Mahigpit ang hawak ko sa bag ko ng makapasok sa coffee shop na nasa address na binigay sakin ng asawa ni Ivan. Iginala ko agad ang tingin ko at natagpuan ko din sya na agad ko namang nilapitan.
" Pasensya na kung medyo late, inintay ko pa ang mga magulang ko para may bantay ang anak ko... " pilit ang ngiting paliwanag ko. Ngumiti namn sya.
" Ayos lang!" nakangiting aniya. Ang ganda mo naman!
Umayos ako ng upo at huminga ng malalim.
" Madami akong tanong sa isip ko ngayon.. at alam kong madami don ay ikaw ang makakasagot kaya kung okay lang sana? Pede ko bang itanong, anong nangyari? Alam kong alam mo na si Ivan ay fiancé ko bago mangyari ang aksidente... " mahabang aniya ko habang diretsong nakatingin sa kanya. Doon ay nasaksihan ko ang pagbabago ng ekspresyon nya mula sa nakangiti nyang mukha hanggang hindi ko mapangalanang ekspresyon.
Bakit?
Hinawakan nya ang kamay kong nakapatong sa lamesa at tumungo hanggang sa narinig ko na ang mga hikbi nya.
Halaaa!
"Hala ! Wag kang umiyak! Hala! Paano ba ito! Tumahan ka!" natatarantang wika ko dahil nagtitinginan na ang mga tao sa amin. Tumunghay sya at diretsong tiningnan ako sa mata.
" Mahigit dalawang taon na ang nakakalipas ng matagpuan ko sya sa tabing dagat kung saan kami nakatira, doon sa bahay na pinuntahan nyo. Kami lang dalawa ng anak ko ang nakatira- " di na nya natuloy ang sasabihin ng bigla akong sumingit.
"A-anak mo? H-hindi sya anak ni Ivan?!" nabibiglang tanong ko. Ngumiti sya ng mapait.
" Hindi! Iniwan na kami ng totoong ama ng anak ko.. " kitang kita ko kung gaano kasakit sa kanya ang sinabi nya.
"I'm sorry.." guilty na sabi ko.
Sorry.. Hindi ko alam...
Pilit na ngitian nya lang ako.
" Natagpuan ko sya sa tabing dagat at dinala sa hospital. Nang magising sya ay aalis na dapat ako ngunit nalaman ko na wala syang naaalala.." pagpapatuloy nya. Napatulala naman ako.
A-ano?!
" Naawa ako sa kanya kaya inuwi ko sya at pinangako sa sarili na hahanapin ko ang pamilya nya.. hahanapin ko kayo.." nagsimula na naman syang umiyak pero wala na akong nagawa para patahanin sya dahil ako mismo ay umiiyak na din.
Nagagalit ako kay Ivan dahil nagkaroon sya ng iba.. tapos malalaman ko hindi nya pala ako naaalala?!
" Pero naging makasarili ako.. " napabalik ang tingin ko sa kanya ng sabihin nya ang mga salitang yon.
W-what?
Pinunasan ko ang luha ko at unti unting nagsalubong ang kilay.
"N-nakita ko kung gaano k-kasaya a-ang anak ko kasama sya... K-kaya- " salubong kilay na pinutol ko ang sinasabi nya.
"Kaya hindi mo na kami hinahanap! Kaya pinili mong ibahin ang katauhan nya. Kaya akala nya ngayon asawa at anak nya ang anak mo?! Tama ako diba?! " galit na wika ko.
Gusto kong manampal! Gustong gusto ko!
Bigla syang lumapit sakin at biglang lumuhod sa harapan ko.
" Nagmamakaawa ako sayo! W-wag mo syang ilalayo samin ng anak ko.. nakikiusap ako.. w-wag please! " umiiyak na pagmamakaawa nya. Naawa ako pero nanaig ang galit sakin ngayon.
" Hindi trahedya ang naghiwalay samin kundi ikaw... " galit na usal ko. "Hindi trahedya ang dahilan kung bakit hindi natuloy ang kasal namin.. hindi trahedya ang dahilan kung bakit lumaking walang tatay ang anak ko.. hindi trahedya ang dahilan kung bakit hindi buo ang pamilya ko.. ikaw! Ikaw ang dahilan non!" galit na galit na wika na kulang na lang ay manampal.
Anong karapatan nya? Anong karapatan nya na angkinin si Ivan? Anong karapatan nyang baguhin ang pagkatao nito?!
Sapilitan ko syang itinayo sa pagkakaluhod nya.
"Wala kang karapatang magmakaawa.. dahil sa amin mismo hindi ka naawa ng ilayo mo si Ivan!" galit na wika ko bago sya tinalikuran.
" Hindi.. hindi wag ka munang umalis please.." umiiyak na hinawakan nya ang braso ko kaya napabalik ako sa harap nya. Salubong ang kilay na tiningnan ko sya.
" Nagmamakaawa ako sayo w-wag mo s-syang kukunin sakin , samin ng anak ko please.. nakikiu- " hindi na nya naituloy ang sasabihin nya ng sampalin ko sya na naging dahilan na pagtumba nya sa sahig, sa halip na maawa ay masamang tingin lang ang iginawad ko sa kanya.
Hindi ako ganun kagaling magtimpi...
" Wala kang karapatang magmakaawang wag ko syang kunin sa inyo dahil hindi ka naawa ng ipagkait mo sya samin... Wala kang karapatang idahilan ang anak mo! d-dahil sarili kong anak! Sariling anak ni Ivan! lumaking wala sa tabi ang ama nya dahil sa pagiging makasarili mo! " galit na galit ma sigaw ko.
Iimik pa sana sya ng may sumanggi sa akin para malapitan sya, muntik na akong mawalan ng balanse kung hindi lang ako nakahawak sa lamesa. Itinayo sya ng sumanggi at galit na hinarap ako.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?! Uulitin ko lang sayo! HINDI AKO SI IVAN!" galit na sigaw nya sa mismong mukha ko bago hinila ang asawa nya na nakatungo lang.
" K-kailangan ka n-ng anak nat- " wika ko bago sila makalagpas sakin. Salubong namn ang kilay nyang humarap sakin.
" Tumigil ka na nga! Isa lang ang anak ko at si Trisha yun! " galit na sigaw nya uli sakin bago ako tinalikudan at sinama sa kanya ang asawa nya.
Trisha..
Bigla kong naalala ang batang kalaro nya sa isla noong una ko syang makita. Wala sa sariling napaupo ako sa upuan at umiyak.
Ang anak ko.. Paano ang anak ko..
Gulong gulo ang isip ko at basta na lang nag iwan ng pera sa lamesa at lumabas ng coffee shop, nang tumambad sakin si Ivan.. at asawa nya na magkayakap.
Masakit na.. Tama na.. Please!
Umiiyak na tinalikudan ko sila bago dumiretso sa kotse ko. Humagulhol ako at yumuko sa manibela dahil sa halo halong sakit , lungkot , takot at pag aalala sa kalagayan ng anak ko at sa posibleng maramdaman nya kapag nalaman nyang hindi sya tanggap ng ama nya.
Nasa ganon akong posisyon ng makatanggap ako ng tawag mula kay Mama.
" A-anak nasan ka!? A-anak pumunta ka d-dito ngayon na.. A-anak si Josh- " hindi na nya natuloy ang sasabihin nya dahil humagulhol na sya. Natatarantang binaba ko namn ang tawag at pinaharurot ang sasakyan.
Kapit lang anak ko.. Papunta na si Mama! Please baby!