KREUS' POV
I don't know if I really made a good decision but I have no choice. I am so desperate and I only have two days to convince her. Prente akong nakatayo sa harap ng isang coffeeshop. Malakas na buntong-hininga muna ang aking pinakawalan. Kapag pumasok ako sa loob ng coffeeshop na 'to hindi ko na alam ang susunod na mangyayari. I'm doing this only for Jellyca. No other reason, siya lang talaga. Isang buong gabi kong pinag-isipan ang bagay na 'to at sana naman worth it ang pagsugal ko.
I shook my head. H'wag ka munang mag-isip ng kung ano-ano, Kreus. You should focus on your goal. Sinimulan ko ng ihakbang ang aking dalawang paa papasok sa loob. Habang papalapit ay mas lalong kumakabog ang aking dibdib. No, hindi rito matatanggal ang angas ko.
“Ayan na pala si Kreus,” dinig kong ani ni Flich habang nakatingin sa gawi ko.
“Finally dumating na rin,” inip na tugon ni Aleah.
Nakatingin silang lahat sa akin. Si Aldrake na nakataas lang ang dalawang kilay habang magka-cross ang kaniyang kamay. Si Zyria naman nakatingin sa akin habang malapad ang ngiti nito. Pero may kulang. Bakit wala ang taong dapat kong makausap ngayon? Hindi bale na. Kung hindi niya ako tutulungan hindi ko naman talaga kailangan ng tulong niya. Nandito na sila Zyria. Enough na 'tong force nila para magawa namin ng maayos ang mission na mapabalik si Jellyca.
Ano na kayang ginagawa niya ngayon?
“Akala namin nagbago na ang isip mo,” sabi ni Clarah.
“Oo nga!” Sang-ayon ni Queenie.
“I am desperate to take my girl back. Hindi na magbabago ang desisyon ko. Wala ng mas importante pa maliban sa kaniya,” pabalang na sagot ko.
“Paano ako?” Oh god! There she is again.
“Seriously, Zyria? Ang laki mo na para magtanong ng ganiyan sa kuya mo!”
“Wala kang pake, Kwenay!” Asik nito kay Queenie. Nasimangot naman ang isa.
“Nasaan na ang pinagmamalaki mong kuya?” Taas kilay na tanong ko habang hinahanap ang presensya ni Blake.
“Ikaw na magsabi,” utos niya kay Aldrake.
Inerapan naman siya nito. “Sasama ka sa amin sa bahay niyo at doon kayo mag-uusap.”
“Grabe ka naman, Aldrake, sana naman nilagyan mo ng konting emotion ang pagsasabi!” Reklamo ni Gio.
“Required?”
Umiling ito.
“Oh, hindi naman pala, tss.” Look at this kid. He's acting like walang kasalanan sa akin.
“Bakit kailangang sa bahay pa? Ano na naman bang plano ng kuya mong iyon?” I don't want to waste my fucking time for his nonsense idea.
“Just go with us, tanda. Wala namang mawawala kung doon kayo mag-uusap ng kapatid mo. Besides sa'yo na rin nanggaling na desperado kang maibalik sa'yo ang babaeng mahal mo, there's no harm to lower your pride for at least 3 days, hindi ba?” Mahabang lintanya ni Flich.
“Going here is considered as lowering my pride. Kailangan ko pa bang mag-makaawa sa kaniya just to help me? Tsss, uuwi na lang ako and I will solve it myself!” Napipikon na ako.
Akmang tatayo ako ng pigilan ako ni Zyria with her words. “We have to tell you something, kuya, kaya kailangan nating sa bahay mag-usap. Its been a long time na tinatago namin sa'yo ang bagay na 'to, I think you need to know.”
Gumuhit ang curiosity sa utak ko. Anong bagay naman ang matagal na nilang tinatago sa akin?
Because of my curiosity, napilitan akong sumama sa kanila. Ginamit ko ang motor ko at sumunod lang ako sa dereksyong tinatahak nila. Hindi ko maiwasang hindi mag-overthink after what my sister said. Ano bang dapat kong malaman? Bakit parang ang dami kong hindi alam? Parte pa rin ba ako ng pamilya? Bakit hindi nila sinasabi sa akin ang mga bagay na dapat ay matagal ko ng alam?
BINABASA MO ANG
KREUS ZUAREX: My Badboy Roommate [✓]
RomancePAALALA: basahin ang book 1 & 2 "Walang matigas na tinapay sa mainit na kape" kasabihan ng matatanda na hanggang ngayon pinaniniwalaan pa din natin. Kreus, kilala bilang isang badboy na playboy. Ang badboy na hindi naniniwala sa pagmamahal, ang bad...