ZYRIA'S POV
Ano naman kayang ginagawa ng mga 'to dito? Pansin ko lang, nawiwili na 'tong mag-asawa na 'to gumala tapos 'yong anak nila maiiwan doon kela tita. Madalas naming kasama si Hiro at saka itong bungangerang si Ferra. Sila nga rin ang pinaka-maingay sa grupo tapos magkasundong-magkasundo pa si Queenie at Ferra. Paanong hindi magkakasundo, eh sobrang lakas nilang mang-asar.
Gaya na lang noong nakaraan. Nakasalubong namin si Shane. Dahil parehong siraulo si Queenie at Ferra sinabihan ba naman nila si Shane ng, 'yuck, may langaw, oh! Mahilig dumikit sa mga mababaho kaya ang baho na rin!' Ang ending, na-guidance kami kasi itong si Shane napikon. Sinugod niyang 'yong dalawa. Ako na umawat lang sinabunutan din kaya pare-pareho lang kaming nalintikan. Sa totoo lang masaya na ganito kami kaysa noong na sobrang hirap kaming kalabanin si Aldrake at Shane. Wala na rin masyadong paramdam si Aldrake at wala akong paki kung bakit.
“Ano na namang ginagawa niyo dito?!” Bungad na tanong ko sa kanila. Ano na naman kayang masamang hangin ang nagdala sa kanila dito sa bahay namin?
“Ito kasing si Clarah nagyaya ng gala. Ang sabi namin dito na lang sa inyo,” sagot ni Flich. Wow, ha!
“At, ginawa niyo pa talagang tourist spot 'tong bahay namin?” Sarcastic tone na sabi ko.
“Ang dami mo pang sinasabi, alis nga diyan!” Tinulak ako ni Clarah ng mahina. Bahagya akong napa-urong sa gilid saka naman siya pumasok ng dere-deretso sa loob ng bahay.
Parang hindi kaibigan, amp!
Sunod-sunod na silang nagpasukan hanggang sa loob. Pinitik pa ako sa noo ni Kion tapos humalik sa pisngi ko nago tuluyan ng pumasok. Kasunod ni Kion, si Hiro at si Chie naman. Ang bata-bata pa ng anak nila tinuturuan na nilang maging gala.
“Ah, may kasama ako, Ria.” Tumaas kilay ko sa sinabi niya.
“Sino?” Tanong ko.
Tumuro siya sa gate. “Ayon, oh.”
SI ALDRAKE?! Sa dami ng isasama bakit siya pa?!
“Bakit mo naman siya sinama?” Mataray na tanong ko. Kumukulo talaga ang dugo ko kapag nakikita ko ang pagmu-mukha ng Aldrake na 'to!
“Actually, hinatid niya lang talaga kami nila Chie dito. Sabi ko sa kan'ya pumasok muna siya tapos maki-kain muna sa atin kasi kahapon pa 'yan walang kain. Paladesisyon ako kaya kahit hindi ka pumayag, papasok si kuya.” Magaling na bata!
Umiling na lang ako. “Sige na, bahala na kayo!” Sabi ko sabay pumasok sa loob.
Nadatnan ko silang lahat na nagkakagulo. Sila mom at dad naman tuwang-tuwa kay Chie. As usual, si Queenie pa rin ang pinaka-maingay sa lahat. Si Aleah hindi niya dala ang anak niya. Siguro iniwan niya muna sa mommy niya. Simula kasi no'ng nalaman nilang buntis si Aleah, ginawan agad nila ng paraan para maikasal ang dalawa kahit hindi muna sa simbahan. Binilhan din nila ng bahay na tutuluyan 'tong si Gio at si Aleah tapos, kapag nasa school or gala 'tong dalawa sila ang nag-aalaga ng bata.
Tinanong ko si Aleah minsan kung bakit wala siyang yaya. Usually kasi may yaya ang mga ganitong klase ng parents. Sabi niya, gusto naman daw niya sana kaso ayaw ng magulang niya. Hindi raw lahat ng yaya p'wedeng pagkatiwalaan. Paano na lang daw kung mapunta ang baby nila sa yaya na magagawang saktan 'yong bata? Suguro sobrang advance nila mag-isip pero, tama naman 'yong nasa isip nila. Magulang sila at iniingatan lang nila ang anak nila. Although wala akong alam sa pagiging magulang, alam ko naman 'yong mga gan'yang issue.
“Hoy!” Pinitik nanaman ako sa noo. “Tulala ka!”
“Kapag tulala kailangan mamitik?!” Ang sakit kaya!
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
RomancePAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...