CHAPTER 4

979 30 0
                                    

JELLYCA'S POV

Himala yata ngayon, bakit ang daming tao? Halos lahat ng waitress natataranta na sa dami ng tao ngayon sa coffee shop na pinagt-trabahuan ko. Karamihan pa ng costumer namin puro babae saka, bakit parang ang gaganda ng mga costumer? Hindi lang maganda, mukhang ma-pera pa silang lahat. 'Yong iba kaninang umaga pa dito at halos ayaw ng umuwi.

Anong nangyayari sa mundo?

Busy ako ngayon kakatingin sa mga costumer na mas maikli pa ang suot sa akin. Halos lumuwa na ang mga dibdib ng mga ito at sobrang ikli din ng palda nila na halos makita na ang pisngi ng p'wet nila. Umiling na lang ako dahil sa nakikita kong pormahan nila. Bakit kaya may mga gan'yang babae? P'wede namang magsuot ng maiksi pero hindi naman 'yong halos ipakita mo na pati kaluluwa mo. Gaya na lang ng may-ari nitong hinihintay kong order. Iyong damit na suot niya halos lumuwa na ang dibdib niya. Tapos, sobrang ikli na nga ng dress niya bumubukaka pa siya.

Anong trip nila?

Kinalabit ako ni Kay, baklang ka-close ko dito sa loob ng cafeteria. Nilingon ko naman siya at binigyan ng nagtatanong na tingin. Wala ako sa mood mag-salita ngayon dahil nga tinatamad ako. Iniisip ko pa din kung bakit sobrang daming tao ngayon.

“Tulala ka, dzai!” Pansin ko nga din.

“Ay, sorry naman,” paumanhin ko. Wala trip ko lang talaga mag-sorry kahit hindi naman talaga kasalanan ang pagiging tulala.

“Last hatid mo na 'yan, dzai sa hugasang plato naman daw muna us at uutusan nilang mamili 'yong mga taga-hugas. Jusq, kapag ganitong araw talaga ang daming tao!” Naiiling na sabi niya sabay lumakad bitbit ang tray na may lamang order.

Itatanong ko pa naman sana kung bakit madaming tao ngayong araw umalis agad? Echoserang bakla 'to! Hindi manlang ako hinintay na makapag-comment basta umalis. Nakasimangot kong kinuha 'yong tray na daldalhin ko sa babaeng labas ang cleavage.

“May order pa po ba kayo, ma'am?” Tanong ko. Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. Trip ng babaeng 'to?

“Wala na,” walang buhay niyang sagot. Required na pala ngayon manuri bago ka sagutin, amp.

“Sige po, ma'am thank you enjoy your coffee,” nakangiting sabi ko. Para naman medyo masiyahan siya kahit sobrang taray ng mukha niya.

Akmanh tatalikod na ako ng bigla niya akong tawagin. “Wait,” lumingon naman akong muli paharap sa kan'ya.

“Yes po?” Magalang na tanong ko. Hindi bagay sa'kin pero sige, push na 'to!

Ini-abot siya sa akin ang isang parang maliit na papel. Calling card yata ang tawag dito. “Call me after your work. May id-discuss ako sayong offer,” wtf?!

Legit?!

Umawang ng bahagya ang labi ko dahil sa sinabi niya. “L-Legit po ba?” Hindi makapaniwalang tanong ko. Tumango lang siya bilang tugon.

Ang swerte ko naman ngayong araw!

Nag-bow ako sa kan'ya bilang pasasalamat. “Thank you po!” Masayang sabi ko. Muli akong umayos sa pagkakatayo ko at tumingin sa kan'ya.

“No worries,” tipid naman nito mag-salita. Pasalamat ka at may nagawa kang maganda para sa akin dahil kung wala, ay nako!

“Thank you po ulit. Enjoy your coffee,” umalis na ako. Legit na 'to. Baka mamaya maubos na lang oras ko kaka-pasalamat sa kan'ya.

Masinop kong itinago ang calling card sa bulsa ko. Hindi 'to p'wedeng mawala, nakasalalay dito ang dagdag raket ko. Dumeretso ako sa kusina para tulungan na si Kay na maghugas ng plato. Gaya nga ng inaasahan ko, sobrang tambak ng hugasin as in sobra! Tumingin siya sa gawi ko ng naramdaman niya ang presensya ko.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon