CHAPTER 5

990 29 0
                                    

ANDREW POV

Sobrang sakit ng ulo ko ng magising ako sa hindi pamilyar na kwarto. Ano bang nangyari? Hindi ko na maalala kung anong ginawa ko kagabi sa sobrang lasing. Halos isang linggo na din akong nag-iinom simula no'ng naghiwalay kami. Sobrang sakit naman talaga ng ginawa niya. Imagine she left after all I've done for her? Ginawa ko lahat ng gusto niya just to make her happy. Binago ko ang sarili ko from gago to matinong tao. Siguro nga tama 'yong pananaw ko sa umpisa pa lang. Hindi ko dapat sine-seryoso ang isang babae. They are pest!

Hinilot ko ang sintindo ko sa sobrang sakit. Gumuguhit pati sa utak ko ang sakit. Nasaan ba ako? Hindi yata familiar sa'kin 'tong kwarto na 'to. Argh, ang hirap talaga kapag nalalasing! Pinilit kong umupo at sumandal sa headboard ng kama. Muli kong ipinikit ang mga mata ko. Shutek, parang biglang umikot paligid ko. Hangover hits different talaga! I think kailangan ko ng mag-stop kahit mga two days lang na hindi umiinom. Baka mamatay na ako sa ginagawa ko, although pabor naman sa akin pero hindi pa p'wede. Hindi pa ako nakakaganti kay Sandra.

“Gising ka na pala?” Napamulat ako sa nag-salita. Si Queenie? Ano namang ginagawa niya dito? “Mukhang na-sobrahan ka talaga sa alak. Bahay ko 'to, don't you know?”

Mahina akong umiling. “First time ko lang naman makita 'to,” mahinang sabi ko. Talagang gumuguhit 'yong sakit.

“I see,” tumatangong sagot niya. “Wait, kukuha ako ng pagkain mo at gamot mo sa hangover. Iinom-inom kasi hindi naman pala kayang panindigan, tsk!” Bandang huli parang kasalanan ko pa. Kasalanan ko naman talaga pero bakit pinamukha pa?

Sinundan ko lang siya ng tingin hanggang sa makalabas ng pinto. I am not inform na may kabaitan din palang tinatago 'tong si Queenie. Masyado kasi siyang madaldal at palamurang babae kaya hindi mo mahahalata sa kan'ya na mabait siya. Sa unang tingin aakalain mong siya 'yong tipo ng babaeng mahilig sa basag ulo pero hindi naman. Bungangera lang talaga siya saka malakas mang-trip.

Noong una nga akala ko si Gio ang makakatuluyan niya. I was shocked na nga lang na nabuntis ni Gio si Aleah, ex ko. Hindi ko talaga inaasahan na may gano'ng mangyayari. Deserve naman ni Aleah si Gio. Super deserve niya, look at her now. Masaya na at may sarili ng pamilya although hindi pa sila kasal ang mahalaga masaya sila. Kung sa akin kaya napunta si Aleah gano'n din kaya mangyayari sa aming dalawa? Malamang hindi. Masyado akong pabaya. Ngayon na nga lang ako hindi nag-pabaya tapos ako naman ang iniwan.

What a sad life, hays!

Muli nanamang bumukas ang pinto kasabay nito ang pag-pasok ni Queenie na may dalang tray ng pagkain. Inilapag niya ito sa may gilid ko at umupo din sa gilid ng kama.

“Thank you nga pala,” sabi ko at ngumiti.

“Wala 'yan, maliit na bagay kumpara sa nagawa mo,” sabi jito sabay tumawa.

Nangunot naman ang noo ko sa sinabi niya. “Nagawa ko?” Takang tanong ko. Pinagsasabi ng babaeng 'to?

“Kumain ka muna tapos after mo kumain saka ko na sasabihin,” parang bigla akong kinabahan sa sinabi niya, ah.

Bumuntong hininga na lang ako sabay kumain. Ewan ko ba pero kinakabahan talaga ako sa sasabihin niya. Para kasing hindi maganda ang ilalabas ng bibig niya pero kailangan ko talaga siyang pakinggan dahil kapag hindi ko pinakinggan masama ang mangyayari. Nakatingin lang siya habang nakain ako. Buti na lang talaga sanay ako na may natingin sa akin.

Until now sobrang sakit pa din ng nangyari sa amin ni Sandra. Mundo ko ang gumuho when she left me. Feeling ko wala ng natira sa akin, wala ng para sa akin. Bakit nga ba hindi niya man lang ako pinaglaban? Kaya ko naman siyang samahan all over her journey. Kaya ko din naman siyang suportahan at higit sa lahat kaya ko namang gawin lahat ng gusto niya. I always try my best just to make her happy. Minsan nga hindi ko kaya pero ginagawa ko pa din. I love her so very damn much but it seems like my love isn't enough for her.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon