JELLYCA'S POV
“Sa wakas! Nandito na rin tayo!” Masayang sabi ng bumaba kami sa kotse. Nakasakay ako sa kotse ni Kreus. Kasama namin doon ang dalawa niyang kapatid pati na si Aldrake.
“Feeling ko nanakit ang p'wet ko,” reklamo ni Queenie. Oo, kilala ko na silang lahat. Pinakilala sila sa akin ni Zyria kagabi. Halos ayaw niya akong patulugin sa dami niyang k'wento. Pati si Kreus sa kabilang kuwarto niya pinatulog kasi sa tabi ko siya natulog.
“What's wrong with you, girl? Ang aga-aga mangga agad ang hawak mo!” Sermon naman sa kaniya ni Clarah.
“Bakit? Masama bang kumain ng mangga?” Ako lang ba o kayo rin na iba ang kutob ko sa kain ng manggang sinasabi niya? At saka, parang hindi normal ang laki ng tiyan niya.
Pero, hayaan na. Ayaw ko makialam. Kung meron mang dapat mag-usap sa ganiyan sila na lang. Hindi naman sa wala akong pake. Sadyang hindi ko pa alam kung dapat ba akong makialam o hindi.
“Tara na, malalakad pa tayo papunta sa amin,” aya ko sa kanila.
“Kung kanina naka-upo tayo ng mahigit pitong oras, ngayon naman lalakad tayo, hay! Buhay nga naman!” Mahina akong natawa sa reklamo ni Zyria.
“Bakit hindi ka magpabuhat kay Aldrake?” Biro ni Kion. Sa pagkaka-alala ko pinsan nila Kreus 'to.
“Ako?” Tinuro niya ang kaniyang sarili sabay tumingin kay Aldrake. “Hmp! Hindi ko kailangan! Independent woman kaya ako!” Sana all independent woman, ako kasi woman lang.
“Sabi mo 'yan, ha!”
“Oo nga! Ako pa ba? Kaya ko ang sarili ko, hindi ko kailangan ng kahit sino!” Nakuha talaga niya ang ugali ni Kreus. No wonder Kreus' always proud of her. Kung pagiging soft hearted naman mukhang namana naman niya iyon sa isa niyang kuya.
Tahimik na kaming naglakad. Ako na ang nanguna sa daan dahil wala naman silang alam sa lugar na ito. Nasa likuran ko si Kreus na naka-alalay. Akala mo naman buntis ako kung ingatan niya, char. Hindi kasi kami talaga p'wedeng magsabay-sabay sa daan dahil masikip. Kaya nga iniwan na lang namin 'yong mga kotse nila sa paanan ng bundok. At saka, pinaghanda ko naman sila na madamo ang dadaanan namin kaya h'wag silang magsu-suot ng maikli, mabuti na lang at sinunod nila ako.
Hindi nga maikli ang pang-baba, maikli naman ang pang-taas. Niloloko yata ako ng mga 'to, eh!
“KYAHHHHHHHHH!” Sabay-sabay kaming napalingon dahil sa malakas na tili.
“Anong—What the hell?!”
“I didn't do anything,” inosenteng saad ni Aldrake habang nakataas ang kaniyang dalawang kamay.
“Zyria, bumitaw ka nga diyan!” Pft.
Paano ba naman kasi paglingon naming lahat nakita na lang namin nakayakap si Zyria sa may leeg ni Aldrake. Ang tangkad ni Aldrake pero na-abot niya pa 'yon, ha.
“M-May p-palaka!” Mangiyak-ngiyak na sabi nito habang nakatingin sa damuhan.
“What?”
“May palaka!” Malakas na sabi niya kay Aldrake at mas lalo pang humigpit ang kapit niya rito.
“Akala ko ba independent woman ka, couz?” Ayan na naman, sinisimulan na naman siyang asarin ng pinsan niya.
“Can you check the place?” Utos ni Aldrake kay Queenie na kanina pa talaga kumakain ng mangga. Hindi niya talaga binibitawan ang mangga niya.
Tinignan naman ni Queenie ang paligid. “Wala na.”
“Wala na, princess. P'wede ka ng bumitaw sa kaniya.” Halata sa tono ng pananalita ni Blake na hindi siya natutuwa sa ginawa ng kapatid ko.
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
Storie d'amorePAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...