"Ma'am may lead na po kami" humahangos na wika ng mga pulis pagkarating na pagkarating ko sa presinto.
"Talaga? Nasan sya?" naiiyak sa tuwa na usal ko. Pagkasabing pagkasabi ng pulis kung san ko sya matatagpuan kahit na hindi pa sya tapos magsalita ay agad na akong pumunta sa kotse ko at pinaharurot ito.
I can finally see you again.
Nang makarating sa isla na sinasabi ng pulis ay inilibot ko kaagad ang aking mata. Natataranta akong naglakad at umikot ikot ngunit di ko sya matagpuan.
Nasan ka?
Ilang oras din ako umiikot hanggang sa mapagod ako at nagdecide na umupo sa buhanginan.
Where are you? I can't wait to finally see you again love.
Tumayo na ako para sana maghanap uli ng may marinig akong nagtatawanan. Sa paglingon ko ay may nakita akong isang pamilya na naglalaro sa buhanginan. Ang saya saya nilang tingnan. Ang anak ay gumagawa ng sand castle katulong ng ama at ang ina naman ay kinukuhanan sila ng litrato. Wala sa sariling napaupo ako sa buhanginan ng makita ko ang ama.
B-bakit? Paano nangyari to?
"Hindi.. hindi pede!" umiiyak na bulong ko. Kasabay ng mga luha ko ay pagbuhos ng ulan sa halip na sumilong ay pinanood ko ang mag anak na maglaro sa ulan. Ang halakhak nila ay kasabay ng pagkabasag ng puso ko.
Ang daya ng mundo. Ang daya mo love.
Tumalikod na ako ng hindi ko makayanan ang panoorin sila. Wala sa sariling naglakad palapit sa kotse ko at nagdrive paalis. Hindi ko alam kung ikalulungkot o ikatutuwa ko na nakauwi ako ng hindi nababangga. Pagkapasok na pagkapasok ko sa bahay ay ang pagtakbo rin ng maliit na bata sakin.
"Mamaaa!" galak nitong bati ng binuhat ko sya. Niyakap ko sya at tahimik na umiyak. Umiyak ako sa bisig ng anak ko dahil sa katotohanang posibleng di na niya makilala ang ama niyang halos 2 taon na niyang hinihintay at gustong makasama. Umiyak ako sa katotohanang di na mabubuo ang pamilya namin dahil bumuo na sya ng kanya.
"Mama, bakit po ikaw iiyak?" utal na wika ng anak ko. Sa halip na sumagot ay hinalikan ko sya at inilingan.
Kasi talo tayo anak. Sa gitna ng paghahanap natin sa kanya, nakahanap sya ng iba.
Nakatulog sa bisig ko ang anak ko dahil sa pag iyak ko sa balikat nya. Dahan dahan ko syang inihiga sa kama nya at inayos ang comforter nya bago hinalikan sya sa noo.
"Talo tayo anak! Mukhang nakahanap na ng iba ang Papa mo. Huwag mo akong iiwan anak ko ha! Ikaw na lang ang mayroon ako." umiiyak na bulong ko. Pinunasan ko ang luha ko ng umibo sya sa pag aakalang magigising sya pero hindi, kaya humiga na lang ako sa tabi nya at niyakap ang anak ko ng mahigpit saka pumikit, umaasang panaginip lang ang mga nakita ko sa isla kanina, nang maalala ko si Laurence.
Dali dali uli akong bumangon at tinawagan sya. Nang makailang ring ay sinagot din nya ito.
"Laurence!" parang inaping bati ko.
"Lyana? Bakit? Anong nangyari?" natatarantang tanong nya siguro ay nagtataka at napatawag ako ng dis oras ng gabi.
"Nakita ko na sya Laurence! Nakita ko na si Ivan p-pero" hindi ko na naituloy ang sasabihin ko dahil napaiyak na ako. Tahimik lang sya sa kabilang linya tila inaantay na kumalma ako.
"Intayin mo ko dyan sa inyo! Pupuntahan kita!" dali dali nyang sabi saka pinatay ang tawag.
Napatulala na lang ako sa kawalan.
Anong nangyari Ivan? Bakit nagkaroon ka ng iba? Paano?!
BINABASA MO ANG
Lost Memories (COMPLETED)
Любовные романыAn almost happy ending ruined by a tragedy?