KREUS' POV
Napahawak ako sa ulo ko na sobrang sakit. Tangina, gaano ba karami ang na-inom ko? Nilibot ko ang mata ko sa paligid. Hindi ko bahay 'to. Nasaan ba ako?
“Gising ka na pala,” ani ni Clarah. Nakasandal ito sa may pinto habang magka-cross ang kaniyang kamay.
“Nasaan ako?” Tanong ko rito.
“Hm? Hulaan mo.” Nyeta!
“Tsss, I have no time for that. Kailangan ko ng umuwi, aayusin ko pa ang alitan namin ni Jellyca.” At saka nandoon pa sa bahay na 'yon ang babaeng bruha.
“Kuya?” Zyria...
Tinapik ni Clarah ang balikat ni Zyria. “Mag-usap muna kayong mag-kuya,” sabi nito at umalis.
Nakatingin lang ako sa kapatid ko. Matagal ko ring hindi nakita ng malapitan si Zyria. Bakit nga pala nandito 'to? Ang usapan namin hindi madadamay si Zyria sa problema ko at hindi sila hihingi ng tulong sa kaniya.
Gano'n na lang ang pagka-bigla kong yakapin niya ako. Damn! I don't know what to react!
“Kuyaaa!” Tawag nito sa akin sabay umiyak na parang bata. Shit, I forgot, baby pa nga pala ang princess namin.
Niyakap ko na lang siya at hinaplos ang likod. “Shhhh... What's the problem?”
“Anong what's the problem?! Ang tagal mong hindi nagpakita sa amin! I thought hindi mo na ako mahal!” Ani nito sabay hagulhol na parang baby. Oh, come on, paano ba magpatahan ng bata?
Sa hindi malamang dahilan ay napangiti ako. Matagal ko na ring hindi nakakausap ng ganito ang princess ko. Madalas binibigyan ko siya ng cold personality. Kahit sabihin pang palihim ko siyang binabantayan, alam kong gusto niya pa ring ituring ko siya ng gaya dati. But, I think hindi na mangyayari iyon.
Kumalas siya sa pagkakayakap sa akin at umupo sa tabi ko. Pinunasan ko ang luha sa mga mata niya at matipid na ngumiti. Marami akong problema ngayon at ang pinaka-malaking problema ko ay kung paano ko mababawi ang mahal kong Jellyca.
Hinawakan niya ang kamay ko. “Kuya...” at ayan na naman siya.
“What?” I raised my eyebrows.
“Ihhh! Ang sungit mo na naman!” She's throwing tantrums again.
“Come on, princess. Say what you want to say uuwi pa ako. I have to deal with my problems.”
“Gusto kong tumulong. Just tell me the whole story, kuya, and I will help you. Lahat gagawin ko, promise!” She raised her right hand. Alam na ba niya? Siguro sinabi ni Flich kay Clarah at itong si Clarah naman sinabi agad kay Zyria.
Umiling ako. “No need. I can handle this.”
“Noo! Gusto ko tumulong!”
“Zyria—”
“Kuya, babae ako! Alam ko kung paano makikipag-deal sa kapwa ko babae. After all, this is the only thing I can help you. I know you're secretly protecting me, kuya.”
Kumunot ang noo ko. “Sinong nagsabi sa'yo niyan?”
“Ako!” Lumabas mula sa pagkakatago si Kion.
I glared at him. “I told you to stay—”
“Shut up!” Sinabayan niya ako. Grrr, this boy making me mad. “Pero, hindi naman p'wedeng ilihim ko sa mahal mong kapatid ang tungkol doon hanggang sa huli hindi ba?”
“Kuya, h'wag ka ng magalit kay Kion. Just please, let me help. I swear hindi magiging magulo ang lahat at magkaka-ayos kayo ng girlfriend mo. Maniwala ka sa akin, kuya.”
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
RomancePAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...