Kabanata 1

4.4K 119 3
                                    

"Love! Love!" nagising ako dahil sa mahihinang tapik sa pisngi ko. Pagmulat ng mata ko ay bumungad sa akin ang mukha ni Ivan, ang fiancé ko.

"I love you!" I'm so used to him saying these words but right now there's something different on the way he said it, especially his expression right now.

"W-what? " naguguluhang usal ko.

"Mahal kita Lyana! At mamahalin hanggang sa kabilang buhay," nakangiting usal niya. Nataranta ako dahil sa sinabi niya kaya napaayos ako ng pwesto at umalis sa pagkakahilig sa balikat niya.

"Love! Ano ba naman yang sinasa-" napatigil ako sa pagsasalita ng makitang nagkakagulo lahat ng tao sa loob ng eroplano.

Anong nangyayari!?

Taka akong napatingin kay Ivan pero sa halip na magpaliwanag ay sinuot niya lang sakin ang life vest na hindi ko alam kung saan niya nakuha.

"I-ivan! W-what's happening?" utal na tanong ko dahil sa kaba ng maramdaman ang kakaibang galaw ng eroplano.

Napansin niya ang itsura ko kaya agad niya akong niyakap.

"We'll be okay love! I promise!" bulong niya sabay halik sa ulo ko.

Niyakap ko rin siya pabalik ng may mapansin ako.

"Where's your life vest?" kabadong tanong ko. Naiiyak na tinitigan ko siya nang hindi siya sumagot.

"I'll be okay, don't worry." bulong niya.

"No!" naiiyak na bulong ko at tatanggalin na sana ang life vest ko ng pigilan niya ako.

"Don't! Please love, don't..." nagsusumamong usal niya. Umiling ako ng umiling, pinipilit na tanggalin ang life vest sa katawan ko pero mahigpit ang hawak niya sa kamay ko.

Handa na sana akong lumaban sa lakas niya ng mag iba na naman galaw ng eroplano.

"L-love..." naiiyak na tawag ko kay Ivan. Niyakap niya lang ako hinalikan sa noo. Unti unting humigpit ang yakap niya hanggang sa maramdaman ko ang pagbagsak ng eroplano sa tubig.

"Ivan!" napabangon ako dahil sa panaginip na iyon at sandaling napatulala, inaalala ang panaginip, nang magbalikan lahat ng mga alaala ko, lahat ng alaala kasama siya.

"Anak!?" nasa ganoon akong posisyon ng pumasok ang mga magulang ko at magulang ni Ivan.

"S-si I-ivan po?" nauutal na tanong ko.

"Anak! Na-nakakaalala ka na?" umiiyak na tanong ni Mama.

"Po?" takang tanong ko.

Sa halip na sumagot ay niyakap niya lang ako at umiyak sa balikat ko. Ganun din ang ginawa ni Papa. Takang taka ako sa nangyayari nang mapatingin ako sa mga magulang ni Ivan na umiiyak din.

"Tita? Tito? Si Ivan po? Nasaan po siya?" nakangiting tanong ko sa kanila. Ngunit pag iwas lang ng tingin ang nakuha ko sa kanila kaya nagsalubong ang kilay ko.

" Ma? Pa? Nasan ang fiancé ko?" salubong ang kilay na tanong ko. Pero pag iwas din ng tingin nila ang nakuha ko.

"Ano ba!? Bat ganyan ang itsura niyo? Sabihin niyo sa akin kung nasaan si Ivan at pupuntahan ko siya!" inis na sigaw ko at hinablot lahat ng nakakabit sakin at tinapon. Nagagalit ako sa kanila kasi bakit hindi nila sabihin. Nagagalit ako kasi may pumapasok sa isip ko pero hindi ko dapat paniwalaan.

Buhay ka namn diba? Love! buhay ka namn diba? Nangako ka sa akin! Nangako ka!

" Ano ba? Wala ba talaga sa inyong sasagot!? " galit na baling ko uli sa mga magulang namin. Umiiyak na lumapit sa akin ang Mama ni Ivan at niyakap ako.

" Anak, wala na siya! Wala na ang anak ko!" umiiyak na bulong niya sa balikat ko.

A-ano?

"Hindi! Tumigil kayo! Anong sinasabi niyo?! Hindi magandang biro yan! Dalhin niyo ako sa kaniya ngayon na!" humiwalay ako sa yakap ni Tita at akmang tatayo ng pigilan ako ni Papa.

"Anak hindi ka pa pwedeng tumayo!" tarantang sabi niya saka iniupo uli ako sa kama.

"Pa! Bitiwan mo ako! Pupuntahan ko si Ivan!" Galit na usal ko. At dali daling lumapit sa pintuan.

"Anak! " humabol sila sa akin.

"Kung ayaw niyo akong dalhin sa kaniya ako mismo ang maghahanap sa kaniya!" galit na sigaw ko sa kanila at saka naglakad paalis. Nilapitan ko lahat ng kwarto at sinilip kung nandon ba si Ivan.

"Ivan!? Ivan? Love? Love?" paulit ulit na sigaw ko habang sumisilip sa mga kwarto ng hospital.

Nasaan ka?

"Love! Ivan! Magpakita ka na hindi na ako natutuwa! Ivan!" umiiyak ng sigaw ko, nawawalan ng pag asa akong napaupo sa isang bench ng hospital at umiyak.

Hindi! Buhay ka! Alam kong buhay ka!

Tatayo na sana ako para maghanap uli ng makaramdam ako ng hilo. Napahawak ako sa pader pero unti unti ng nagdidilim ang paningin ko. Napabitaw ako sa pader pero bago pa man ako bumagsak sa sahig ay may dalawang braso ng sumalo sa akin.

Ivan?

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon