" Ano na namang ginagawa mo dito?! " inis na tanong ko ng bumungad na naman sakin si Ivan pagkababang pagkababa ko sa hagdanan. Ilang linggo na syang pabalik balik dito dahil maganda ako at sinusuyo nya ako. Hindi joke! Yung anak ko lang talaga ang sinusuyo nya kaya naiinis ako.
Sampalin ko kaya ng isa to! Oo sabi ko di ako marupok pero diba dapat gagawa sya ng paraan para rumupok ako? Bwisit talaga ang lalaking to! Parang di ako minahal ng walong taon ah!
" Ahm.. i-ilalabas ko lang sana si Josh. Sabi nya kasi gusto nyang pumunta sa isang park. " nakangiting wika nya.
Makangiti parang walang atraso ah!
Sasagot pa lang sana ako ng makita kong dali daling tumatakbo pababa ang anak ko, nakabihis na at parang excited na excited.
" Josh!Magdahan dahan ka nga! " inis na saway ko sa anak ko.
" Sorry na Mama! N-naexcite lang po! " tuwang tuwang wika nya saka humalik sa pisngi ko. Bago mabilis na humawak sa kamay ng Papa nya.
" Tara na po Papa! " masiglang aya ng anak ko, sandaling bumaling muna si Ivan sakin at ngumiti bago sila lumabas na.
Wow! Pangit mo talaga Ivan!
Walang ganang nagdiretso na lang ako sa kusina para kumain pero bumungad sakin ang isang bouquet ng bulaklak na nakapatong sa dining table. Kinuha ko ito at binasa ang note.
Don't be so masungit na! Here's your favorite flower again to make you smile :) Iloveyou!
Kagaya ng palagi kong ginagawa itinapon ko lang yung bulaklak sa trash bin bago umakyat na uli sa kwarto ko. Alam kong si Ivan ang laging nagbibigay sakin ng bulaklak pero lagi ko lang tinatapon dahil sa inis ko sa kanya, bakit hindi sya makipag usap?! Akala nya ba madadaan nya ako bulaklak lang?
Agad kong tinawagan si Laurence dahil sa inis, buti na lang at sinagot nya din agad.
" Hep! Wag ka munang iimik! Laurence! Naiinis na talaga ako! Binigyan nya na naman ako ng bulaklak! Kapal ng mukha nya! Ganun ba kahirap sa kanyang makipag usap?! " walang ganang panggagaya nya sa lagi kong sinasabi tuwing tatawag ako kaya napatawa ako.
" Eh! Kasi naman eh! " naiinis na wika ko hanggang sa napaiyak na. Nakafacetime pa rin kami ni Laurence pero yumuko ako kasi nahihiya na ako lagi na lang ganito ang nangyayari kapag tumatawag ako. Pero napatigil ang pag iisip ko ng may marinig akong sumisinghot. Agad akong napatingin kay Laurence.
Oh my God! Umiiyak sya! Umiiyak din si Laurence!
" Laurence naman eh! Alam kong nakakaawa ako ngayon pero huwag ka namang umiyak din! Mas nararamdaman ko tuloy ang pagiging sawi ko sa pag ibig! " nagpupunas ng luhang reklamo ko pero napatigil ng hindi pa rin tumigil si Laurence sa pag iyak, para bang may pinagdadaanan ito.
Don't tell me.. No!
" I l-lost her.. I lost her Lyana! Paano na ako ngayon? S-she left me! " umiiyak na usal ni Laurence. Hindi ko alam ang gagawin ko! Hindi ko naman sya mayayakap para patahanin kaya napiyak na lang din ako.
"Why do I have to feel this? Why do I need to be hurt like this?! All I want is to be happy Lyana! That's all! Why can't I?"
nasasaktang wika nya at sa puntong yun dun ko narealize na walang wala ang pinagdadaanan ko sa pinagdadaanan nya.
![](https://img.wattpad.com/cover/295550546-288-k119126.jpg)