Kabanata 23

3.1K 113 97
                                    

" P-papa ko? " agad kong nabitawan ang cellphone na hawak ko dahil sa sinabi ni Josh. Dali dali akong napalapit sa pintuan pero hindi ko alam kung manghihinayang ako o ano ng ang bumungad sakin ay isang pizza delivery boy. Agad kong hinarap ang anak ko.

" Anak! Ano bang sinasabi mo? " iiling iling na wika ko sa anak ko bago tinanggap ang pizza sa lalaki. Nang makaalis ang lalaki ay binaling ko uli ang tingin ko sa anak ko pero nananatili pa rin syang nakatingin sa labas ng bahay namin. Iniharap ko sa sya kaya naagaw ko ang atensyon nya.

" Anak! Makinig ka kay Mama.. wala si Papa mo dito okay? Wala ang Papa mo dahil- " napatigil ako sa pagsasalita ng may sumingit sakin.

" Ma'am may nakalimutan po pala ako! " yung delivery guy uli habang iniaabot ang isang kahon na sa tingin ko'y cake din. Ngayon ko lang narealize.

"Pinoy ka rin? " nakangiting tanong ko.

" Opo! " nakangiting sagot nito.

Laurence talaga! Pinabili pa ata ang magpipizza ng cake porket alam na kababayan namin!

" Salamat! " humugot na din ako ng pera sa wallet na hawak ko bago ko ibinigay sa lalaki. " Para sa pang aabala sayo ng nagbigay nito.. " nakangiti kong pag aabot, lumawak ang ngiti nya bago tuluyang nagpaalam.

Muli na naman akong humarap sa anak ko pero bigla na lang syang tumalikod, inagaw sakin ang cake at pizza saka pumasok at dumiretso sa kusina para siguro lantakan yung mga padala ng Tito nya.

Isasara ko na sana ang pintuan ng may biglang humarang na kamay kaya naipit ko to at napasigaw sya sa sakit.

" Hala! Halaaa! Wait! Oh my God! " natatarantang wika ko at walang pag aalinlangan na hinawakan ang kamay nyang naipit at hinipan ito.

Wait.. isa pang halaaa!

" Ivan?! " gulat na wika ko. Agad naman syang napangiti at akmang yayakapin ako pero lumayo ako na naging dahilan ng pagkawala ng ngiti nya.

" What are you doing here? " blangko ang tinging tanong ko.

" U-uwi na sa mag ina ko.. bumalik na ang mga alaala ko Rain! " bumalik ang sigla nya dahil sa sinabi nya.

" At ano sa tingin mo? May babalikan ka pa? Two years late ka na! " masama ang tingin na wika ko. Agad nagbago ang itsura nya mula sa nakangiti nyang mukha ay naging malungkot ito at parang nanlulumo.

" R-rain.. " inirapan ko sya saka tinalikuran.

"Pumasok ka at batiin ang anak ko! Pagkatapos ay maaari ka na uling umalis! " mataray na wika ko bago nagdiretso sa kusina. Narinig ko pa ang pagbuntong hininga nya bago sumunod sakin.

Anong akala mo sakin marupok!? Ha! Magdusa ka!

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon