Kabanata 7

2.4K 86 21
                                    

"Ano ng plano mo ngayon?" nagising na lang akong akong nakahiga sa mga hita ni Laurence. Hindi ako umibo o bumangon man lang dahil sa ngayon ito ang kailangan ko, ang maramdamang hindi ako nag iisa.

" Hindi ko alam.. wala.. wala na akong plano." mahinang tugon ko.

" Anong ibig mong sabihin? " takang tanong nya.

" Masaya na sya sa iba! Ano pang gagawin ko? Edi hayaan sya. " malungkot na wika ko.

" Ang tanga mo namn! " mukhang naiinis na wika nya. Napabangon namn ako at tiningnan sya ng masama.

" Eh anong gusto mong gawin ko?! Magmakaawa sa kanya na iwan ang pamilya nya at bumalik samin ng anak ko?! " inis na baling ko sa kanya.

" Oo! " nagulat ako sa pagsigaw nya. Mukhang apektadong apektado sya sa nangyayari sakin.

" Para saan pa? Masaya na sila ng pamilya nya! Ayoko namng agawin sa bata ang kasiyahan na yun! " walang emosyon kong sabi.

Yun ang mahirap eh! May batang maaapektuhan kapag iginiit ko ang gusto ko.. ang kagustuhan kong bumalik sya samin!

" Eh pano namn sya?! " inis na bulong sakin ni Laurence habang may tinitingnan sa may hagdanan ng bahay namin. Napalingon din ako don nang makita ko ang anak kong nakapikit pa ang isang mata. Dali dali ko syang nilapitan dahil baka mamali sya ng tapak sa hagdan.

" Hi baby! " bati ko pagkabuhat sa kanya.

" M-mama nagdream p-po ako " malungkot na pagsasalita nya.

" What's your dream anak ko? " malambing na wika ko. Nagulat namn ako ng bigla na lang magtuluan ang luha ng anak ko. Nahahabag na niyakap ko sya.

" S-si Papa po! Hi-hindi daw p-po ako l-love! " hihikbi hikbing usal nya. Naramdaman ko ang pag agos ng luha ko dahil sa narinig sa anak ko sa kadahilanang posible nga itong mangyari sa totoong buhay.

" Anak ko, hindi mangyayari yun! Panaginip lang yun baby! Mahal na mahal ka ng Papa mo! " pang aalo ko pero sa halip na tumahan lalo lang syang umiyak. Naiiyak at hindi malaman ang sasabihin ko sa kanya. Nataranta ako lalo ng halos hindi na sya makahinga sa pag iyak.

" Anak! Anak ko! Baby ko, breathe! Breathe anak ko! " napaiyak na ako sa pagkataranta ng may kumuha sa anak ko sa bisig ko. Si Laurence.

" Big boy! Tahan na! Big boy na ikaw dapat hindi na iiyak diba? Sinabi ko na yun sayo diba? Ang big boy di na umiiyak diba? " pagpapatahan nya sa anak ko. Dahan dahang tumahan nga ang anak ko kaya napahinga ako ng maluwag.

" H-hindi na po a-ako iiyak kasi big boy na ako " maya maya'y sabi ng anak ko at yumakap sa leeg ng Tito Laurence nya. Tumingin din ito sakin at nilahad ang kamay nya na tila nagpapabuhat, binuhat ko namn sya.

" Sorry po Mama ko. Sorry po kung nagworry ka! Natakot lang po ako eh na di ako love ng Papa ko " mahinang wika nya at yumakap din sa leeg ko. Niyakap ko din sya pabalik at hinalikan sa ulo nya.

" It's okay anak ko! Love ka ng Papa mo ha tandaan mo yan! " pagsisigurado ko sa kanya kahit ako mismo ay hindi sigurado.

Nasa ganoon kaming posisyon ng lumapit samin si Laurence.

" Lyana! Kailangan ko ng umalis.. balitaan mo na lang ako kung magbabago ang desisyon mo!" bulong nya sakin bago humarap kay Josh. "Big boy! Aalis muna si Tito Pogi ha! Wag na iiyak para di magworry si Mama okay? " nakangiting tinanguan namn sya ng anak ko. Sandali muna nya kaming niyakap na mag ina bago umalis.

Tumaas na rin kami at inihiga na ulit ang anak ko sa kama nya.

" Goodnight anak ko! Mahal na mahal ka ni Mama! Tatabi sayo si Mama now para di ka na uli magkadream ng masama okay? " malambing na wika ko saka tinabihan sya. Malambing na yumakap din sya sakin at humalik sa pisngi ko.

" Mahal din po kita Mama ko, sobra! " malambing na wika niya bago pumikit. Malambing na hinalikan ko uli sya sa pisngi at iniyakap ang bisig ko sa kanya para matulog na rin.

Sana tama ang desisyon kong  ipaubaya ka! Sana tamang hindi na kita guluhin pa! Hindi ko man matupad ang pangako ko sa anak natin na makakasama ka uli namin.. pinapangako ko namn na aalagaan at mamahalin ko sya, pupunan ko lahat ng pagkukulang mo sa kanya. Lahat yun gagawin ko para sayo, para maging masaya ka, kahit pa sa piling ng iba.
Paalam Mahal ko,  ubos na siguro ang pahina ng ating libro.

THE END!
(JOKE!)

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon