Matapos ng medyo mahabang byahe ay nakarating din kami sa Amusement Park. Tatalon talon sa tuwa si Josh habang hawak namin sya sa magkabilang kamay ni Laurence. Pagkapasok na pagkapasok namin ay nagtaka kami ng may humarang na isang lalaki samin na may hawak na camera.
" Hi Ma'am Sir! Pwede ko po ba kayong kuhanan ng litrato? Gusto ko lang po sanang ifeature sa documentary ko about sa Amusement Park na ito kung gaano kasayang magpunta dito kasama ang buong pamilya. Can I po Ma'am Sir? Mukhang ang saya saya po kasi ng family nyo especially this cute little boy here.. " nakangiting wika nya at pinisil pa ng kaunti ang pisngi ng anak ko, nginitian naman sya ng anak ko kaya napangiti din ako bago bumaling sa lalaki.
" Sure! Pede mo kaming kuhanan ng picture.. " nakangiting wika ko. Napangiti naman ang lalaki at binigyan kami ng instruction sa magiging pose namin.
" Sir, can you carry your son po then put your arms on your wife's waist po... " kahit parang gustong umimik ni Laurence ay sinunod nya na lang ang sinabi ng lalaki, napatingin pa ito sakin at nginitian ko sya bilang pag sang ayon o pagpapaabot sa kanya na okay lang na gawin nya ang sinasabi ng lalaki. Nang magawa nya namn ay pinaayos na kami ng lalaki at pinangiti, ngumiti naman kami.
" Do you want a copy po? " nakangiting tanong ng lalaki.
" Can we? " nakangiti ring tugon ko.
" Sure po, wait lang po. " bago sya dali daling umalis. Naghintay naman kami kahit ang anak ko ay gustong gusto na kaming hilahin kung saan. Maya maya lang rin ay dumating na ang lalaki at binigyan kami ng dalawang wallet size na copy. Hiningi ni Laurence ang isa at nilagay ko naman sa wallet ko ang isa pa.
Nagpasalamat naman kami sa lalaki bago kami tuluyang pumasok na sa Amusement Park. Unang una naming pinuntahan ang isang ride na sa tingin ko ay gustong gustong sakyan ng anak ko, hindi ko alam ang tawag sa rides na ito pero it is where the children are going to ride at the back of the fake animals like horse then it will move up or down while the whole ride was rotating. I don't know if I explained it right but yeah that's what my son's doing right now, nakaalalay sa kanya si Laurence kaya tuwang tuwa ko silang kinuhanan ng picture gamit ang cellphone ko. Kitang kita ko kung gaano kasaya ang anak ko pati na rin si Laurence. Wala sa sariling napangiti ako at lumuha sa sobrang saya. Pinunasan ko ang luha ko bago binalik ang tingin ko sa kanila, nagtama ang tingin namin ni Laurence saka ko ito sinserong nginitian.
I know saying thankyou is not enough for all the things you've done to me and my son but I want to say it still, Thankyou so much Laurence!