" Sa wakas! " ingit ko ng makaupo na sa isang bench habang umoorder sa isang stall si Laurence. Napatingin naman ako sa anak ko na nasa tabi ko na tuwang tuwa sa robot na binili sa kanya ng Tito nya. Napangiti ako at malambing na hinalikan sya sa pisngi kaya naagaw ko ang atensyon nya. Malambing na nginitan nya rin ako.
"Salamat po Mama ko.. " tuwang tuwang aniya at hinalikan pa ako sa pisngi. Napangiti din ako bago hinayaan syang maglaro ng robot nya.
Nahihiya man pero tinanggal ko ang suot kong sandals bago minasahe ang paa ko. Nasa ganoon akong posisyon ng dali daling tumayo ang anak ko. Tatanungin ko pa lang sana sya ng sumigaw sya.
" Mama! Cotton candy! Gusto ko! " bago dali daling tumakbo. Dali dali at natataranta ko namang sinuot uli ang sandals ko bago sya hinabol nang madapa sya. Lalo kong binilisan ang takbo ko pero may nakauna na sakin na itayo sya. Sa pagkataranta ay agad kong hinawakan ang braso ng anak ko at tiningnan kung may sugat pero sa iba sya nakatingin kaya sinundan ko ang tingin nya at halos matumba sa gulat nang makita kung sino ang nasa harap namin.
" P-papa ko? " utal na usal ng anak ko. Nakita ko naman ang pagkunot ng noo ni Ivan habang nakatitig sa anak ko. Gusto ko mang umalis na kasama ng anak ko pero hindi sya sumama sakin.
"Mama! Sya si Papa diba p-po? " wika ng anak ko at bahagya pang itinuro si Ivan.
Yes anak..
" No anak.. tara na? " kabadong aya ko dahil ramdam ko pa rin ang tingin ni Ivan. Hihilahin ko na sana ang anak ko pero yumakap sya sa binti ni Ivan.
" P-papa ko! I-ikaw si Papa ko! " umiiyak na wika ng anak ko habang nakayakap pa rin sa binti ni Ivan. Lalapitan ko na sana sya at kukunin sapagkat nakatingin lang naman sa kanya si Ivan at walang ginagawa kahit umiiyak ang anak ko ng bigla na lang may tumulak sa anak ko dahilan ng pagtumba nito.
"Anak! " may nakasabay ako sa pagsigaw pero hindi ko na nagawang tingnan kung sino pa ito dahil agad ko ng nilapitan ang anak ko at binuhat ito. Nangingilid na ang luha ng anak ko ng makita ko ang mukha nya.
"Shh! Baby.. tahan anak! Ang big boy hindi umiiyak diba? " pang aalo ko, napansin nya siguro ang pag aalala ko kaya pinilit nya ring tumahan. Nahahabag na hinalikan ko sya sa pisngi bago nya ako niyakap sa leeg.
Napatingin naman ako sa harap ko at nakita ang anak ni Ivan na sya palang tumulak sa anak ko na pinagsasabihan ng asawa ni Ivan, napabaling ako kay Ivan at nagulat ng makitang nakatitig ito samin ng anak ko.
" Trisha! Bakit mo naman ginawa yun? " galit na wika ng asawa ni Ivan.
" Eh n-niyayakap nya Papa ko eh! " naiiyak na pagtatanggol ng bata sa sarili nya.
Napailing na lang ako at tatalikod na sana ng may humawak sa braso ko. Si Ivan.
" Ahm.. P-pasensya na sa g-ginawa ng anak ko.. " utal na usal nya. Pinigilan kong mapairap.
Anak ha.. Itong hawak ko ang anak mo!
Magsasalita na sana ako ng may nauna ng magsalita sakin.
" Lyana.. anong nangyayari dito? " si Laurence, sabay hawak sa baywang ko kaya napabitaw sa braso ko si Ivan. Nag aalala namang kinuha sakin ni Laurence si Josh ng makita ang itsura nito.
" What happened to my big boy? Huh? Bakit malungkot ang big boy ko? " pagkausap nya rito pero yumakap lang ang anak ko sa leeg ni Laurence. Napakunot ang noo ni Laurence bago tumingin sakin ng may pagtataka , sumulyap din sya kay Ivan bago muling binalingan ang anak ko, mukhang nakuha na nya ang nangyayari.
" Gusto mo ng cotton candy anak? " biglang wika nya na nakapagpatunghay sa anak ko.
"C-cotton candy? " unti unting ngumiti ang anak ko at bumalik ang saya. Napangiti din ako bago kumapit sa braso ni Laurence bago kami naglakad palayo. Sandali pa akong napasulyap kay Ivan at nakitang nakatungo ito bago matamlay na humarap sa mag ina nya. Sandali syang umimik bago iniwan ang mag ina at pumunta sa kung saan.
Bakit?