Kabanata 22

3.2K 103 89
                                    

2 years later...

" Happy birthday to you.. happy birthday big boy.. happy birthday happy birthday.. happy birthday Josh ko! Happy birthday anak ko!!! " tuwang tuwang kanta ko habang hawak ang cake pagkababang pagkababa ng anak ko sa hagdan ng bahay namin dito sa Canada. Kusot pa nito ang mata pero nang marinig ako ay agad nagtatakbo sakin kaya dali dali kong nilapag muna ang cake sa lamesa bago sya sinalubong ng yakap at binuhat.

" Happy birthday baby! Mama loves you so much, anak! " malambing na wika ko bago sya hinalikan sa pisngi.

" Salamat Mama ko! " aniya at hinalikan din ako sa pisngi.

" Blow the candle na anak! " sandali syang pumikit para humiling bago hinipan ang cake. Nakangiti na sya ng bumaling sakin.

" Can I ask what's your wish anak? " maingat na tanong ko, umaasang hindi na ganon ang wish nya sa nakaraang hiling nya. Ngumiti sya ng malungkot sakin.

" Hindi na po katulad noong last year ang wish ko Mama! Wish ko na lang po now is sana kung nasan man si Papa.. sana po okay lang sya at happy.. okay lang kahit di ko na po sya makita.. basta healthy at happy sya.. " sinserong wika ng anak ko at hindi alam kung mararamdaman kaya niyakap ko na lang sya. Naramdaman ko ang pagpipigil nya ng iyak, kaya hinaplos ko ang likod nya at doon ay unti unti na nga syang humikbi hanggang sa humagulhol na.

He loves his father so much kahit na ilang beses nya kaming hindi pinaniwalaan dahil sa bago nyang pamilya.

Nang kumalma ang anak ko ay pinagaan ko ang loob nya sa pamamagitan ng pagpapakita ko sa kanya ng binake kong favorite nyang cookies. Agad itong napangiti at kumain na.

I miss him too anak..alam kong mali na mamiss pa sya dahil may pamilya na sya pero wala eh! Two years na.. pero sya pa rin.. sya lang! Tibay ko naman! Sana nga okay lang at happy sya kung nasan man sya..

Nasa ganoon kaming posisyon nang tumunog ang cellphone ko.

Si Laurence...

" Happy birthday big boy! " bungad nya ng sagutin ko ang tawag, nakita ko ang pagngiti ng anak ko kahit may cookies sa bibig.

" Salamat Tito Pogi! Where's my gift? " biro pa ng anak ko.

" Hintayin mo parating na yon! " sagot nito kaya gulat akong napatingin sa kanya.

" Huwag mong sabihing pizza na naman?! Ganyan ka na ba talaga kakuripot? " naghihistreya kong wika. Tumawa lang sya kaya inirapan ko sya. Patuloy lang sya ng pagtawa nang may marinig akong nagsalita sa likod nya.

" Saya mo ah! " sarkastikong wika nito kaya agad napawi ang ngiti ni Laurence.

Patay kang bata ka! HAHAHAHA

Ako naman ang tumawa sa naging reaksyon nito pero napatigil nang tumunog ang doorbell. Sandali akong napatingin don sa hindi malamang dahilan, pero ang anak ko na ang tumayo para buksan ito, kaya binalik ko na lang ang tingin ko kay Laurence.

" Welcome! " nakangiting wika nito.

" Welcome ka dyan! Wala akong balak magthankyou! Sawa na ako sa pizza- " pero napatigil ako sa pagsasalita ng umimik ang anak ko.

" P-papa ko? "

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon