Kabanata 13

2.5K 84 73
                                    

Nagising ako at bumangon mula sa pagkakahiga ko. Nasa isa akong lugar kung saan maraming puno at mga bulaklak.

Nasan ako?

Napalinga - linga ako sa paligid ko naghahanap ng pwedeng sagot sa tanong ko. Ngunit wala naman akong matagpuan. Lalakad na sana ako ng may kumalabit
sakin. Napatingin naman ako roon.

"Anak?" gulat na usal ko. Nginitian nya namn ako ng pagkatamis tamis bago nagtatakbo paalis.

"Josh! Where are you going anak? Josh? Anak?" patuloy na paghabol ko sa kanya pero bigla na lang akong natapilok at bumagsak sa lupa. Inis na pinagpagan ko ang sarili bago humarap sa kung nasan ang anak ko pero ang layo na nya.

"Anak! Intayin mo si Mama! Anak ko! " patuloy na pagsigaw ko pero parang di nya ako naririnig. Sisigaw na sana uli ako ng mula sa malayong kinatatayuan nya ay humarap sya sakin at nakangiting kumaway bago naglaho sa paningin ko.

" Josh! " napabalikwas ako ng bangon pero napabalik rin ng maramdaman ko ang sakit ng ulo ko.

" A-aray! " daing ko at napahawak sa ulo ko.   Hahampasin ko na sana ang ulo ko katulad ng palagi kong ginagawa kapag masakit ang ulo ko ng may humawak sa braso ko.

" Huwag! " nanlaki ang mata ko ng makita si Ivan.

" A-anong ginagawa mo dito? " takang tanong ko at tiningnan sya, parang napapasong iniiwas nya namn ang tingin nya kasabay ng pagbitaw sa braso ko.

Huminga sya ng malalim at muling humarap sakin, bumalik na sa dating ekspresyon ang mukha nya, seryoso at walang bahid na kahit anong emosyon.

" Pumunta ako dito para ibigay ang kailangan mo sakin kahit di ako sigurado kung totoo ang sinasabi mo.. ginagawa ko lang to dahil ito ang gusto ng asawa ko.. " walang emosyong aniya.

Asawa.. Ako dapat yun eh! Ako dapat..

" Pero gusto ko pa rin makasigurado na tutuparin mo ang pangako mo.. Lalayo ka na sakin at hindi na ipipilit ang sarili mo sakin.. Patatahimikin mo na uli ang pamilya ko.. " diretso ang tingin nya sa mata ko habang sinasabi yun at isa lang masasabi ko.

Masakit.. Hindi nga ikaw si Ivan! Hindi na ikaw ang Ivan na minahal ko..

Sa halip na intindihin ang iniisip ko ay sinagot ko na lang sya.

" Tutuparin ko ang pangako ko, sa oras na gumaling ang anak nati- ko, ang anak ko.. ay hindi mo na uli kami makikita kailanman! Pangako!  diretso din ang tingin ko sa kanya habang nagsasalita.

" Mabuti naman.. " tumatangong wika nya bago tumayo at walang lingunang lumabas sa kwarto ng hospital kung nasaan ako.

Pangako.. kapag gumaling ang anak natin.. palalayain na kita.. kakalimutan ko na ang lahat at magsisimula ng bago kasama ang anak ko! Sana maging masaya ka dahil yun din ang gagawin namin ni Josh.. ang maging masaya ng wala ka..

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon