Napahigpit ang hawak ko sa kamay ni Laurence habang papalapit na kami sa private airplane na pagmamay - ari nya. Hindi ko alam kung nabanggit ko na ba pero isa din syang Piloto, hindi ko alam na posible pala yun kasi Pulis din sya eh! Pero sabagay wala namang imposible sa taong to! Sya ang maghahatid samin ng anak ko papuntang Canada ngayon. Hindi ko na kasi kaya pang muli sumakay sa eroplano kasama ang maraming tao dahil bumabalik sakin lahat ng nangyari noong naaksidente kami.
" Are you okay? " baling ni Laurence sakin. Buhat nya sa kabilang bisig ang anak ko na nakatulala lang sa eroplano sa harap namin, manghang mangha.
" Kinakabahan ako.. natatakot ako na b-baka maulit- " napatigil ako ng higpitan ni Laurence ang hawak nya sa kamay ko.
" Wala ka bang tiwala sa gwapong piloto na nasa harap mo? " wala sa sariling napangiti ako at pabirong sinuntok sya.
" Pangit talaga lagi ng biro mo! " pang aasar ko. Inismiran nya lang ako bago hinila papasok ng eroplano. Doon ay nakahilera ang dalawang flight attendant at isang piloto rin na sa tingin ko'y tutulong kay Laurence mamaya. Sabay sabay nila kaming binati na tinugunan ko naman ng ngiti. Dumiretso si Laurence sa isa sa mga upuan at doon ay iniupo ang anak kong patiloy oa rin ang pamamangha sa eroplano. Napangiti ako.
" Big boy! " pag agaw ni Laurence sa atensyon nito. Nakangiting lumingon naman ang anak ko sa Tito nya.
"T-tito! A-ang pogi mo po! " utal na wika ng anak ko, nagtatakang napatingin ako sa kanya samantalang si Laurence ang malaki ang ngiti. " At dahil po pogi k-ka.. ibibigay mo na po sakin tong a-airplane! " dugtong ng anak ko na nagpahagalpak sakin at nagpawala ng ngiti ni Laurence.
" Ikaw talagang bata ka! " iiling -iling na wika ni Laurence pero nasa mata ang kagiliwan sa anak ko.
" Oo na! Sayo na pero paglaki mo pa makukuha! " usal nya di ko alam kung totoo o nagbibiro lang.
" Y-yehey! Mama! May airplane na a-akoo! " tuwang tuwang pagpapahili nya sakin na naging dahilan ng oaglawak ng ngiti ko. Sandaling nakipagkulitan muna si Laurence sa anak ko bago sya nilapitan ng isa sa flight attendant kanina at may ibinuling dito.
" Okay! Be ready! We're leaving! " biglang anunsyo nya na nakapagpakaba sakin. Napansin nya siguro yun kaya lumapit sya sakin at bumulong.
" Trust me! " bago ako hinalikan sa noo. Sandaling napapikit ako dahil sa halik na yun bago ngumiti sa kanya.
I trust you..
Nakangiting humarap ako kay Josh nang makaalis si Laurence at nahuling nakatitig ito sa amin ng may ngiti sa labi.
" Sana si Tito Pogi na l-lang naging P-papa ko.. " mahinang bulong nya pero narinig ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko, kung papagalitan ko ba sya dahil sa sinabi nya o hahayaan na lang kasi may parte sakin na iyon din ang hiling kahit alam kong hindi dapat.
Napailing na lang ako sa naisip bago ito sapilitang kinalimutan saka ko hinarap ang anak ko na kahit naguguluhan ay matiyagang inaayos ang seatbelt nya. Natatawang tinulungan ko sya bago malambing na hinalikan ang pisngi pagkatapos kasabay ng paglapit samin ng isa sa flight attendant.
" Malapit na tayong lumipad " mataray na wika nito na parang napilitan pa.
Ang rude ha! May galit ka ba sakin?! Ireklamo kita kay Laurence eh!
Tatarayan ko na din sana sya pero tumalikod na sya at walang pasabing lumayas sa harap namin ng anak.
Pigilan nyo ko! Pigilan mo ko anak! Sasabunutan ko talaga yan!
Tatayo na sana ako para kausapin yung babae ng bahagyang umibo ang eroplano senyales na malapit na kaming lumipad.
" Para sa dalawa kong pasahero.. Maghanda na kayo at tayo'y malapit ng lumipad! This is your Pilotong Pogi by the way.. " narinig ko pa ang pagtawa ni Laurence bago nawala ang tunog ng speaker, saka ko naramdaman ang dahan dahang pag alis ng eroplano sa lupa.
" We are f-flying! " utal na sigaw ng anak ko, napangiti ako ng malapad habang pinapanood syang sumilip sa bintana.
We will fly thousand miles away from you.. just for you to be happy.. and for us to be healed from the wounds of our forgotten memories...
![](https://img.wattpad.com/cover/295550546-288-k119126.jpg)