Dumiretso na ako sa kwarto ng anak ko pero bago ko pa mabuksan ang pinto ng kwarto nya ay bumukas na ito at bumungad sakin ang anak kong kinukusot kusot pa ang mata nya. Naglalambing na binuhat ko sya at napangiti ng hinalikan nya ako sa pisngi bago yumakap sa leeg ko.
" Anak ko.. I have a surprise for you! " agad syang napatunghay nang marinig ako.
" Ano po yun Mama? Naeexcite po ako! " excited na wika nya.
" We're going to an Amusement Park! " tuwang tuwang wika ko.
" Really?! " hindi makapaniwalang wika nya.
" Yes! Pero before that kumain ka muna ng rice then eat ka na rin ng ice cream na dala ni- " hindi na natuloy ang sasabihin ko ng sumigaw sya at mabilis na bumaba sa pagkakabuhat ko.
" Tito Pogi!! " tuwang - tuwang takbo nya sa Tito nya na masaya naman syang binuhat at hinalikan sa pisngi. Dinala nya ito sa may kitchen counter at doon iniupo bago sinubuan ng pinainit kong pagkain nya kanina. Natutuwang pinanood ko sila ng ilang minuto bago nagdecide na umakyat sa kwarto ko para maligo at maghanda papunta sa Amusement Park.
Halos isang oras din akong naghanda bago nakalabas sa kwarto ko na saktong paglabas din ng dalawa mula sa kwarto ni Josh. Nakabihis na ang anak ko at may dala na ring maliit na bag para sa bimpo at tubig nya.
" Pogi naman ng baby na yan! " tuwang tuwang wika ko at hinawakan ang isang kamay nya. Tuwang tuwang humawak din sya sa kamay ko pabalik bago kami naglakad pababa ng hagdan. Akay akay namin sya ni Laurence hanggang makalabas ng bahay at sumakay sa kotse ni Laurence.
" Amusement Park! H-here we c-come! " utal na sigaw ng anak ko pagkaandar na pagkaandar ng sasakyan. Napatawa naman kami ni Laurence sa kanya
Amusement Park here we come!