Mula nang araw na makauwi kami galing sa Amusement Park may nagbago na sa anak ko. Madalas kong nakikitang tulala na parang kahit ang bata pa nya ang dami nya ng iniisip na problema. Tatanungin ko sya pero ngingitian nya lang ako at yayakapin bago magsasabi ng mga dahilan na alam ko namang hindi totoo. Katulad ngayon! Nakita kong nanonood sya ng isang cartoon na palabas na hindi ko naman sigurado kung naiintindihan nya dahil nakatulala lang sya sa tv. Hindi ko na napigilan at nilapitan sya bago umupo sa tabi nya sa sofa.
" Anak ko.. okay lang ba ikaw? " napabaling ang tingin nya sakin. Tinitigan nya ako ng matagal.. matagal na matagal bago sya umiling kasabay ng pagtulo ng mga luha nya. Agad ko syang niyakap at iniupo sa mga hita ko.
" What's wrong anak? May masakit ba sayo?" tarantang tanong ko at mas lalo pang nataranta ng tumango sya. "Ha? Saan? Anak? Sabihin mo kay Mama.. " hahawakan ko na sana ang mukha nya para punasan ang mga luha nyang walang humpay sa pag agos ng ituro nya ang dibdib.
" Y-yung h-heart ko po Mama ang m-masakit. " umiiyak na bulong nya. Nahahabag na niyakap ko sya. Magsasalita pa lang sana ako ng maunahan nya ako.
" K-kasi po d-di ako love ng P-papa ko.. ayaw s-sakin ng P-papa ko.. bakit po M-mama? Makulit p-po ba a-ako? Dahil po ba l-lagi akong umiiyak? P-promise po di na iiyak a-ako, di na d-din po a-ako kukulit.. i-love lang po a-ako ni P-papa ko.. " hihikbi hikbing wika ng anak ko na muli na namang nakapagpadurog ng durog na durog ng puso ko.
Bakit kailangang maramdaman ng anak ko ito? Bakit kailangan nyang maranasan ang bagay na ito sa murang edad? Ang hirap kalaban ng tadhana...
Tanging pagyakap lang sa anak ko ang nagawa ko, hindi ko alam kung paano ipapaliwanag sa kanya. Hindi ko alam kung maiintindihan na ba nya. Wala akong nagawa kundi hayaan syang umiyak kasabay ng palihim na pag iyak ko rin dahil sa hirap na dinadanas ng anak ko sa murang edad. Dapat sa kanya nagpapaawa para ibili ng mamahaling laruan katulad ng mga normal na bata.. hindi nagmamakaawa na mahalin sya ng sarili nyang ama!
Hindi ko man gusto pero sa nakikita kong pinagdadaanan ng anak ko may galit na namumuo sakin.. galit sa sitwasyon na kinalalagyan namin ng anak ko at galit kay Ivan.. mali na kagalitan ko sya dahil biktima lang rin sya pero paano ko magagawang hindi magalit sa kanya kung ganito na kasakit ang nangyayari sa anak ko? Hindi nya deserve to! Bata pa ang anak ko eh.. bata pa sya...
Ilalayo muna kita anak..
Kasabay ng pagbuo ko ng plano sa isip ko ay ang pagtigil din ng pag iyak ng anak ko. Sinilip ko ang mukha nya at nakitang nakatulog na ito. Dahan dahan ko syang inihiga sa sofa bago maingat na pinunasan ang mga luha nya saka malambing na pinatakan sya ng halik sa noo nya.
Ilalayo muna kita anak ko sa masakit na sitwasyon na to! Ilalayo muna kita sa taong dahilan ng pag iyak mo...
