Kabanata 2

3.1K 106 9
                                    

"Ma'am you're almost 2 months pregnant and you're pregnancy right now is so dangerous because of the plane crash you've just involved in. And it's also a miracle that your baby made it after that accident. So I can say that Ma'am please take care for now, rest and eat for your baby." Iyan ang mga salita ng doktor na siyang nakapagpabalik sa akin sa reyalidad.

May bata sa tiyan ko! Magkakaanak na kami!? May baby na kami ni Ivan! Love! Where are you now? You have to know this!

Umiiyak na hinawakan ko ang tiyan ko.

Hang in there baby! We'll find your Daddy! Just please stay with me, please anak!

Humiga ako at pinilit na matulog para makapagpahinga para sa anak ko. Ngunit sa pagpikit ko ay mukha lang ni Ivan ang nakita ko, nakangiti sa akin na para bang sinasabing masaya siya.

No!

Agad kong minulat ang mata ko at umalis na lang sa pagkakahiga, umupo ako at napatingin sa side table ng makitang may mga prutas doon, kinuha ko ang apple at kinagatan ito. Nasa ganoon akong posisyon ng pumasok ang Mama ko dala dala ang isang bag.

"Anak-" hindi pa natatapos magsalita si Mama ay inilahad ko na ang aking mga kamay na parang humihingi ng yakap. Dali dali naman siyang lumapit at niyakap ako.

"Sorry po sa nagawa ko kanina Ma! Sorry po! Sorry!" umiiyak na bulong ko sa balikat niya.

"Shh! Tahan na anak makakasama sa apo ko iyan," bulong niya pero ramdam kong umiiyak din siya. Nasa ganoon kaming posisyon ng pumasok si Papa at ang mga magulang ni Ivan.

Inilahad ko din sa kanila ang kamay ko at lahat sila'y yumakap din sa akin.

"Sorry po," umiiyak na bulong ko, guilty sa mga nagawa ko kanina.

"It's okay anak, don't cry! Makakasama sa anak mo at apo namin iyan."bulong ni Tita, Mama ni Ivan.

"Can you answer me now po? Kung nasaan si Ivan?" mahinahong tanong ko nang humiwalay sa yakap nila. Nagkatinginan silang lahat.

"Please po," bulong ko.

Huminga ng malalim si Papa.

"Anak halos isang buwan na simula ng mangyari ang aksidente at hanggang ngayon wala pa ring nakakakita kay Ivan. Halos lahat ng tauhan natin, pulis at kung sino sino pa ang naghahanap sa iba't ibang lugar pero wala silang nakikita. Madaming sakay sa eroplano ang napahiwalay ngunit lahat ng iyon ay nakita na maliban na lang kay Ivan," malungkot na pahayag niya.

"Mahirap man tanggapin anak pero wala na tayong magagawa. " Malungkot na wika ng Papa ni Ivan. Napailing na lang ako sa kanila saka dahan dahang tumalikod sa kanila.

"Gusto ko pong mapag-isa" mahinang sabi ko at pumikit. Naramdaman ko din ang pag alis nila kaya dahan dahan na uli akong nagmulat, hinawakan ko ang tiyan ko, nang may pumatak na luha mula sa kaliwang mata ko hanggang sa nagtuloy tuloy ito na parang gripo.

I know you're alive love. Wait for me and I promise I'll find you. I promise.

"Gagawa ako ng paraan para mahanap ka kahit sumuko pa silang lahat! Pangako yan." bulong ko habang hinihimas ang tiyan ko.

Para sayo at para sa anak natin.

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon