JELLYCA'S POV
“Anong sabi mo?!” Halos dumagungdong sa buong kuwarto ang tinig ni Kreus. Kalalaking tao sobrang lakas ng boses.
“Ang sabi ko magkakaroon ng team building at kami ni Bryle ang representative ng school,” ulit ko sa sinabi ko.
“Hell no! No way! Why would I allow you kung alam kong siya ang kasama mo?! I am not insane, Jellyca!” Galit na galit? Gustong manakit?
“Hindi p'wede. Scholar ako ng school kaya hindi ako p'wedeng humindi sa mangyayaring team building. Besides, 5 days lang naman 'yon,” paliwanag ko.
“WHAT THE FUCK?! 5 days?! Ayoko! No!”
“Hindi nga kasi p'wedeng hindi ako pumunta kasi—”
“Kaya kitang pag-aralin kaya manahimik ka diyan. Ayokong pupunta ka sa putanginang team building na 'yon kasama ang lalaking bwiset na 'yon! Dito ka, hindi ka aalis!” Madidiin ang bawat pagkaka-sabi niya. Paano ba 'to?
“Hindi kasi p'wedeng gano'n—”
“P'wede basta ako ang magsabi!” Mariin na lang akong napapikit sa sinabi niya.
Malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Tumungo ako tapos sumimangot. Paano kapag nagalit sa akin sila nanay dahil sa kaniya? Panigurado pa-uuwiin nila ako tapos sasabihin na nasisira na ang pag-aaral dahil sa lalaki. Hay nako, bakit ba naman kasi nagkaroon ako ng kasamang possessive?
“Kreus,” inangat ko ang ulo at binigyan siya ng nakikiusap na tingin.
“Ano?” Taas kilay na tanong niya.
“Sige na,” wahhh! Para akong batang nakikiusap, pashnea!
“Tumigil ka.” Hay nako.
Sumimangot na lang akong muli. Mukhang kailangan ko siyang takasan sa Friday. Nagulat din naman ako na kami ni Bryle ang representative. Sabi nila nakita raw nila ang closeness na meron kami kaya kami na lang daw ang partner. Hindi ko alam kung good or bad idea ba 'yon. At ang isa pa sa hindi ko maintindihan, bakit ayaw ni Kreus na kaming dalawa ni Bryle ang magkasama? Ano bang problema niya kay Bryle?
“Hoy, saan ka pupunta?” Tawag ko sa kaniya ng makita kong palabas siya ng pinto.
Nilingon niya ako. “Diyan lang,” sagot niya tapos lumabas na.
May lugar ba na diyan lang?
Gulo talaga ng lalaking 'yon kahit kailan. Tumayo na lang ako mula sa pagkaka-upo ko at nagtungo sa kusina. Magluluto na lang ako ng pagkain kasi wala akong magawa. Marami namang tambak dito sa refrigerator. Ang sabi niya ubusin ko raw kung kaya ko. Hindi naman ako matakaw kagaya ng nasa isip niya 'no!
Ano bang magandang lutuin ngayon?
Bahala na!
Kumuha na lang ako ng kahit na anong p'wede kong magamit hanggang sa nakaisip na ako ng gusto kong iluto. Sinimulan ko na ang paghihiwa ng mga ingredients pagkatapos inayos ko na rin ang mga gagamitin ko. Pang-dalawang tao na ang iluluto ko dahil baka gusto niya rin. Kung ayaw niya, eh 'di don't! Ako na lang ang kakain.
Pagdating sa mga luto-luto, sanay na ako diyan. Nag-iisang anak lang ako kaya alam ko halos lahat ng gawaing bahay. Sabi nga nila para raw akong lalaki. Marunong din ako mangahoy at saka magsibak ng panggatong. H'wag niyo rin akong mamaliitin dahil masarap ako magluto. Ang paborito kong lutuin ay tinolang manok syempre iyon ang paborito ni tatay. Kumusta na kaya sila ngayon? Matagal na rin akong hindi nakakapunta sa lugar namin. Malapit na rin naman ang sem-break pero mukhang hindi ako makaka-uwi. Hindi sapat ang ipon ko para makauwi sa amin at mag-stay doon ng isang linggo lang.
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
RomancePAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...