JELLYCA'S POV
“Congratulations sa inyo!” Nagkatinginan kaming apat na bride sa bumati sa amin. Nanlalaki ang mga mata naming nakatingin sa kaniya.
“BUNTIS KA?!” Halos pasigaw na tanong namin sa kaniya dahil sa gulat. Si Queenie ang tinutukoy namin. Malaki na ang tiyan nito.
Tumango siya. “Oo, umuwi lang naman ako rito para pumunta sa kasal niyo 'no!” Eh?
“Kailan pa?!” Tanong ni Zyria.
“Bakit hindi namin alam?” Tanong naman ni Aleah.
“Sinong ama?” Tanong pa ni Clarah.
“Bakit hindi mo sinabi sa amin?!” Tanong na naman ni Zyria.
“Bakit mo nilihim?” Tanong ko naman.
Tinaas niya ang isang kamay niya. “Kalmahan niyo lang, girls. 7 months na 'tong nasa tiyan ko—”
“7 months?! Putangina nandito ka pa no'n, ah! Sinong ama niyan?! Queenie, umamin ka! Si Andrew ba?!” Ang lakas ng boses ni Clarah. May iilang napapatingin sa amin dahil sa lakas ng pagsasalita niya.
Tumango si Queenie. Magsasalita pa lamang ito ng bigla na namang mag-salita si Clarah. “Nasaan na ang gagong 'yon? Alam niya ba?!”
Hinawakan siya ni Aleah sa balikat. “Kalmahan mo lang, te. Bago kasal ka init-init ng ulo mo,” alo sa kaniya nito.
“Hindi mo na kailangang tawagin si Andrew. Alam niya 'to at mas ginusto na rin niyang hindi panindigan 'to.” Seriously?!
My jaw literally dropped. “At pumayag ka na hindi niya panindigan?”
Tumango na naman siya. “Kaya kong buhayin 'to ng ako lang. My love story is not the same as Aleah. Isa pa, ayaw kong may kinukulong akong tao dahil lang sa maliit na bagay.” Maliit na bagay? Paano naging maliit na bagay ang pagkakaroon ng anak sa isang lalaki?
“Hindi 'yan maliit na bagay!” Asik ni Zyria. Kahit ako ayon din ang nasa isip ko.
Hinawakan niya ang isang kamay ni Zyria. “I'm okay, isa pa hindi ko kailangan ng lalaking aako sa batang ito.” Tapang naman this girl.
Niyakap siya ng tatlo. Ako naman nakangiti lang na nakatingin sa kanila. Maraming tao ang dumalo sa kasal namin. Karamihan mga naging classmate namin at ang iba naman ay mga kaibigan ng mga magulang namin. Until know pakiramdam ko lahat ng 'to imagination lang. Before, I was dreaming of getting married to a man na kayang harapin ang magulang ko. Kahit hindi mayaman, kahit hindi kami sa malaking simbahan ikasal as long as mahal namin ang isat-isa.
Look at me now. I'm already married to a guy na malayong-malayo sa standard ko. Nagkaroon ako ng circle of friends na akala ko hindi mangyayari dahil mayaman nga sila samantalang ako mahirap.
“So, where do you guys plan to celebrate your honeymoon?” Sumilay ang nakakalokang ngiti sa labi ni Queenie.
Una siyang tumingin sa akin. “K-Kami?” Shit, saan nga ba? Walang sinabi si Kreus sa akin. “H-Hindi ko alam walang sinasabi si Kreus sa akin, eh.”
“Mukhang may surprise na naman sa'yo ang kuya, ate HAHAHA!” Palagi naman.
“Kayo? Saan daw balak ng mga asawa niyo?” Tanong niya sa tatlo.
“Balak namin mag-out of town ni Gio kasama ang anak namin. Bukas ang flight namin papuntang Japan. Doon muna kami kahit one month lang.” Sana all may pag-Japan.
“Hindi sinabi sa akin ni Flich,” tipid na sagot ni Clarah.
Tumingin siya kay Zyria at tinaasan ito ng kilay. “Kayo namang dalawa saan niyo balak?”
Kumibit-balikat lang ito. “Malay ko. Wala akong alam.” So lahat pala kami walang alam maliban kay Gio.
“Ikaw naman, h'wag mo kaming kalimutan, ha! Ninang kami niyang baby na dinadala mo!”
“Tss, oo na! Kapag 1 year old ni baby uuwi na rin kami sa Pilipinas.”
“Am I late for the chika?” Singit ng bagong dating na si Ferra. Sa pagkakaalam ko kapatid ito ni Aldrake. “Oh, buntis ka pala, Miss parrot?” Tinuro pa talaga niya ang tiyan ni Queenie.
Queenie rolled her eyes. “Pasalamat ka talaga may bata akong dinadala ngayon kung hindi, nako! Nako talaga!” Pft.
“Mukhang kompleto ang girls ngayon, ah,” ani ng bagong dating na si Flich.
“Oh, kulang yata kayo? Nasaan na ang magaling niyong kaibigan?” Taas kilay na tanong ni Queenie.
“Si Andrew? Nasa ibang bansa siya hindi mo alam?”
Umiling si Queenie. “Hindi.”
Lumapit sa akin si Kreus at umakbay sa balikat ko. “Are you tired?” Tanong nito sa akin.
Umiling ako. “Hindi naman.” Ano namang nakakapagod sa pagngiti ng mga bisita?
“Congratulation sa inyong apat! Nawa'y magkaroon na kayo ng maraming anak!”
“Grabehang wish naman 'yan, Ferra!”
“Oh, bakit? Sabi nila, mas marami mas masaya. Basta kapag nagkaroon kayo ng anak na lalaki ipagkasundo niyo kay Menchie ko, ha. Okay na kahit mas bata ang mahalaga may arrange married na magaganap!”
Binatukan siya ni Aleah. “Kaka-kdrama mo 'yan!”
“Masakit, ha! Ayaw niyo bang malahian ng maganda?” Amp
“Ayaw naming malahian ng maarte,” pambabara sa kaniya ni Zyria. Sumimangot si gaga na akala mo batang inaway.
Tinuro niya si Aldrake at Zyria. “Kayong dalawa, ang dami niyong alam. Kayo rin naman pala ang magkakatuluyan sa huli may siraan pang naganap sa pagitan niyo, hmp!” Sermon niya rito.
Kumapit si Aldrake sa braso ni Zyria. “Who thought? Until now I can't believe that I'm already married with this woman.”
“Teka, parang pinagsisihan mo pa, ah!”
“I didn't say that, Mrs. Buenaventura.”
“Parang gano'n kasi, eh!” Nag-aaway na naman silang dalawa.
“Can you please shut up? Op ako? Paano naman akong ginawang trial card lang?!”
Lumapit sa kaniya si Clarah at tinapik ang balikat niya. “Okay lang 'yan, Kweenay. Mahalaga buhay ka tapos bubuhayin mo 'yong bata.” Tama nga naman.
“Oh, group picture!” Aya ni Kion.
“Tara!” Sabay-sabay na sagot nila.
Nag-group picture kami. Pagkatapos ng group picture ay nag-kuwentuhan pa kami. Sabay-sabay din kaming kumain. Sabi nila baka matagalan pa raw ang susunod na bonding namin kaya dapat sulitin na ngayon. Seeing their smile makes my heart melt. Ngayon ko lang naramdaman na bumuo ng isang group na hindi lang basta group kung 'di isang pamilya ang turingan.
After many challenges that we faced, nasa ganitong sitwasyon na kami but we still can't believe that this day is not a dream. Pero, ito na nga ba ang huling pagkikita namin? Pakiwari ko'y hindi. Magkikita pa kaming lahat. May magiging isang dahilan para magkita-kita kaming muli.
THE END!
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
RomancePAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...