" Laurence! H-hindi ko ata kaya " napaurong ako ng makita ko ang simpleng bahay ni Ivan malapit sa isla kung saan ko sya nakita noon. Napaurong ako at babalik na sana sa sasakyan ng maalala ko ang itsura ng anak kong madaming nakakabit na kung ano ano sa katawan at bakas na bakas ang panghihina sa mukha. Napabalik ako kay Laurence at huminga ng malalim.
" Kaya ko to! Kakayanin! " isa pang hinga bago ako tumingin kay Laurence. Mahinahon lang ang titig nya sakin na parang iniintay akong maihanda ang sarili ko.
" Tara na? " aya nya ng mapansin na handa na ako. Huminga muna uli ako ng malalim bago tumango at kumapit sa braso nya.
Kaya ko to! Para kay Josh!
Nang makarating kami sa harap ng bahay nila ay binaba ni Laurence ang kamay kong nakahawak sa braso nya at hinawakan ito. Kahit papaano ay kumalma namn ako dahil don.
" Tao po! " pigil ang hininga ko ng nagsalita si Laurence. Hinigpitan ko ang hawak sa kamay ni Laurence ng bumukas na ang pintuan ng bahay at bumungad samin si Ivan sa likod nito ay ang asawa nya.
Asawa..
Napangiti ako ng mapait sa naisip ko.
" Gusto ka sana naming makausap " diretsong wika agad ni Laurence habang nakatingin kay Ivan. Pasimple ko syang kinurot sa bewang dahil dun. Napatingin naman ako kay Ivan at nakitang nakatingin sya sa kamay namin ni Laurence na magkahawak.
Bakit? Nagsisisi ka na ba? In your dreams, Lyana!
Binalewala ko na lang ang tingin nya at sa halip ay mas hinigpitan ang kapit ko sa kamay ni Laurence.
" Mahal! " pagtawag ng asawa ni Ivan sa kanya.
Mahal...
Napatingin ako kay Ivan ng bumaling ang tingin nya sa asawa nya. Tila ba natauhan ito. Humarap samin ang asawa nya.
" Pasok kayo! " bakas ang pagtataka sa mukha nito ngunit pinapasok pa rin kami.
Hinila namn ako papasok ni Laurence saka sumunod sa likod namin ang mag asawa. Ayoko man ay nailibot ko ang mata ko sa simpleng bahay nila. Hindi gaano kalaki pero tamang tama para sa tatlong nakatira. May isang cr, dalawang kwarto at may maliit pero malinis na kusina, may sala din na may mga simpleng sofa at katamtamang laki ng tv. Nahagip ng mata ko ang litrato nila na mukhang kuha sa isla kung saan ko sila nakita.
" Maaari ko po bang itanong kung anong pakay ninyo sa amin? " pag agaw sa pansin namin ng asawa ni Ivan. Napabaling ako sa kanya, ng di ko kayaning makipagtitigan ay binaling ko ang tingin ko kay Laurence. Nakatingin na din sya sakin na para bang sinasabi sakin na sabihin ko na sabay pisil sa kamay ko. Huminga muna ako ng malalim.
" I-ivan! " utal na panimula ko habang nakatingin kay Ivan, nakita ko naman ang pagkunot ng noo nito pero nagpatuloy pa rin ako sa pagsasalita. " Alam kong makakagulo sa inyo ang sasabihin ko pero kailangan kita! Kailangan ka ng anak natin.. " nangingilid ang luhang usal ko.
" M-may sakit ang anak natin.. a-at kailangan ka nya sa ngayon! Nakikiusap ako sayo! Tulungan mo lang ako, tulungan mo lang ang anak natin ngayon at pangako h-hindi ko na kayo guguluhin pa.. " umiiyak ng wika ko. Naramdaman ko ang pag akbay sakin ni Laurence pero ang atensyon ko ay na kay Ivan lang na nakakunot ang noo pa rin sakin.
" Anong sinasabi mo? Hindi ako si Ivan! " naguguluhang aniya.
W-what?
![](https://img.wattpad.com/cover/295550546-288-k119126.jpg)