JELLYCA'S POV
Tahimik kong tinatahak ang daan papuntang canteen. Maraming estudyante ang nasa labas ngayon dahil lunch break na. Wala naman sana akong balak mag-lunch dahil kada nasa school ako hindi ako nagla-lunch ang kaso, masyadong malaki 'yong perang binigay ni Kreus ngayon sa akin. Hindi ko mawari kung anong nakain niya at ganoon nanaman siya kabait sa akin. Tila sinaniban nanaman ng mabuting elemento kaya gano'n.
Alam niyo kasi ayang si Kreus kapag kasama niya ako sa bahay palaging lamang kasungitan niya. Oo guys, legit! Daig pa niya hindi minahal ng kung sino sa sobrang sungit. Minsan nga titignan ko lang siya bigla niya akong kukunutan ng noo, tataasan ng kila, e-erapan, bibigyan ng nakakatakot ng tingin, o 'di naman kaya minsan ngingisihan niya ako na parang demonyo. Hindi ko rin alam kung normal na ba sa kan'ya 'yong gano'n o sadyang gano'n lang siya sa akin dahil hindi niya ako tanggap? Sad naman walang nagmamahal sa'kin dito, charr.
Teka nga! Bakit Kreus nanaman ang laman ng utak ko?! Shuta, sabing h'wag na siyang isipin! Nakakadagdag kaya ng stress ang pag-iisip sa kan'ya, parang ewan ka self. Mahina kong kinagat ang ibabang labi ko. Pinipigilan ko ang sarili kong mag-salita na lang bigla dahil nasa gitna nga ako ng daan. Mamaya masabihan pa ako ng baliw dito o kaya naman kulang sa tulog. Well, sa aming mga college student normal lang na mag-kulang sa tulog saka mag-mukhang baliw kasi nakakabaliw naman talaga ang mga subject sa college.
If you are a college student the most important thing is unity. Sinasabi ko sa inyo, sa college kailangan hindi ka mapag-mataas na parang superior ka dahil sobrang talino mo. You should help your classmate kasi ang mangyayari niya give and take kayo. Makikinabang ka habang nakikinabang din sila sayo. At saka, once you are a college student dito na papasok lahat ng emotion kaya dapat emotional prepared ka lalo na physical. Puyat, stress tapos idagdag pa 'yong pagod.
Kapag mahina kang nilalang hindi mo kakayanin, promise. Sinasabi ko na sayo ngayon pa lang mag-asawa ka na kaysa mag-college, charr.
Nabigla ako ng may nabunggo akong tao dahil sa pagka-lutang ko. Nanlaki ang mata ko ng makita ko siyang nakasalampak sa semento at nagkalat ang mga papel na dala niya.
"H-Hala, I-Im sorry!" Na-uutal na paumanhin ko. Tinulungan ko siyang pulutin lahat ng nagkalat niyang papel dahil sobrang dami. Mukhang mga files pa yata 'to.
Paalala mga kapatid, iwasan natin ang pagiging lutang natin. Kung hindi poste ang mababangga natin baka tao. Kung hindi man tao ang mabangga natin baka masamang elemento, nako mas lalo kayong kabahan kapag gano'n lalo na kung si Kreus 'yong masamang elemento.
Kreus nanaman!
"Sorry talaga, ha." Inabot ko sa kan'ya 'yong mga papel na pinulot ko. Malugod naman niya itong kinuha.
"Okay lang po, nagma-madali lang din po kasi talaga ako!" Teka... eto 'yong babae na nakita ko sa park dati, ah.
What a coincidence?
"Have we met before?" I dunno saan ako kumuha ng lakas ng loob para itanong sa kan'ya 'yon. Nakakahiya nanaman ako, yawa!
"Ah..." Sandali siyang nag-isip. Pumitik niya ng mahina ng parang may naalala siya. "Ikaw po 'yong girl na nabunggo ko no'ng bumibili kami ng fish ball, right? Zyria nga po pala," nilahad niya ang kamay niya.
Nakangiti ko itong tinanggap at sandaling nakipag-kamay sa kanya. "Jellyca, nice to meet you Zyria."
Ngumiti din siya ng matamis na lalong nagpalabas ng ganda niya. Ibang klase ang ganda ng babaeng 'to sobrang simple niya. Kung ipapasok mo siya sa pagiging model p'wede at pwedeng-pwede rin siya sa mga leading role. Napakaganda!
"Paano, ate Jellyca? Ma-uuna na po ako at ihahatid ko pa po ito sa principals office. Nautusan lang po ako kumuha dito ng approval letter para sa research na kina-conduct namin, eh."
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
Любовные романыPAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...