CHAPTER 37

586 12 0
                                    

ZYRIA'S POV

Ang dami naman nilang p'wedeng utusan, bakit ako pa? Ang layo-layo ng bilihan ng ulam sa lugar na 'to tapos ako lang mag-isa ang inutusan. Ang sama talaga ng ugali ng mga kasama ko. Nagpapasama ako ayaw nila ako samahan. May gagawin din daw sila, hindi ko alam kung ano. Mga kuya ko naman busy sa pakikipagusap sa magulang ni ate Jellyca. Si Aldrake naman hindi ko mahagilap kung nasaan. Kung kailan kailangan saka naman hindi makita, napaka talaga!

Bukas na pala kami uuwi, may mga pasok pa kami sa lunes. Talagang ang purpose lang ng pagpunta namin dito ay samahan si kuya Kreus. Nagulat na nga lang kami ni kuya Blake no'ng sinabi niyang magpapa-iwan na lang daw siya sa lugar na 'to. Sana hindi na lang niya kami sinama, charr! Mukha lang talagang red flag ang kuya ko pero super green flag naman no'n. Super proud nga ako sa kaniya kasi sa wakas magkakaroon na rin siya ng asawa. Ewan ko lang itong si kuya Blake. Parang wala na yata siyang balak mag-asawa!

Pinaghahampas ko ang mga damong nadadaanan ko. Nakakainis naman kasi. Malapit ng gumabi, oh, medyo malayo pa ang lalakarin ko. Gulay lang naman pinabili sa akin, may tanim naman silang gulay bakit kailangan pa akong bumili? Nakakainis, ha!

“HOY BABAE!” Dinig kong sigaw sa malayo. H'wag lang sanang engkanto 'to baka bigla akong tumakbo.

Tinanaw ko kung sino ang sumigaw sa akin at doon ko nakita si Aleah na kumakaway pa sa hindi kalayuan. Akala ko talaga wala na silang balak sunduin ako. Buti naman naiintindihan nilang malayo, hmp! Mabilis akong tumakbo papunta sa kaniya.

“Ang bagal mo naman kailangan na 'yong gulay, eh!” Aba, parang kasalanan ko pa!

“Bakit hindi na lang kaya ikaw ang bumili para naman naranasan mo 'yong layo ng bayan tapos ng lugar nila ate Jellyca?” Gigil mo 'ko, teh!

Ngumiwi siya. “Anyway, nabili mo ba lahat?”

Tumango naman ako. “Walang labis, walang kulang!” Proud na sabi ko. Syempre ang galing ko kayang mag-memorized kaya talagang mabibili ko lahat.

“Oo nga pala, Zyria, nakita mo ba si Aldrake kanina?”

“Hindi, bakit?”

Kumunot ang noo niya. “Hindi? Paanong hindi, eh akala ko nga kasama mo siya. Hanggang ngayon kasi hindi namin siya nakikita pati na si Andrew.” Baka naghanap ng chix.

“Malay mo naman nang-babae lang 'yong dalawa.” Ewan ko, nang sinabi ko ang mga katagang iyon bigla na lang kumirot ang puso ko.

“Babae sa gubat? Adik!”

“Malay mo naman nasa bayan pala sila, wala sa gubat.” Shit! Bakit ba ako nag-o-overthink?!

“Oo nga 'no? Malay mo nagpapakasaya silang dalawa sa magagandang babae roon tapos nakalimutan na nilang umuwi.” Tanginang kaibigan 'to tinulungan pa ako mag-overthink! Nakapahusay!

“Malay ko, wala naman akong pake kahit anong gawin ng lalaking 'yon. Hindi ko naman hawak ang buhay niya,” mataray na sabi ko ngunit sa loob-loob ko'y labis ang kabang nararamdaman ko. Hindi ko alam kung saan nagmumula ang kabang ito pero hindi ko gusto.

“Wala kang pake? Sure ka?” Makahulugang tanong nito sa akin. Ngumiti pa siya na tila nang-aasar.

“O-Oo! Ano namang pake ko kung mang-babae siya? Maganda pa rin naman ako!” Talaga ba, self?

“Sure ka, ha?” Kulit naman nito!

“Oo nga! Ang kulit mo!” Iritang sagot ko.

Mahina siyang natawa. “Oh, bakit ka nagagalit?”

Bakit nga ba?

Sumimangot na lang ako at nanahimik. Hindi nawawala ang overthink sa utak ko kahit anong pilit kong iwaksi ito. Iniisip ko kung paano kapag may babae nga talaga si Aldrake sa bayan ngayon? Anong gagawin ko? Syempre wala! Wala akong gagawin kasi wala naman akong pake sa kaniya kahit mag-lampungan pa silang dalawa sa harap ko! Bakit naman ako magkakaroon ng pake sa kaniya? Sino ba siya? Ang papangit naman ng nagiging babae niya wala pa sa kalahati ng ganda ko, tss!

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon