CHAPTER 36

596 11 0
                                    

JELLYCA'S POV

Anong sabi mo?!” Malakas na tanong ni tatay sa sobrang gulat. Maski naman ako nagulat.

“I-Iho, hindi ka ba nabibigla?” Grabe naman 'tong magulang ko.

Umiling si Kreus. “Hindi po. Gusto ko pong pakasalan si Jellyca next month. Kung wala pa po kayong tiwala sa akin I'm willing to stay here just to prove myself,” mahinahon na sabi niya habang nakikipag-titigan sa mata ni tatay.

“Is he serious?” Narinig ko namang bulong ni Queenie. Siya talaga ang pinaka-madaldal sa lahat.

“Narinig mo naman hindi ba?” Nabaling ang atensyon ko sa nag-salita. For the first time in forever, muntik ko ng makalimutan ang existence ng taong 'to. Nag-salita rin siya! Sa wakas!

“Ay, may bibig ka pa pala? Akala ko pipi ka na.” Hindi ka nag-iisa Clarah, akala ko rin pipi siya.

“Jellyca,” tawag sa akin ni tatay.

Nilingon ko siya. “Po?” Magalang na sagot ko. Syempre, para plus point tayo sa langit.

“Anong desisyon mo, anak? Aba'y hindi naman kami ang magpa-pakasal dine, ikaw naman kaya na sa'yo pa rin ang desisyon.” Sabi ko nga, nasa akin talaga.

Nakamot ko na lang ang ulo ko. Sa totoo lang hindi ko rin alam ang sasabihin ko. Nabigla ako sa naging desisyon ni Kreus. Akala ko pumunta lang kami rito para makilala niya ang parents ko. Hindi ko alam na magya-yaya siya ng kasal. Tumingin sa akin si Kreus at ngumiti. Nangiti na lang din ako sa kaniya. Nalilito ako ngayon. Nag-aaral pa ako.

“You have more time to think, sweetie. I can wait, I'm willing to wait until you're ready to marry me,” nakangiting saad aniya.

Kusang ngumiti ang labi ko dahil sa narinig ko. “Pasensya na talaga, naguguluhan pa ako ngayon. Gusto ko munang makausap sila nanay sa bagay na 'to. Saka ko na siguro sasagutin ang tanong mo kapag maayos na naming napwg-usapan,” paliwanag ko. Mabuti ng malinaw ang dahilan ko kung bakit hindi ko siya masagot kaysa kung ano-ano ang iisipin niya.

Tumango siya. “I understand. I will stay here po muna if okay lang sa inyo.”

Nagkatinginan si nanay at tatay. “Ah... Eh.... I-Ikaw ang bahala, iho. Paano naman ang mga magulang mo? Hindi ba sila mag-aalala sa'yo? Baka hanapin ka nila.”

“Hindi po nila ako hahanapin at baka nga po sumunod sila rito.” Ano raw?!

“Nakikita ko namang seryoso ka sa anak ko, iho. Kahit masama ang loob ko dahil nagawang maglihim ng anak ko, nakikita ko namang mabuti ang iyong kalooban, gusto ko lang masubukan kung handa ka bang gawin ang lahat para sa anak ko.” Mukhang hindi maganda ang naiisip ng tatay ko, ah.

“Handa po akong gawin lahat!” Mabilis na sagot ni Kreus. Jusko, pabigla-bigla kang lalaki ka. Akala mo ba gano'n kadali ang lahat. Walang iyakan, ha.

“Bueno, simula ngayong araw, iho, kasama na kita saan man ako magpunta. Magsasaka tayo, mangunguha ng mga panggatong, magsusuga ng mga alagang hayop, magtatanim ng mga halaman, at lahat ng ginagawa ko rito, kailangan ay makasanayan mo ring gawin. Sa gayong paraan mo lang makukuha ang basbas namin.” Nalaglag ang panga ko sa sinabi ni tatay.

SERYOSO BA SIYA?!

Malakas na kinurot ni nanay sa tagiliran si tatay. “Ano ka ba?! Kaganda ng kutis ng bata pagta-trabahuin mo sa bukiran?!” Sermon niya kay tatay.

“Aray ko naman! Aba'y, makakain ba ng anak natin ang magandang kutis na 'yan?! Ah basta! Ayon na nag desisyon ko!” Attitude ng tatay ko.

“Ikaw talagang matanda ka!”

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon