" Laurence? May ginagawa ka ngayon? " pambungad na tanong ko kay Laurence ng sagutin nya ang tawag ko.
" Currently driving papunta dyan sa bahay nyo para bisitahin ang pogi kong anak anakan HAHAHA why? " sagot nya.
Tamang tama!
" Tamang tama! Pwede ka bang dumaan sa isang shop dyan sa labas ng village? Can you buy my son's favorite ice cream? " paghingi ko ng pabor.
" Sure! Anything for my Big boy! Wait for me! " sabay baba nya ng tawag. Napangiti naman ako sa di malamang dahilan.
Bumaba na ako mula sa kwarto ng anak ko para ipainit ang pagkain nya at maghain na rin dahil alam kong kakain si Laurence pagdating nya. Saktong katatapos ko lang maghain ay dumating si Laurence. Dala dala ang dalawang galon ng ice cream.
" What the heck Laurence! Anong akala mo may children's party? Dalawang galon seriously?! Kahit isang buwan tayong kumain ng kumain ng ice cream di pa rin mauubos yan! " naghihistreyang wika ko. Natatawang hinalikan nya naman ako sa pisngi bilang pagbati.
" You're so OA Lyana! HAHAHAHA I don't know kung ilang garapon ng ice cream bibilhin ko eh edi galon na lang HAHAHA " tuwang tuwang aniya. Napapailing at pabirong inirapan ko naman sya bago hinila sa hapag kainan.
" Tsk! Kumain ka na nga lang! " wika ko at umupo na rin para sabayan sya.
" So? Anong gusto mong sasabihin? Hindi mo ako tatawagan kung wala kang sasabihin eh.. " pagsasalita nya sa gitna ng pagkain namin. Huminga naman ako ng malalim bago ikinuwento ang nangyari kanina samin ni Josh.
Nang matapos ako ay napabuntong hininga sya at di malaman ang sasabihin.
" Minsan ang sarap ding sapakin nyang fiancé mo! Hindi na naawa sa bata! Oo may amnesia sya pero di pa ba halata? Xerox copy na nya si Josh! " gigil na aniya. Napatawa namn ako sa sinabi nya.
" Relax! Nasa harap tayo ng pagkain at isa pa correction! Ex- fiancé! " paggiit ko. Tinawanan nya lang ako sa kabitteran ko bago nagpatuloy sa pagkain.
Nang matapos kami ay nagpumilit syang hugasan ang pinagkainan namin kahit sabi ko ay ako na. Kaya ang ending dalawa kaming naghugas.
" Ano kaya kung mamasyal tayo ngayon kasama si Josh? " biglang usal nya habang nagsasabon ng plato. Napatingin naman ako sa kanya at napaisip.
" Saan naman tayo pupunta? " pagtatanong ko.
" Amusement Park? " balik na tanong nya. Napangiti naman ako sa narinig at naexcite ng sobra.
" Tara! Wait gisingin ko lang si Josh! " excited na wika ko at pabirong winisikan sya ng tubig sa mukha kaya lang sa mata nya ata tumama kaya napapikit sya, nagulat sya at napahawak sa mata nya. Nagtatakbo agad ako dahil alam kong gaganti sya. Nasa hagdan na ako ng marinig ko ang sigaw nya.
" Lyana Rain Gomez! " sigaw nya na tinawanan ko lamang.
Excited na ako!