Kabanata 14

2.4K 82 1
                                    

Weeks later...

" M-mama ko.. pleasee! pleaseee Mama! " patuloy na pangungulit sakin ni Josh kahit bahagyang nauutal pa. Napabuntong hininga ako at nagtitimping tiningnan sya.

" Anak.. hindi nga pwede.. makinig ka na lang kay Mama please.. " nagpapaintinding wika ko. Nakita ko ang bahagyang pagnguso nya.

" Mama please po.. gusto ko lang po makita sya sa personal k-kahit po hindi ko sya l-lapitan.. please Mama ko.. please pooo " patuloy na pamimilit pa rin nya. Naputol ang kanina ko pang pinapahabang pasensya ko.

" Josh! Ano ba? Hindi ka ba nakakaintindi?! Hindi nga pwede! Pag sinabi kong hindi! Hindi! " galit na sigaw ko, pero agad din akong nagsisi ng makita syang nag uunahan ang luha sa mata. Napalapit ako sa kanya at hahawakan sana sya ng nagtatakbo sya paakyat sa hagdan. Dali dali ko syang sinundan, nag aalala na baka masaktan na namn sya eh kalalabas nya lang ng hospital. Nakarating sya sa kwarto nya at papasok na din sana ako ng sinarhan nya ang pinto.

" Anak.. baby.. sorry anak ko! Hindi sinasadya ni Mama.. " nanlumo ako ng walang kahit anong tugon mula sa anak ko ang nakuha ko. Matamlay na bumaba na lang ako at nagpunta sa kusina para magluto.

Ilang oras din ang itinagal ko dahil ipinagbake ko na rin ang anak ko ng paborito nyang cookies pangsuyo sa kanya. Dala dala ang pagkain nya ay umakyat ako sa kwarto nya, pero wala akong Josh na natagpuan na nakahiga sa kama nya. Binitang ko ang dalang pagkain at pumunta sa play station ng anak ko sa kwarto nya. Nahabag naman ako sa nadatnan ko. Nakayuko ang anak ko sa dalawang tuhod nya at tila umiiyak. Dali dali ko syang nilapitan at niyakap.

" Anak.. baby ko.. sorry na.. nagsisi na si Mama! Promise di na uulitin ni Mama.. " pang aalo ko, unti unti naman syang bumitaw sa yakap ko, manlulumo na sana uli ako ng halikan nya ako sa pisngi.

" S-sorry din po Mama ko.. P-promise din po di k-ko na i-kaw pipilit na d-dalhin ako kay P-papa " hihikbi hikbing aniya at niyakap ako.

" Sorry anak ko haa.. kung hindi ko man lang matupad ang gusto mo.. gusto ko mang ipaliwanag sayo ngayon, hindi mo pa maiintindihan si Mama eh " mahabang wika ko at niyakap din ang anak ko. Ilang minuto din kaming nasa ganoong posisyon ng maramdaman ko na ang pagbigat ng paghinga nya, senyales na natutulog na sya. Inihiga ko na sya sa kama nya at malambing na hinalikan sa noo.

Gustong gusto ko anak tupadin ang hiling mo ngunit paano? May pangako ako sa Papa mo na kailangan kong tupadin.. at yun ay ang hindi na magparamdam o magpakita man lang sa kanya, kapalit ng pagligtas nya sayo.. hindi anak patas, pero yun lang ang choice ko kaya sana mapatawad mo ko..

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon