UNKNOWN POV
Paano ba ako mapapalapit sayo, Kreus?
Ang hirap-hirap mong lapitan. Sobrang hirap mo ring kunin. Lahat na yata ng malapit sayo nilapitan ko na rin. Ano pa bang kulang sa ginagawa ko at hindi ko magawang makatungtong sa kung saan ka man ngayon tumutuloy?
“Masyado yatang malalim ang iniisip mo,” puna sa akin ng kapatid ko.
“Iniisip ko kung paano ako makakalapit kay Kreus,” walang buhay na sagot ko.
“Baliw na baliw ka talaga sa lalaking 'yan, tsk.” State of obvious naman hindi ba?
“Mind your own business.”
“Ate, you should find someone na hindi mo na kailangan mag-habol. That Kreus will never be yours,” mapanakit na bata. Kung hindi ko lang talaga kapatid 'to, ako na ang gumawa ng paraan para manahimik 'to habang buhay.
“He.will be mine, not now but soon!” Depensa ko. Pinaglalaban ko talaga si Kreus sa kahit na sinong tao.
“Can't you see, ate? Ilang beses mo ng tinangkang lumapit sa kan'ya pero anong ginagawa niya sayo? He keep on ignoring you, parang hindi ka nag-e-exist sa paningin niya,” napahilamos siya ng mukha. “Bakit ang desperada mo?”
Ramdam ko ang gigil at inis sa akin ng kapatid ko. Naiintindihan ko rin. Ang gusto niyang iparating sa'kin. Alam ko ring gusto niya lang na maging maayos ang buhay ko at hindi mag-mukhang tanga sa harap ng maraming tao.
“Ngayon lang ako naging desperada sa lalaki kaya manahimik ka diyan! Si Kreus ang gusto ko, siya ang mahal ko, siya ang gusto kong makasama...” huminto ako at tumingin sa kan'ya. “Siya lang, walang iba. I'm willing to take all the risk just to make him mine!”
Gano'n kita ka-mahal, Kreus.
“Baliw ka na!”
“Kay Kreus, oo.”
“Hindi, ate. Literal na baliw ka na. Sayang lang pinag-aralan mo kung magka-kandarapa ka sa lalaking hindi naman nakikita ang halaga mo,” iiling-iling na saad niya.
Isina-walang bahala ko na lang ang sinabi sa akin ng kapatid ko at bumalik sa pag-iisip. Alam kong gusto na niyang tigilan ko ang pagpa-papansin ko kay Kreus. Marami naman kasing lalaki na nagkaka-gusto sa akin pero hindi ko rin naman maintindihan 'tong sarili ko. Baliw na baliw ako sa kan'ya. Lahat kaya kong gawin makuha lang ang atensyon niya. Minsan iniisip ko nga na ginayuma ako ng lalaking iyon kaya nababaliw ako ng husto.
I want Kreus to be mine!
I want Kreus to be my husband!
Ayoko sa ibang tao, only Kreus! Siya lang at kahit na anong mangyari, siya pa rin ang gusto ko. Alam kong may magagawa rin ako para mapalapit ako sa kan'ya. Darating din 'yong araw na magkakaroon ako ng chance para makuha ang loob ng isang Kreus Zuarex.
Magiging akin ka rin.
KREUS POV
Tss, classmate!
Ano ako tanga para maniwala sa sinabi niyang classmate lang? The way the guy look at her alam kong may something. Gusto kong kumuha ng tinidor that time tapos itutusok sa mata ng lalaking feeling badboy na. 'yon. The way he approach Jellyca sobrang cringe parang ang sarap niya tanggalan ng kinabukasan.
Ito namang si Jellyca parang tangina din! Nakaka-bwiset! Sinabi ko bang may karapatan siyang mag-entertain ng ibang lalaki maliban sa'kin? Wala siyang karapatan dahil bukod sa'kin, wala na siyang ibang lalaki na dapat kausapin. Maybe I should build a wall. Masyadong maganda si Jellyca, nakakakuha ka-agad ng lalaki. Ayokong magising one day na wala na akong pag-asa sa kan'ya. Sa akin lang lahat ng chances, sa akin lang ang oo niya at lalong sa akin lang siya.
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
RomancePAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...