Kabanata 4

2.3K 81 5
                                    

"Wala pa ring lead Lyana eh." parang nawawalan ng pag asang wika ni Laurence ang pulis na naging kaibigan ko dahil sa paghahanap ko kay Ivan, sya na ang naging katulong ko sa paghahanap kay Ivan simula ng sumuko ang mga magulang nya at nawalan ng pag asa na buhay at makikita pa namin sya. Nagalit ako sa kanila dahil don pero kalaunan ay naintindihan ko rin sila. Napabuntong hininga na lamang ako.

"Sige, Laurence, salamat! Pakibalitaan na lang ako kapag nagkaroon na ng lead please?" malungkot na pakiusap ko. Sandaling natahimik sya sa kabilang linya bago sya sumagot.

"Sige Lyana, makakaasa ka" may kung ano sa tinig niya pero binalewala ko na lang saka nagpasalamat uli bago binaba ang tawag.

Almost three years na love! Babalik ka pa ba sakin? Babalik ka pa ba samin?

Napatingin ako sa mag iisang taon ng anak kong mahimbing na natutulog sa kama at napabuntong hininga.

" Mukhang matatagalan pa anak bago kayo magkita ni Papa mo. Pero pinapangako ko anak magkikita kayo, hindi man ngayon pero balang araw. Pangako!"  bulong ko sabay halik sa noo ng anak ko.

Umaasa ako love na matutupad ko ang pangako ko sayo at sa anak natin. Umaasa ako na buhay ka pa rin hanggang ngayon.

Tumayo na ako mula sa pagkakaupo sa kama ng anak ko saka uli ito hinalikan sa ulo bago lumabas ng kwarto nya. May trabaho pa akong dapat asikasuhin.

Iintayin kita love! Hindi ako susuko kahit lahat sila ganun na ang ginawa. Pangako!

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon