"Lyana?" narinig ko na ang pagtawag ni Laurence sa labas kaya dali dali na akong bumaba at pinagbuksan sya ng gate. Pagkabukas na pagkabukas ng gate ay agad nya akong nilapitan. Wala namn sa sariling niyakap ko sya at umiyak sa balikat nya.
"Wala na Laurence! May bago na sya! May anak na rin sya!" umiiyak na bulong ko sa dibdib nya sabay singa sa damit nya. Dali dali namn syang napabitaw sakin.
"Ang dugyot namn Lyana!" natawa ako sa mukha nyang di maipinta habang nandidiri syang pinunasan ang damit nyang may konting sipon ko. Naguilty naman ako bigla kaya nilapitan ko uli sya. Napatingin sya sakin ng pinunasan ko ng tissue ang damit nya.
"Sorry na!" nakangusong usal ko.
"Tsk! Halika nga dito!" dahan dahan nya akong hinila para mayakap. I considered him as my closest friend because he's the only person who stayed with me and my son when everyone left me hanging while finding Ivan, and I will always be thankful for him because of that.
"Ano ba kasing nangyari?Pano mo sya nakita? San mo sya nakita? Bakit pumunta ka mag isa? Bakit hindi mo ako tinawagan? " sunod sunod na tanong nya.
"Laurence! Wait! Mahina ang kalaban! Isa isang tanong lang namn! Una tinawagan ako ng mga katrabaho mo para sabihin na nakita na nila si Ivan. Pangalawa sa isang isla ko sya nakita. At pangatlo! Pano kita tatawagan eh absent ka diba? Kasi may inaasikaso kang importante!?" mahabang paliwanag ko.
"Kahit gano pa namn kaimportante yun uunahin pa rin namn kita eh! Kita mo ang nangyari? Pano kung dahil sa sinasabi mong nakita mo di ka nakapagmaneho ng ayos at nabanggga ka? Ha? Pano si Josh? Pano ang anak mo!? " inis na inisna wika nya.
"Nakauwi namn ako ng ligtas ah! Di namn ako naaksidente o nasugatan! Alam mo ang may sugat sakin ngayon? Puso! Yung puso ko! Durog na durog na eh! Kasi namn eh! Ang tagal ko syang inintay kasi ramdam kong buhay pa sya! Tapos ano? Makikita ko sya, oo masaya akong makita sya! Pero bakit may kasama ng iba?! Bakit parang ang saya saya nya?! Bakit parang burado na kami sa buhay nya? Anong nangyari?!" umiiyak na sigaw ko na halos maubusan na ng hininga sa dami ng nasabi ko.
"Bakit sakin mo tinatanong lahat ng yan?" mahinahong sagot sakin ni Laurence.
"Ano?" takang tanong ko.
"Bakit sakin mo tinatanong ng lahat ng yan? Kung pede namn sa kanya? Bakit hindi mo sya nilapitan kanina? Bakit umalis ka ng makita mo syang masaya at may kasamang iba?" mahinahon paring tanong ni Laurence.
"Eh masakit eh! Masakit makita syang tumatawa pero hindi dahil sakin! Masakit makita syang nakikipaglaro sa isang bata habang yung anak ko na anak nya rin eh naghihintay lang dito at umaasa na balang araw makakalaro nya rin ang Papa nya! Ang sakit! Ang hirap tanggapin na yung taong matagal ko ng hinahanap at gustong makasama ay nakahanap na ng iba at masaya na sa piling ng iba!" napakahabang usal ko habang umiiyak. Naramdaman ko ang pag akbay sakin ni Laurence hanggang sa yakapin na nya ako, umiyak ako sa dibdib nya hanggang sa magdilim na ang paligid ko.
Anong nangyari love? Bakit nagkaganito tayo? Bakit ka naghanap ng iba?