Ivan.
Pupuntahan ko ang mag-ina ko... Uuwi na ako sa tunay na pamilya ko.. sa tunay na tahanan ko..
Handang handa na akong umalis ng bahay ni Melissa pero bago ko pa man magawa may matigas na bagay na ang humampas sa ulo ko, nagdilim ang paligid ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
Nagising na lang ako na nasa isang kwarto at nakatali ang mga kamay at paa. Lahat ginawa ko para makatakas pero napatigil ako ng ipakita sakin ni Melissa ang litrato ng mag ina ko.. masayang naglalaro ang anak ko sa isang park habang pinapanood sya ni Rain.
N-no.. not my family please...
" M-melissa please.. nagmamakaawa ako... Huwag ang mag ina ko... Nakikiusap ako.. " umiiyak at hirap akong lumuhod sa harap nya dahil sa mga tali ko sa paa at kamay. Sandali akong napatingin sa kanya at nakita sa mga mata nya ang awa pero napaharap sya sa pinto at may kung anong tiningnan dun bago muling humarap sakin ng walang kahit anong emosyon na.
" Huwag mo lang kaming iwan.. at pangako hindi ko sasaktan ang mag ina mo! " pagtatapos nya bago mabilis na lumabas ng pintuan.
Ang lakas ng loob ko ay lahat nabura at napaiyak na lang.
Miss na miss ko na ang mag ina ko..
Nang mga sumunod na araw ay hindi ako pinakain ni Melissa, mabuti din naman dahil sa tingin ko hindi rin naman ako makakain eh. Tumagal siguro yun ng ilang linggo kaya unti unti na rin akong nanghina, muling pumasok sa kwarto si Melissa at ngayon may dala na syang pagkain pero hindi ako nagpatinag, hindi ako kumain at sinanggi pa ang kamay nyang may pagkain dahilan ng pagtapon nito. Gakit na galit syang tumingin sakin pero nilabanan ko ang tingin nya, nanlaban ako sa kanya kahit hinang hina pero nawala na rin ang lakas ko ng maramdaman ang pagtama ng matigas na bagay na naman sa ulo koo, nagdilim ang paningin ko hanggang sa tuluyan na akong nawalan ng malay.
" Mahal gising na... " si Rain!
"Papa! Iniintay ka po namin.. " ang anak ko!Napabangon dahil sa mga boses na yun pero napabalik lang din sa paghiga ng sumakit ang ulo ko. Bumungad sakin ang mukha ng mga magulang ko.
" Si Rain? Yung anak ko? Nasan sila Mama? Nasan sila?! " natatarantang wika ko. Pero agad ding huminahon ng hawakan ni Mama ang kamay ko.
" Nasa ibang bansa sila anak.. halos magdadalwang taon na din sila doon anak.. " malungkot na wika ni Mama.
A-ano?
" Anong sinasabi mo Mama? Dalwang taon? " takang takang tanong ko.
" Anak.. " si Papa. "Isang taon ka ng comatose anak.. " gusto kong matumba sa narinig ko pero nakahiga na ako kaya paano pa?!
Pero.. isang taon?! Lintek na Melissa! Papatulugin lang naman ata ako kaya hinampas pero bat isang taon?!
"H-hindi po ba nila ako kinumusta? " utal na tanong ko, natatakot sa sagot nila.
" Hindi anak.. sa tingin ko ay wala silang kaalam alam sa nangyari sayo maging sa pagbalik ng alaala mo.. " malungkot na wika ni Mama.
Mabuti na rin yun.. para di na sila mag alala pa..
Ilang buwan simula ng magising ako ay nakarecover na rin ako at nakalabas ng hospital. Hindi ko alam kung saang bansa sila hahanapin kaya pumunta ako sa bahay ng mga magulang ni Rain. Nang nasa labas na ako ng bahay nila ay nakasalubong ko yung lalaki. Hindi ako pinansin nito pero tinawag ko sya.
![](https://img.wattpad.com/cover/295550546-288-k119126.jpg)