Weeks later...
" L-laurence! K-kailangan ko ng tulong mo! Please puntahan mo kami dito sa bahay please!" humihikbing pakiusap ko kay Laurence ng sagutin nya ang tawag ko.
" What? Bakit Lyana? Anong nangyayari!? Intayin mo ko papunta na ako! " natatarantang sagot nya sabay patay ng tawag. Dali dali naman akong lumapit sa anak kong inaapoy na ng lagnat.
"Kapit lang anak ko! Parating na ang Tito Pogi mo! Anak ko ha, nandito lang si Mama! " umiiyak na bulong ko sa anak ko habang yakap yakap sya. Pinilit nyang ngumiti sakin at hirap na hinawakan ang kamay ko na nakapagpaiyak lalo sa akin.
"Lyana! Lyana!" humahangos na sigaw ni Laurence sa labas kaya agad kong binuhat ang anak ko at sinalubong sya. Kahit bakas ang pagtataka ay kinuha nya pa rin sakin si Josh at sya ang bumuhat dito papunta sa kotse nya. Nilagay nya ito sa backseat na agad ko namng tinabihan bago nya pinaharurot ang kotse.
Nang makarating kami sa hospital ay agad binuhat ni Laurence ang anak ko at inihiga sa stretcher. Hawak hawak ko ang kamay ng anak ko habang tumatakbo kami papunta sa emergency room.
"Nandito lang si Mama, anak ko ha! Mahal ka ni Mama, sobra " humihikbing usal ko, pilit na ngiti lang ang naibalik niya sakin bago sya tuluyang maipasok sa emergency room. Dahan dahan napaupo ako sa sahig sa panghihina nang lapitan ako ni Laurence at itayo bago yakapin.
"Hindi ko kakayanin Laurence pag nawala ang anak ko! L-laurence hindi k-ko kaya " umiyak ako sa dibdib nya dahil sa labis na takot.
"Shh! Hindi mawawala si Josh! Hindi nya tayo iiwan! Hindi ka nya iiwan! Okay? " pagpapagaan nya ng loob ko sabay halik sa ulo ko.
Kung nandito ka lang sana...
Iniupo ako ni Laurence sa isang upuan sa harap ng emergency room at binigyan ng tubig. Kinalma ko ang sarili ko at ininom ang tubig na bigay nya. Isasara ko pa lang sana ang tubig ng lumabas ang doktor. Agad akong napatayo at hinarap.
" Kayo po ba ang mga magulang ng pasyente? " malumanay na tanong ng doktor.
"Opo! Kami po! " sagot ni Laurence.
" Nasa kritikal na lagay po ang anak ninyo ngayon at kinakailangan po syang masalinan ng dugo-" hindi ko na nasundan pa ang sinasabi ng doktor ng marinig ko ang mga naunang salitang sinabi nya.
Kritikal.. Dugo..
Hindi kami magkatype ng anak ko ng dugo at sigurado din akong hindi sila magkatype ni Laurence dahil rare ang type ng dugo ng anak ko.
Anong gagawin ko?!
Napabalik ako sa reyalidad ng tapikin ni Laurence ang balikat ko.
"Isa lang ang tanging paraan!" malumanay na wika nya.
"Hindi ko kaya!" naiiyak na usal ko.
"Kaya mo! Para sa anak mo! Para sa anak nyo!" malumanay na wika nya at niyakap ako. "Sasamahan kita. Di ako aalis sa tabi mo! Pangako!" pagpapagaan nya sa loob ko na pinagpapasalamat ko dahil gumaan ang pakiramdam ko at natauhan.
Kaya ko to! Kakayanin kong harapin ka para sa anak ko! Para sa anak natin..