CHAPTER 25

590 14 0
                                    

ZYRIA'S POV

Pang-two days na namin dito pero hindi naman ako nabo-boring. Kapag may vacant time kaming dalawa ni ate Jellyca ang magkasama. Sa ngayon, lamang ang team namin ni Aldrake tapos pangalawa naman si Ate Jellyca at 'yong partner niya. Although hindi kami masyadong nagkakasundo ng partner ko masasabi ko namang maganda ang teamwork namin.

“Are you thinking of me?” Speaking of the demon. In-erapan ko lang siya.

“Asa!”

I heard him chuckled. Kailan ko ba huling narinig ang hagikhik niya? “It seems like you're not with your friend, huh?” Umupo siya sa tabi ko. Tinignan ko lang siya at muling binalik ang tingin ko sa harap.

“Busy si ate ngayon. Mamaya gagala kami sa gubat para humanap ng dried woods.” Gagawa kaming dalawa ng bonfire. Dapat sinusulit namin 'to.

“Okay.” Plain.

Hindi ko na siya sinagot. Ano namang isasagot ko sa okay niya? Hindi na ako komportableng kausapin si Aldrake gaya dati. Naiilang ako sa kaniya at hanggang ngayon masama ang loob ko. Hinayaan niya akong saktan ni Shane. Hinayaan niya akong masaktan kahit nangako siya na hinding-hindi niya ako sasaktan. I know to myself na hindi nawala ang pagmamahal ko sa kaniya at alam ko rin sa sarili ko na hindi na p'wede dahil may Shane na siya.

“I miss you.” Napalingon ako sa kaniya dahil sa sinabi niya. Masuyo siyang nakatingin sa akin. Parang may kung anong sinasabi ang mga mata niya.

“Adik ka ba?” H'wag niyo 'kong tanungin hindi ko rin alam saan galing 'yang sagot ko.

He poked my forehead. Napahawak naman ako dito. “Masakit, ha!” Reklamo ko pero tumawa lang siya.

“I miss my Zyria.” E-Eh?

Parang tanga, eh! Sorry ka hindi ako marupok for todays video!

“Parang 'di ko alam, ah. Sinabihan mo rin kaya Shane ng ganiyan!”

Umiling siya. “I and Shane are just friend.”

MAMA MO!

“Friend mo mukha mo,” tumawa ako ng peke. He raised his eyebrow. Akala mo ma-aabot na ng kilay niya ang langit. I can't read what's on his mind and even what's on his eyes. Kung tumingin siya sa akin parang kakainin na niya ako.

Bata pa ako!

“B-Bakit?” Naiilang na tanong ko.

He sighed and look away. “You really don't believe in me anymore. What do you want to me to do para paniwalaan mo ako and let me explain my side?”

Bakit ba siya determinado na mag-explain sa akin? Tinignan ko lang siya. Ang g'wapo pa rin kahit naka-side view. Wait.... G'wapo?! Hindi pala! Hindi siya g'wapo! Joke lang 'yon!

“Stop starring at me. You can kiss me if you want.” Luh?

“Kiss mo mukha mo!” Inis na turan ko sabay tumayo.

“Where are you going?” Usisero talaga 'to kahit kailan.

“Wala ka na doon!” Ya-yayain ko na lang si ate Jellyca na gumala sa gubat.

Hinanap ng mata ko si ate Jellyca. Kapag si Aldrake ang kasama ko mag-hapon maba-baliw talaga ako ng husto. Nilingon ko siya saglit. Nakatingin siya sa akin habang nakataas ang kaniyang kilay.

Anong trip no'n?

Isinawalang bahala ko na lang ang mga tingin niya. Ang gusto ko ngayon ay makalayo ng kahit na konti sa kaniya. Until now I don't understand him. Siya na rin naman nagsabi na ayaw niyang mag-take ng risk sa taong hindi naman kilala kung sino siya sa nakaraan niya. He push me away tapos ngayon magpipilit siya na magpaliwanag? Hindi ko talaga maintindihan. Para sa akin late na para ipaliwanag lahat. Late na rin para pagsisihan niya lahat. Kung noong una pa lang sana, hindi umabot ng isang taon, baka mapatawad ko pa siya ang kaso ay hindi.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon