Kabanata 25

3.1K 80 79
                                    

" Welcome Back!! " masayang wika ni Laurence at hindi na kami hinintay na makalapit sa kanya dahil nagtatakbo na sya palapit samin, sa anak ko to be exact at binuhat ito.

" Namiss kita! " masiglang bati nito. Malambing na yumakap naman sa kanya ang anak ko kaya napangiti si Laurence. Nakangiti ang labi pero malungkot ang mga mata.

Naku! Patay talaga sakin yang babaeng yan pag nakita ko!

Bumaling naman sakin si Laurence at hinalikan ako sa pisngi bago yumakap bilang pagbati.

" I'm so sorry about last time Lyana! " bulong nya bago kumalas sa yakap, nginitian ko naman sya na parang sinasabing okay na yun, ilang linggo na rin ang nakakalipas eh.

Salamat pa nga sayo eh! Nagising ako sa katotohanan..

Naglalakad na kami papunta sa kotse ni Laurence ng may humawak sa braso ko. Napatigil din sina Laurence sa paglalakad

Yung asawa nong may amnesia na Ivan..

" Anong kailangan mo? " walang ganang tanong ko.Hindi ko pa rin nakakalimutan atraso nito eh. Pasalamat sya di lang ako maganda! Mabait din kaya hinayaan ko sya at pinaubaya na lang si Ivan.. pero sorry sya ! Sa akin ang huling halakhak! Joke!

" P-pede ba tayong mag usap? " utal na wika nya. Napatingin naman ako kina Laurence na nag iintay din sa sagot ko.

" Mauna na kayo sa bahay.. susunod na lang ako.. " wika ko habang nakatingin kay Laurence. Halata ang pagtutol sa mukha ni Laurence pero nginitian ko lang sya.

" Uwi din agad si Mama anak! " nakangiting sabi ko kay Josh, lumapit naman sya sakin at hinalikan ang pisngi ko. Pinanood ko pa silang makapasok sa kotse bago ako humarap sa kasama ko. Pero nagulat ako ng makitang nagpupunas na ito ng mukha tila ba umiiyak. Naramdaman nya ata ang tingin ko kaya tumingin din sya sakin pero ngayon ni bakas ng luha ay wala sya.

" Tara.. " biglang sabi nya at hinatak ako.

Ay! Close tayo teh!?

Wala akong nagawa kung hindi magpatianod sa hatak nya ng makarating kami sa harap ng isang kotse.

Sana all po!

" Sakay! " utos nya at napapailing na sumunod naman ako.

Makautos naman to!

Umandar ang sasakyan at tumingin lang ako sa labas ng bintana.

" Saan ba tayo pupunta? " takang tanong ko pero hindi sya sumagot.

Kidnap ba to? Wala akong pera uy! Pero sige okay lang kaya ko namang makipagsampalan sa babaeng to! Wag lang sanang may kutsilyo o baril na dala to!

Dahil sa kung ano anong pumapasok sa utak ko, huli na ng namalayan kong nakatigil na kami at nasa harap na kami ng isang..

Sementeryo?

Lumabas sya at kahit naguguluhan ay sumunod ako. Lakad lang kami ng lakad ng tumigil sya, agad akong napatingin sa lapida sa harap namin at napatakip ang bibig sa nabasa.

Trisha Angeles

" Oh my God! " bulong ko. Napatingin ako sa babae at nakitang tahimik na syang umiiyak, hindi ko malaman ang gagawin, kung patatahanin ko ba ito? At kung oo. Pano?

" Hindi ko alam paano magsisimula.. " umiiyak na wika ng babae bago umupo sa damuhan kaharap ang lapida ng anak nya. Gumaya ako at umupo rin para makinig ng ayos sa kanya.

" Una.. gusto kong magsorry.. kulang ang salitang sorry sa lahat ng nagawa ko.. kulang na kulang! " nakatungong wika nya.

"Ahm.. ano okay na yun.. mahal ka nya ng mga oras na yun kaya pinaubaya ko sya.. masakit pero dun sya masaya eh.. " nakangiting wika ko sa kanya.

" Hindi.. hindi kailanman nya ako minahal.. minahal nya ang anak ko, oo, pero ako? Hindi kailanman.. kasi kahit wala syang naalala, kilala ng puso nya ang totoong nag mamay - ari nito.. kahit isang beses sa loob ng halos tatlong na magkasama kami sa iisang bubong, ni minsan hindi sya tumabi sakin sa pagtulog.. mahirap paniwalaan pero yun ang totoo.. walang kahit anong nangyari sa loob ng tatlong taon kahit na ang alam nya ay mag asawa kami.. " ayaw ko sanang maniwala sa mga sinasabi nya pero nakikita ko sa mukha nya ang sinseridad. Iimik na sana sya pero sumingit ako.

" Halos tatlong taon? Eh halos limang taon na kayong nagsasama diba, kasi ngayong taon lang din namn bumalik ang alaala nya diba? " takang tanong ko.

Ngumiti sya at napailing.

"Mahal na mahal ka talaga nya.. " nakangiting wika nya. "Alam kong magagalit ka sa mga sasabihin ko pero sana pakinggan mo muna lahat.. hindi na ako magdadahilan pa dahil alam kong mali lahat ng nagawa ko pero sana pakinggan mo muna ako.. " huminga muna sya ng malalim bago nagpatuloy.

" Dalawang taon na mula ng bumalik ang alaala nya Lyana.. "

W-what? Eh b-bakit ngayon lang sya bumalik samin?

Iimik na sana ako pero naunahan nya na naman ako.

" At kung nagtataka ka kung bakit hindi nya agad kayo nahanap.. kasi kasalanan ko.. tinakot ko sya.. pinagbantaan na sasaktan ko kayong mag ina.. hindi sya naniwala nong una pero nang oinakita ko ang litrato nyong dalwa ng anak mo sa Canada.. natigilan sya.. lumuho sya Lyana.. lumuhod sya at nagmakaawa sakin na wag ko kayong sasaktan , sya na lang daw.. naawa ako at hahayaan na lang sana kayo p-pero Lyana.. nakita ko yung anak ko.. nakita ko kung gaano kasakit sa kanya na iiwan na kami ni Ivan.. kaya eto na naman.. naging makasarili ako! " umiiyak na wika nya. Pero nanatili lang akong tulala.

" Hindi ko sya hinayaan na makabalik sa inyo.. ginawa ko ang lahat ng kaya ko.. ikinulong sa bahay namin, hindi pinakain para manghina sya at di na manlaban.. hindi ko na alam kung anong nangyayari sakin ng mga oras na yun.. basta ang nasa isip ko lang ang kasiyahan ng anak ko.. hanggang sa... Hanggang sa nasaktan ko ng pisikal si Ivan na naging dahilan ng pagkacomatose nya ng isang taon, doon ako natauhan sa lahat ng nagawa ko.. sabi ko pa non.. Anong nangyayari sakin? Hindi ako ganito eh.. hindi ako yon.. nagising ako sa lahat ng kasamaan ko ng bumungad sa harap ng bahay namin ang mga pulis. Walang pagdadalwang isip na sumama ako dahil nagsisi ako pero lalo lang akong nagsisi dahil nabalitaan ko na lang na.. n-na wala na ang anak ko, nabangga sya habang umiiyak at hinahanap ako. Napabayaan ko ang anak ko.. pinabayaan ko ang a-anak ko, at hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko dahil dun, dadalhin ko ang pagsisising ito hanggang sa huling hininga ko.. at maiintindihan ko kung hindi mo ako kaya patawarin dahil kahit ako na sarili ko hindi ko kaya patawarin.. " doon na sya nagsimulang umiyak hanggang sa humagulhol na.

Naiyak din ako, hindi dahil sa kanya kung hindi dahil sa nangyari kay Ivan.

Masaya kami at nagagalit sayo sa pag aakalang tuluyan ka ng nawala samin.. p-pero mas malaking hirap at sakit pala ang dinanas mo at ang mas masakit pa.. wala kami sa tabi mo.. wala ako sa tabi mo.. Patawad l-love.. patawad!

Lost Memories (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon