CHAPTER 27

586 15 1
                                    

JELLYCA'S POV

Sa wakas, makakauwi na rin kami! Dahil sa incident na nangyari hindi na ako kami pinag-participate ni Zyria. Naka-upo na lang kami sa tabi. Napansin ko na hindi lang basta may gusto sa kaniya iyong lalaking kasama niya. Mukhang may past din sila na gustong ayusin ng lalaki kaso matigas ang ulo ni Zyria. Kung ano man iyon, labas na ako doon.

“Uuwi ka na ba agad?” Tanong ni Bryle. Kasalukuyan kaming nasa loob ng van ngayon. Nasa pagitan naming dalawa si principal.

Tumango ako. “Wala naman akong ibang pupuntahan syempre uuwi na ako.” Na-miss ko na rin si Kreus, hehe.

Ano kayang ginagawa ng lalaki na 'yon ngayon?

Subukan niya lang talaga gumawa ng kalokohan! Shems, oo nga pala! Ka-muntik ko ng makalimutan na kailangan kong umisip ng dahilan kung bakit may sugat ako sa ulo. Baka kapag sinabi kong may kumidnap sa akin bigla na lang siyang magwala and worst magalit pa siya kay principal. Lulusutan ko na lang ng sarili ko 'to. Madali namang pakiusapan si Kreus, madali rin siyang kausap basta idadaan ko lang sa lambing.

“Jellyca! Uy!” May nag-snap sa may mukha ko na nagpabalik sa akin sa wisyo.

“A-Huh? B-Bakit?” Nag-iisip ako, eh! Istorbo talaga 'tong Bryle na 'to kahit kailan!

“Tinatanong kita kung gusto mo bang ihatid pa kita?” Ano ako kinder?

Umiling ako. “Hindi na. Kaya ko ang sarili ko. At saka bakit kailangan ko pa ng maghahatid sa akin? Mamaya magalit lang si Kreus kapag nakita ka,” direct na sabi ko rito. Dapat kasi gano'n hindi iyong marami pang alibi.

“Ida-daan na lang namin ang van sa tinutuluyan mo para hindi ka na mahirapan magbuhat ng mga gamit mo,” ani ni principal.

“Sige po,” magalang na sagot ko.

“Sure ka bang ayaw mong ihatid kita?” Ang kulit naman nito.

“Ayaw ko nga. Hindi na ako bata, okay?” Bakit ba niya pinagpipilitan na ihatid niya ako? Mukha ba akong mawawala.

“Okay-okay! Chill ka lang masyadong mainit ang ulo mo.” In-erapan ko na lang siya.

Oo, sabihin na nating thankful ako sa kaniya kasi niya ako doon sa babaeng kumidnap sa akin pero, hindi naman dahilan iyon para bumalik na naman siya sa pagiging clingy sa akin. Ayaw ko rin na may dahilan si Kreus para magalit. Ewan ko nga rin, eh. Basta ang alam ko naiilang ako kapag si Bryle ang kasama ko. Parang ang lapit ko kasi palagi sa panganib.

-----

Isang malakas na buntong hininga muna ang pinakawalan ko. Nakatingala ako at nakatingin sa tapat ng pinto kung saan kaming dalawa ni Kreus nakatira. Miss ko na talaga ang lalaking iyon. Ano kayang ginagawa niya? Marami akong iku-kuwento sa kaniya, ang daming ganap. Gusto ko ring i-kuwento sa kaniya na may nakilala akong babaeng matapang at si Zyria iyon. Nakakatuwa ang babaeng na iyon. Mamamatay na lang kaming dalawa lahat-lahat nagawa pa talaga niyang pagtarayan 'yong kidnapper tapos sabi niya hindi raw siya kalmado pero kung mag-salita siya kalmadong-kalmado.

Minsan nga naiisip ko na baka long lost sister talaga siya ni Kreus. May pagkaka-pareho talaga silang dalawa, eh. Hindi ko nga lang mawari kung saan pero talagang may similarities sila.

Iwinaksi ko ang nasa isip ko. Binuhat ko na ang mga dala kong gamit pagkatapos ay umakyat na. Hindi ko mawari pero kada hakbang ko kakaibang kaba ang nararamdaman ko. Parang may malalaking kadena na pumipigil sa paa kong umakyat papunta kay Kreus. Malakas ang kalabog ng dibdib ko, ibang-iba sa normal na kaba 'to. Siguro dahil pagod lang ako, gano'n. At saka after the incident talagang palagi na akong kinakabahan sa paligid ko. Baka mamaya may kumidnap na naman sa akin.

KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon