan ako sa kan'ya.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon