CHAPTER 38

609 17 0
                                    

JELLYCA'S POV

Pakiramdam ko'y ma-iiyak na rin ako habang nakatingin kay Zyria na umiiyak. Hindi ko alam bakit naiyak 'to uuwi lang naman sila.

“Princess, I'm not dead, okay? Hindi ka dapat umiiyak.” Galing talaga ng comfort ni Kreus. Sarap ibalibag, eh.

“Ihhh! Kuya...” bigla niyang niyakap si Kreus. Blake shrugged his shoulder. That means wala siyang magagawa sa inaasta ng kapatid nila.

“Shhhh... don't cry, okay? Bisitahin mo na lang ako rito kapag free time niyo,” alo ni Kreus kay Zyria. Hinahaplos niya rin ang buhok nito habang nakatingin kay Blake na humihingi ng tulong.

“Kasi naman.... kasi naman ngayon na nga lang tayo naging okay tatlo hindi ka pa namin makakasama,” Zyria's said while crying.

“Princess, intindihin mo si kuya Kreus, okay? He need to do this for your future ate. Maliban na lang kung ayaw mong makatuluyan ni Kreus si Jellyca.” Luh? Ako pa nga.

“Ihhhhh!” Nagpapadyak si Zyria na parang bata. Talagang spoiled nga nila itong si Zyria. Kung sabagay, naiintindihan ko rin naman siya. Nasabi sa akin ni Kreus na nagtanim siya ng malaking sama ng loob sa mga kapatid niya dahil sa misunderstanding at ang ina-akto ngayon ng kapatid niya ay normal lang.

Siguro, kung ako rin naman si Zyria ganiyan din ang magiging reaction ko kapag saglit ko pa lang na nakakasundo ang kuya ko tapos hindi ko makakasama ng matagal. P'wede namang ipag-paliban muna niya ang pag-i-stay rito sa amin hanggang sa magkaroon siya ng free time talaga. Ang kaso nga lang ay hindi ko hawak ang isip ni Kreus at kapag may binitawan siyang salita talagang pinaninindigan niya.

Matapos ang ilang minuto pa nilang yakapan, sa wakas ay tumahan na rin si Zyria pero hindi nawawala ang simangot sa mukha niya. Lumapit siya sa akin sabay niyakap din ako na kinagulat ko.

“Ate, alagaan mo ang kuya ko, ha,” parang batang sabi nito. Niyakap ko rin siya pabalik at ngumiti.

“Babantayan ko siya para sa iyo,” sabi ko rito. I mean it. I didn't say that just to calm her down.

Bumitaw siya sa pagkakayakap sa akin at hinawakan ang dalawang kamay ko sabay ngumiti. Ang ganda talaga ng batang 'to. No wonder talagang binalikan siya ni Aldrake after all.

“Kapag binully ka ni kuya h'wag kang mag-dalawang isip na tawagan ako, ate. Ako na ang bahalang gumanti para sa'yo!” Tapang naman this girl.

“Do you think magagawa ko ang bagay na 'yon, princess?” Taas kilay na tanong ni Kreus.

Kumibit-balikat naman si Zyria. “Anong malay natin, hindi ba, ate?” Tumango na lang ako sa sinabi niya.

“Aldrake, bantayan mo ng maayos ang kapatid ko. You owe me a favor and to repay what I did for you, just take care of my sister. I don't want to see at least one bruise on her face or else—”

“I know, tanda. Iingatan ko 'yang kapatid mo and don't worry, Blake I mean... Kuya Blake is also with me to take care of her,” sabi nito matapos hindi patapusing mag-salita si Kreus.

Blake crossed his arms. “And you have the guts to call me kuya, huh?” He said in sarcastic tone.

Aldrake raised his eyebrows. “Kuya naman talaga kita. She's my future wife and to start a good relationship with her, I should respect the elders first.” Pft! Iba rin talaga ang mindset nitong si Aldrake. Hindi mo alam kung maiinis ako or what.

“Buenaventura manahimik ka na nga!” Saway sa kaniya ni Zyria.

“Oh, paano? Tama na ang paalam. Babalikan ka na lang namin dito, tanda.” Why is everybody keep calling him tanda?

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon